“May talent ka pala sa pag-drawing, Makoy? Talagang natandaan mo na agad ang lugar ng ganun lang kadali?” ani ni Uncle Baron ng ipakita ko na sa kanila ang iginuhit ko. Iginuhit ko lang naman lugar kung saan nanggagaling ang mga droga na hinuhulma na gaya ng sabong mabango. “Bawat mamataan talaga ay may cctv camera kaya dapa maingat ang lahat,” sabi ko pa sabay turo sa mga sulok kung saan nakatago ang mga camera. “Mag-ingat ka, Makoy. Hindi tayo masyadong nakakatiyak kung hind ka ba talag nahagip ng camera na nakapaligid sa lugar. Bilyon ang pinasabog mong transaksyon kaya hindi titigil si Among sa paghahanap ng masisisi sa pagkawala ng malaking halaga,” payo naman ni Sir Agaton. Narito kami ngayon sa isa mga hide-out na pag-aari ni Uncle Dark na hanggang ngayon ay hindi pinapayagan n

