Hindi na ako nagpatulong pa kay Makoy na maghanap ng lalaking mapapangasawa ko dahil nahihiya na ako sa kanya. Ewan ko ba at bakit bigla na lang parang may nagbago. Nagtingin-tingin na lang ako sa mga dating app kung sino ang hindi mga dummy account pero wala talaga akong panahon na mag-aksaya pa ng panahon sa mga ganung apps. “Grabe na talaga ang mga p*****n na nagaganap ngayon sa mundo. Wala na talagang natitirang awa at pinupugot talaga ang ang mga ulo,” narinig kong diskusyunan ng mga empleyadong nasa lobby tungkol sa kung anong pinanonood nila sa social media. “Ano na naman kaya ang mainit na mga issue ngayon ng bansa?” tanong ko sa aking sarili at saka lumapit sa mga empleyado. Maaga pa rin naman at hindi pa oras talaga ng trabaho. Napansin ako ng isang babaeng empleyado at mab

