Marahas ang bawat paghinga ni Valian habang walang humpay ang kanyang pagwawala sa sala ng mansyon ng mga Devonaire. Ang bawat bagay na kanyang mahahagip, kung hindi pa mababasag sa kanyang mga palad, ay tumitilapon sa pader. He can't help it. His emotions are raging right now, making him lose control of himself. Mayamaya'y nakarinig siya ng mga yapak palapit sa kanyang pwesto. Natigil siya sa kanyang pagwawala, at kusang nabaling ang kanyang mga mata sa lalakeng dumating. Castiel Yvann, the silver-haired, deadly as hell and oozing with confidence younger brother of Valian, gave him the smirk he really hates to see. Nakabaon sa magkabilang bulsa ng pantalon nito ang kanyang mga palad, habang makahulugang nakatikwas pataas ang isa nitong kilay. "I assume my big brother enjoyed what he'd

