CHAPTER TWO - OFFER

1669 Words
Seryoso si Henry habang nakikinig sa company supervisor na nag di- discuss na ilang bagay ukol sa bagong project ng kumpanya bilang bahagi nito sa charity sa lalawigan ng Nueva Ecija. Walang kahit na katiting na ngiti na naka guhit sa mga labi nito. Naka ugalian na ng kumpanya nila ang pag bibigay tulong sa napipiling benepisyaryong lugar ng kanilang mga sinusuportahang charities bilang bahagi ng patuloy na pag angat ng kanilang shares at stock sa world market. Kasabay ng pamamayagpag ng labin limang taon ng kumpanya mula ng itatag ito ng kanyang lolo, patuloy itong lumalago at mula ng isalin sa kanya ang pagiging Chief executive, may dalawang taon na ang nakararaan, mas lalo nyang pinag bubuti ito at mas nagiging mabubusisi pa sya sa bawat detalye. Mas gusto pa nyang lumawak at lumago pa ito. Ang kanilang kumpanya ang humahawak sa mga ilang malalaking kumpanyang nag poproduce ng mga gawang pang exports. At nag bibigay subsidiya sa ilang maliliit na negosyante na may abilidad na umangat at maayos ang mga record at pumapasa sa kanilang screening. Matapos ang ilang discussion, umikot sya rito at in check mabuti ang ilang mga bagay. Isang malaking theater at sport complex ang bagong itinatayo nila. Kahapon lang sya dumating mula New York at hindi pa naka pag papahinga pero dito sya agad tumuloy upang i- check kung okey ang sitwasyon ng proyekto. Gusto nyang personal na nasu- supervise ang bawat detalye kahit sa maliit na bagay. Guato nyang sigurado at maayos itong natatapos. Matapos ma- check kung okey na, sandali syang huminto at natuon ang kanyang pansin sa kanyang cellphone na nag ri- ring. "Hello, iho." tinig ng mama nya. At may nahimigan syang kaka iba rito. "Yes, mama?" sagot nya. "Hurry! go home, son, your grandpa was admitted and he's in the hospital right now." "Why? What happened?" kalmante nyang tanong. Hindi kababakasan ng anumang pag pa- panic pero nasa mga mata ang bakas ng pag a- alala para rito. "We don't know yet, iho. Just come home." "Okey. bye ma!" pamama alam nya. "Bye! take care, iho." at nawala na ito sa linya. Napa buntong hininga sya, bago mabibilis ang hakbang na bumalik sa site at hinanap si Greg. Mabilis naman nya itong napansin na naka upo at nag ko- coffee. "We need to go back to Manila," pa simple nyang sabi rito, mabilis namang umangat ito ng tayo at hindi na tinapos ang kape. "May problema ho ba roon?" maingat nyang tanong rito. "Grandpa, was admitted. " maikli nitong tugon na agad namang ikina tango nito. "We need in a hurry!" "Got it, sir!" mabilis na sabi at lumapit sa kotse. Ilang sandali pa at nasa lansangan na sila. Nang makalipas sila sa dako pa ng palengke palabas ng highway, nahinto ang sasakyan dahil sa babaeng naka upo sa kalsada na may tila pinupulot "What is that?" iritable nyang tanong sa kasama. "I think mga gulay na natapon, marahil, sir" at sinipat ang babae sa ginagawa. "Go out and tell to her to be hurry!" seryoso ang madilim nitong mukha. "Or give the money to her and don't block the road. I'm hurrying." inis na wika nya, sanay na sya sa manila na ang ilan kung ano anong ginagawa sa gitna ng daan upang umagaw ng pansin at pagka tapos hihingian ka na ng pera. Mabilis na lumabas ang lalaki at ilang sandali pa nya itong nakita na nakikipag debate sa babae. Mukhang mataray yata ito at matapang. Hindi nya naririnig ang pinag tatalunan ng mga ito kaya mabilis syang lumabas. Ayaw nyang maistorbo lalo na't importante pa ang oras nya. Ilang sandali pang tiningnan nya ang babae. At malinaw nyang naririnig at naiintindihan ang mga sinasabi nito, pero hindi nya ito pinag tuunan ng pansin. Mas minabuti nyang talikuran ito. At nahagip pa ng pandinig nya ang pahabol na sinabi nito pero pinalipas lang nya. Wala syang balak pumatol sa mga babaeng hindi nya alam kung ano ang pakay lalo na sa mga mahihirap na babae. Wala syang tiwala sa mga ito na tila humahanap lang ng tyempo. Ayaw nyang matulad sa nangyari sa daddy nya na hanggang ngayon dahilan kung bakit isinumpa nya ang mga taong nasa likod ng nangyari dito. Mga taong marahil katulad rin lang ng babaeng ito. 