“Maasim? Anong pagkain ba ang maasim bukod sa suka?” tanong ko sa aking sarili habang inililibot ang aking mga mata sa paligid at naghahanap ng pagkaing maasim. Ano ba kasing nagyayari kay Erin? Bakit sa dami ng pagkain na binili ko kanina ay maasim talaga ang gusto niya? Hindi naman kaya sumakit ang tiyan niya at mabigla ang kanyang sikmura dahil sa maasim na pagkain? Pero kailangan ko siyang sundin lalo pa at alam kong gutom naman talaga siya. Kahit lahat ng mga disposable diaper ay ipabili niya sa akin ay gagawin ko. Hindi ko nga lang alam kong bakit kailangan niya ng diaper at kung bakit mukhang masakit ang kanyang tiyan at talagang nakabaluktot pa ang katawan niya hanggang sa paglalakad lang patungong banyo. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa kanya. Kung bakit naman

