Bakas sa mukha ni Bjourne ang matinding lungkot at takot na mawala si Marifer sa oras na malaman na nito ang katotohanan, ngunit base sa ekspresyong nakaguhit ngayon sa mga mata ng dalaga, alam niyang wala na siyang ibang pagpipilian kung hindi ang ibigay ang nais nito. He doesn't want to repeat his mistakes. No. Bjourne, as the one controlling Hale's thinking right now, doesn't want to commit the mistake Hale did before. Hindi man niya alam na siya ang kumokontrol sa ilang bahagi ng pag-iisip ni Hale dahil ang mga alaala ni Hale ang nakikita niya, naroon ang takot niyang gawin ang ginawa ni Hale noon sa dalagang si Amelia. Humugot ng malalim na hininga si Bjourne habang nakatayo sa harap ng veranda ng kanilang orihinal na silid ni Marifer. Si Marifer naman ay piniling maupo sa kama, at