'Mayabang at arogante' mga salita nitong pilit na bumabalik sa kanya. He smirk. Sabagay, may bago pa ba sa kanya iyon? Iyon naman ang tawag at alam ng lahat sa kanya. Napa iling sya sa isiping iyon. A cold hearted man. Napa buntong hininga na lang sya. At walang imik ng muling bumalik ang kanyang driver- assistant. "Whew!" sabi nito ng maka pasok muli ng kotse, sabay iling. "Ang tigas rin kausap eh, noh." sabi nyang hindi matukoy kung galit ba ang kanyang amo sa nangyari. Wala naman naging imik ang binata at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "Okey ka lang ba dyan, sir?" nangiting puna nito sa among kanina pa tahimik. Walang sagot mula rito kaya nanahimik na lang ito at ipinag patuloy ang pag mamaneho. Walang inimikan ang dalawa hanggang sa makarating sila at diretso sa hospital. TANYA'S POV Nag kita kinabukasan sila ni Sally at kumain sa isang restaurant. Kumustahan at kwentuhan ng mga bagay tungkol sa kanila at trabaho. "May pwede akong ialok na trabaho sayo, kung gusto mo." simula nito. "Sige, ano ba yan?" curious nyang tanong rito, basta tungkol sa trabaho game sya. "Aalis yung isang maid sa pamilyang pinag tatrabahuan ko at ikakasal na, kung gusto mo ikaw nalang kapalit. Malaki rin sila mag pasahod at may mga benefits pa. Pag pumayag ka, sasabihin ko kay madam para kasabay na kita pag balik ko." "Pero paano naman ang mga kapatid ko pag umalis ako?" na alangan nyang sabi. "Walang mag aasikaso sa kanila." "Walang problema dun, sasabihin ko kay madam na pahiramin ka muna para may maiwan ka sa kanila, malaki na rin naman yung kapatid mo, kaya na nila, mas magaan kung papasok ka roon, hindi ka mag titiis sa kakarampot na sahod gaya rito. At maibibigay mo ng maayos yung mga kailangan nila kung may sapat na sahod ka na. "Hindi ako nakatapos baka ayawan nila ako?" "Sus! yun lang ba problema mo? mababait sila lahat, pamilya ang turing nila sa mga katulong nila kaya hindi ka dapat matakot sa kanila. Hindi ko lang alam yung anak nyang uuwi yata ngayon galing New York. Hindi ko pa rin kasi iyon nakikilala mula pa ng pumasok ako roon." "Kaka usapin ko muna ang nanay at mga kapatid ko, kailangan maayos ko muna sila bago ako sumama sayo." sabi nya. Masiguro lang nyang okey ang kanyang mga ka pamilya, tatanggapin nya ang trabaho. Sanay naman sya kung trabahong bahay lang, wag lang namang masusungit ang mapadparan nya. Baka nga ito na ang kailangan nya para naman maayos nyang ma suportahan ang lahat ng kailangan ng kanyang mga kapatid, lalo na at may mag ka- college syang kapatid na pangarap pa naman nyang mapag tapos. "Sige, aasahan ko na iyan ha? Ipapa alam ko na rin kay madam para hindi na sila mag pakuha pa sa agency. " masayang sabi nito. "Sige, ibibilin ko lang ang mga kabahay ko." naka ngiti nyang sabi. Masaya silang naghiwalay matapos kumain at mag usap. Buo na ang pasyang ituloy na ang pamama sukan sa maynila. Baon ang bagong pag asa, masaya syang umuwi sa kanilang tahanan upang ibalita rito ang gagawin nyang desisyon. Kagaya ng ina asahan na nya, nagulat ang kanyang ina ay mga kapatid. "Pero mahirap ate dun, di ba?" "Walang hindi natin kakayanin basta marunong tayong mag dasal at humingi ng gabay sa kanya." sabi nya at bahagyang itinuro ang daliri sa itaas. "Tama" naka ngiting sabi muli ng mga ito. "Laban ate!" at in cheer pa sya ng mga ito sabay high five. "Yes! laban na laban si ate, lahat ng kontra, talo na. Darating na si darna may dalang abaya't saya pantabon sa bunton ng mandaraya..." biro nyang nag tila makata pa na itinula ang sinabi, nag katawanan sila at napuno ng masayang halakhakan ang kanilang tahanan. Isa ito sa masasaya nilang mga ala alang ma mi- miss nya ng sobra. Parang gusto nyang ma iyak ngunit pinigil ang sarili, ayaw nyang makita ng kanyang mga kapamilya ang pagiging mahina nya. Dapat laban lang ng laban hangga't kaya. "Sigurado ka na ba? Hindi mo naman kailangan gawin iyon anak. Dapat nga ako ang gumagawa nuan lahat." mangiyak ngiyak na sabi nito "Inay, para sa atin din ito, pangako dadalasan ko ang pag uwi dito basta may panahon ako." at niyakap ito. Nag si- sunuran na rin ang iba at nag yakap sila lahat. "Kaya natin 'to, laban lang!" sabi nya at lahat nag si- tanguan. "Mag iingat ka ate dun, ha? Kami na bahala kina inay at bunso." sabi ng sumunod sa kanya. Baon ang masasayang ngiti na naka tulog syang masaya. Isang linggo pa ang lumipas at handa na sa pag alis si Tanya. Ito na rin ang simula ng kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Pina ngako nya sa sariling mag iipon sya para sa mga ito at sa pag aaral ng lahat ng mga bata pa nyang kapatid. "Lagi ako susulat ay este tatawag pala," sabi nya na naka ngiti. "Aasahan namin yan 'te." at niyakap sya ng mga ito. Ilang sandali pa at dumating si Sally. "Ready ka na?" tanong nito na malapad ang ngiti. "Oo reding redi na kanina pa, kaya lang ikaw lang ang late. " sabi nya sabay tawa na ikina tawa ng lahat. "Ikaw na bahala sa kanya ha, Sally?" ang nanay nya. "Ay opo inay! aalagaan at iingatan ko po iyan, kahit po lamok hindi iyan mada dapuan." sabi nito sabay biro. "Syempre po kasi may aircon daw doon" sabat naman ng pinaka bata na ikinatawa ng lahat. "Alis na ho kami baka maiwanan pa kami ng bus." si Sally. "Sige, ingat kayo." ang ina nya. At tuluyan na silang umalis patungo sa istasyon ng bus.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD