CHAPTER One

3954 Words
Andrea Ninsavian's POV Napayuko ako at idinikit ko pa ang noo ko sa table habang humihikbi. "Ano ka ba naman Andrea! Tignan mo yung scores mo sa mga quizzes at exam, bumaba. Lalo na dito sa English, eh inulit lang naman ni sir yung pinaquiz niya sa'tin last year. Bakit 5 out of 50 lang ang nakuha mo samantalang last year eh halos maperfect mo?! Tapos mali mo pa 'tong pinakamadaling question, kailan pa naging mag-Ex si Cupid at Aphrodite? Mag-ina sila!" panenermon sa 'kin ng bestfriend kong si Mhay. "Eh inapply ko naman lahat ng natutunan ko sa mythology, about sa love, pero bakit? Minahal ko naman siya pero bakit niya 'ko iniwan??" Binuksan ko ulit yung isang roll ng tissue at ipinunas sa uhog kong tuloy-tuloy na tumutulo. "Andrea naman, three months na kayong break ni Monard. Wuy, magmove-on ka na. Tignan mo yung epekto nito sa grades mo, baka matanggal pa ang scholarship mo dahil dito. Lagot ka talaga sa lola mo. Pareho kaming maha-highblood sa ginagawa mo." Ipinakita ni Mhay ang mga test papers kong puro mabababa ang score. "Ang sakit-sakit pa rin talaga, huhu. Mahal na mahal ko pa rin si Monard, hindi ko siya kayang---" "Ms. Ninsavian and Ms. San Antonio! Nagdadaldalan na naman kayo sa klase ko! GET OUT OF MY CLASS NOW!!" galit na sigaw sa'min ni Sir Carion, ang Mapeh teacher namin habang nakaturo ang hawak niyang stick sa pinto. "Uy bilisan mo Andrea, galit na galit na si Sir baka mahambalos niya tayo ng arnis stick. Dalian mo, mamaya ka na mag-emote!" pabulong na sabi ni Mhay. Hinila na niya 'ko at agad na kaming lumabas ng room. "Hay nako, first period palang ng umaga pinalabas na naman tayo. Noon lang eh ikaw ang parang favorite ng mga teachers. Tapos ngayon, tayo na lagi ang pinapagalitan. Tignan mo naman ang ginawa sa'yo ng lalaking yun. 'Di siya worth it sa mga luha mo!" aniya habang naglalakad kami dito sa may soccer field ng school. Nakayuko lang ako habang umiiyak. Totoo nga naman ang mga sinasabi niya. Nadadamay na rin siya dahil sa'kin. Kami noon ang top two ng klase pero ngayon lagi na lang kaming pinapagalitan at pinapalabas ng klase. Wala ring kaalam-alam si Lola sa nangyayari sa 'kin pero sadyang hindi ko talaga makalimutan si Monard, sobrang sakit---- *BLOGSH!* "Andrea!" Agad akong tinulungan ni Mhay nang napasalampak ako sa lupa dahil sa lakas ng pwersa nung bagay na tumama sa ulo ko. Hinipo-hipo ko naman yung ulo ko na natamaan ng bola. Aray ko, huhuhu! "Ang lampa mo pa rin talaga. I can't believe na pinatulan kita." Agad kong tinignan ang lalaking nakatama sa 'kin ng bola, ang lalaking minahal ko---si Monard. Pinulot niya ang bola at ngumisi. "Wow babe, ang galing mo ngang sumipa ng bola. Sapul na sapul sa basura!" May babaeng lumapit sa kanya, si Cristine ang beauty queen ng Campus. Maganda nga, pangit naman yung ugali. Tumalikod na sila habang tumatawa pero agad tumayo si Mhay. "Hoy, Monard! Aba't wala ka rin talagang modo eh, noh? Pagkatapos mong saktan ang kaibigan ko iiwan mo na lang bigla sa ere? Sinaktan mo na ng emotionally at physically pero ni isang sorry wala! Napakawalang modo!" sigaw ni Mhay kaya napatigil sila at humarap sa'min. Naglakad silang dalawa palapit sa amin. "Hindi ko na kasalanan kung ganun katanga 'tong kaibigan mo at inakala niyang minahal ko siya? For you to know, it's just a dare. I don't even consider her as my Ex-girlfriend, she's way too different from my type," saad niya at tinignan ako. "But thanks to her my grades got better. I'M SORRY, happy?" baling niya sa'kin. "Aba't!" Akmang susugurin na sila ni Mhay pero pinigilan ko. Nakita ko namang ngumisi sa 'kin si Cristine bago sila tumalikod at naglakad na paalis. Ngayon ko lang siya ulit nakitang lumapit at nakipag-usap sa 'kin mula nung makipaghiwalay siya sa'kin three months ago. Ginamit niya lang ako?? Dare? Pinaglaruan?? Napakasama niya. Hindi ako makapaniwala na nagkagusto ako sa gaya niya. Kung alam ko lang sana... "Makita ko pa talaga yung hinayupak na 'yun, nanakawin ko talaga yung arnis stick ni Sir Carion at ihahambalos ko sa pagmumukha niya! Napakayabang! Sinabi ko naman kasi sa'yo noon bessy e, na 'wag mo---ah Andrea? Okay ka lang??" Tumingin naman ako sa kanya. "Mula ngayon ay kakalimutan ko na siya. Tama ka nga, di niya deserve ang luha ko," saad ko. *Ploink* "Aray ko," daing ko dahil binatukan niya 'ko sa bukol ko sa noo ko, kung saan natamaan ng bola kanina. "Hay nako, at ngayon mo lang narealize? Ang tali-talino mo tapos ngayon mo lang narealize na g*go yung Monard na 'yon eh matagal ko nang sinasabi sa'yo!" panenermon niya sa'kin. "Eh siya kasi ang first love ko kaya mahirap kalimutan. Ika nga nila, 'First love never dies' kaya siguro ganun na lang ako nasaktan pero ngayong kita ko na ang totoong ugali niya parang narealize ko na hindi ko dapat idamay ang pag-aaral ko at pati ikaw. Oo, 'di ko siya madaling makakalimutan pero magmomove-on ako at sisimulan ko na ngayon!" determinado kong saad. "Sus, 'First love never dies' daw. Eh pa'no kung patayin ko na siya ngayon gamit ang cutter ko," nangigigil na sabi niya at itinapat sa mukha niya yung cutter na hawak niya na animo'y tinitignan kung ga'no ito katalim. Teka? Saan nanggaling yung cutter?! "Basta kaya ko 'to! Ibabalik ko sa dati ang buhay ko, nabuhay ako nang wala siya noon at makakaya ko ring gawin yun ngayon." Ay ken do dizz! Tinignan lang ako ni Mhay na para bang isa akong wierdo. "Tara na baka pwede pa tayong humabol sa mga namiss nating quizzes, bumawi tayo dun!" sabi ko at nagpunta na kami sa office ng adviser namin. Hindi talaga nagbibigay ng second chances si Ma'am sa mga quizzes pero napilit ko naman siya. Atsaka nagulat din daw kasi siya sa grades ko na biglang bumaba from top two ay napunta ako sa top 20. Huhu, lagot talaga ako 'pag nalaman 'to ni Lola. Pati si Mhay, nadamay na rin dahil sa 'kin. Medyo bumaba rin yung grades niya dahil halos araw-araw kaming pinapalabas dahil sa kadramahan ko. Pero babawi kami! May special project din daw na ipapagawa si Ma'am para hindi na 'ko tuluyang bumagsak. Kaya nandito na kami ngayon sa isang room at hinihintay na lang yung isang makakasama naming mags-special quiz. Magth-thirty minutes na pero wala pa rin yung makakasama naming magq-quiz. Nabagot naman si Mhay kaya ipinatong niya yung paa niya sa upuan pero sinaway siya ni Ma'am. Napailing-iling na lang ako, kahit kailan talaga parang tombo-tomboy 'tong si Mhay samantalang yung pangalan niya pang mahinhin. Maya-maya pa ay narinig kong bumukas yung pinto kaya agad kong nilingon. May lalaking matangkad at gwapong pumasok... Parang nagslow motion ang paligid at sinabayan pa ng sunod-sunod na tambol na nagmumula sa dibdib ko. Napatitig ako sa kanya, para siyang isang greek God. "Uy Andrea, 'yang panga mo, malalaglag na." Siniko naman ako ni Mhay kaya agad akong nagising sa realidad. "Sorry Ma'am for being late," sabi nung lalaki at naglakad na at umupo sa tabi ko. Ang bango niya ha! "Oy, ang bilis mo naman atang nakalimutan si Monard ah." Muli akong siniko ni Mhay. Hmp! Wala na 'kong pakialam sa lalaking yun dahil magmomove na nga ako eh. Tinignan ko naman ang lalaki sa tabi ko na diretso lang ang tingin. Woah, artista kaya siya?? Ang ganda ng mata niya, mahaba rin ang mga pilikmata niya. Matangos na ilong, kissable and pinkish lips at makinis--- "Oh, kala ko ba babawi ka na sa grades mo? Mukhang distracted ka ah?" singit na naman ni Mhay sa pag-admire ko sa assets ng katabi ko. "Shhh... Eto na nga eh oh, magsasagot na 'ko," pakli ko. Sinulyapan ko muna yung guy at naglabas na ng papel. Dictation daw ang quiz namin eh. KINABUKASAN (Class Hours) "Goodmorning class! For this semester you will be having a new classmate. Come in Mr. Soriano and introduce yourself," anunsiyo ni Ma'am kaya lumingon kaming lahat sa lalaking pumasok ng room. Siya yung nakasama naming mag special quiz kahapon! Yung mala-Greek God ang datingan. Umaapaw yung handsomeness niya sa classroom kaya kinilig yung mga babae naming classmates at nagsimula na silang mag-ingayan. "Silence class! Mr. Soriano, go on introduce yourself," sabi ni Ma'am Judith kaya tumahimik ang lahat. "I'm Fritz Alden Soriano and I hope you'll understand and forgive me for my mistakes in the future," pagpapakilala niya. Nagtaka naman kami. Mistakes? "For you to know class, Mr. Soriano is blind but trained in a special school that's why he can walk on his own without any helper. Kaya if he'll have any mistake, please understand and be friendly to him," pagpapaliwanag ni Ma'am. "Take a sit. There's an empty sit there beside Ms. San Antonio," turo ni Ma'am sa bakanteng upuan sa tabi ni Mhay. Haha, wala na siyang pagpatungan ng paa niya. Nag-siingayan yung mga babaeng kaklase namin. "Sayang, he's cute and he's my type pa naman but naaah. He's bulag pala so never mind." "Yeah true Sis, he's so gwapo sana but bulag. Useless ang handsomeness niya," rinig kong usap-usapan ng mga babaeng nakaupo sa harap ko. Useless? Grabe, ang harsh naman nun. Tinignan ko yung transferee na diretso lang ang tingin. Ngayon, alam ko na kung bakit dictation ang quizzes namin kahapon.. He's blind. Para lang siyang robot na diretso ang tingin sa buong magdamag sa klase at hindi rin siya gumagalaw! Robot nga ata siya! *Snap* "Huy , akala ko ba babawi ka na? Eh halos isang oras ka nang nakatitig sa transferee na 'yan ah. Ingat lang baka matunaw siya," wika ni Mhay. "Palit na nga tayo ng upuan. Ako na lang diyan at wala na akong mapagpatungan ng paa ko, nangangawit na yung balakang ko," dagdag pa niya na mukhang kanina pa hindi kumportable sa seating arrangement namin dahil nasa gitna namin siya nung gwapong transferee. Nakipagpalit naman ako ng upuan at naamoy ko na agad yung pabango niya, hihi. Landi mo selp! *Kriiiiing* YES! Mah favorite subject! Recess time na!!---pero napasimangot ako nang maalala kong marami pa pala akong gagawing special project. May practice naman sila Mhay sa volleyball kaya naiwan ako mag-isa rito sa room. Huhu, mag-isa ko lang na naiwan dito---ay hindi pala! Nandito rin yung gwapong transferee at mukhang may ginagawa rin siyang special project. Mukhang nahihirapan siyang ipasok yung sinulid dun sa karayom kaya lumapit ako sa kanya. Aba'y delikadong maghawak siya ng karayom, baka matusok siya. Ito na ang pagkakataon ko!---pagkakataong tulungan siya, hehe. "Hi, transferee! I'm Andrea, ako yung isa sa mga nakasama mong nagquiz kahapon!" masayang pagpapakilala ko with matching wave pa. Hindi siya nagsalita. Ay oo pala, naalala ko... Pa'no niya 'ko matatandaan eh hindi nga pala siya nakakakita? Napatampal naman ako sa noo ko at tumawa pero nagmukha lang akong baliw dahil 'di niya ako pinansin. Nakisabay na lang ako sa paggawa niya ng project. Dalawang oras ngayon ang recess break namin kaya sa tingin ko ay matatapos naman namin lahat itong project. Mag-iisang oras na kaming gumagawa ng project at ako lang ang nagdadaldal. Ang tahimik niyaaa! Pero kahit ganun, kapag nagkakamali ako ay tinutulungan niya naman ako. Nakakamangha nga eh. Gaano ba kaspecial yung dati niyang school at ang galing niya pa rin kahit na hindi siya nakakakita. Maya-maya pa ay naubusan siya ng materials kaya tumayo na siya. Tinanong ko kung saan siya pupunta pero 'di niya sinasagot ang tanong ko. Super-duper tahimik niya talaga kaya sumunod na lang ako sa kanya at kinukulit-kulit at tinatanong ko kung saan siya pupunta. "Uy, tranferee! Uy Fritz, saan ka ba talaga pupunta?" pangungulit ko. Well, ako na ang FC (feeling close). Parang wala kasing gustong makipagkaibigan sa kanya mula nung nalaman nilang bulag siya, kaya sasamahan ko na lang siya. Mabait akong classmate at seatmate eh! "To the locker," tanging sagot niya. Ayieee, ang gwapo din ng boses! Sumasabay ako sa paglalakad niya papuntang locker room. Wow, ang galing naman niya. Kayang-kaya niyang sundan yung mga direksyon kahit na wala siyang stick o tungkod. Yung mga nakikita ko kasing bulag, kung walang alalay eh may hawak-hawak na stick at naka sunglasses pa. Pero siya, kapag tinitignan, parang hindi siya bulag pero para siyang robot kasi diretso lang ang tingin niya. *Blag!* Nagulat ako nang may malamig at malagkit na tubig na naibuhos sa dibdib ko. Grrr~~ "Kyaaaah!" Napatili si Cristine dahil nagkabanggaan kami at naitapon yung mango juice na hawak niya sa'ming dalawa. *Pak!* Sinampal niya 'ko kaya napahawak ako sa pisngi ko. "Napakalampa mo! Look what've you done! Alam mo sigurong regalo 'to ni Monard sa'kin and you're bitter kaya you purposely bumped me!" galit niyang sigaw. "Sorry, hindi ko naman sinasadya at sarili mo namang inumin ang naitapon diyan eh. Mas madami pa ngang natapon sa damit ko," sagot ko sabay turo sa damit kong basang basa at may nakapatong pang ice cubes sa dibdib ko kaya agad kong tinanggal. Talsik lang naman yung natapon sa damit niya. Para ngang siya yung nanadya eh. Mukhang nainis sila sa sinabi ko kaya nakita kong nagpaharap si Monard at akma akong sasampalin pero sinalo ni Fritz yung kamay niya. "Your gonna hurt a girl? Are you a gay?" wika ni Fritz habang diretso pa rin ang tingin. "Huwag kang makialam dito!" galit na turan ni Monard at tinanggal ang pagkakahawak ni Fritz sa kamay niya. "Hayaan mo na sila, babe," pag-awat ni Cristine kay Monard at nag smirk sa'min. "Total bagay naman sila, bulag at manang na nerd. They're so eewness! They are both a losers." Ibinato niya sa'kin yung cup na lalagyan ng mango juice at naglakad na sila paalis. ~•~ "Woah! Ang galing mo naman kanina, pa'no mo nalamang sasampalin ako ni Monard? May technique ba 'yun?" hangang pagtatanong at pagdadaldal ko kay Fritz habang siya naman ay may kinukuha siya sa loob ng locker niya. Pero hindi niya 'ko sinasagot. Naka thousand words daldal na nga 'ko dito pero siya, hindi pa rin nagsasalita. Nagulat naman ako nang may iniabot siya sa'king white tshirt. "Go change your clothes," aniya at ngayon ko lang naalala na natapunan pala 'ko ng juice. Ayieeee~kenekeleg~keleg keleg! Nakooo! Konti na lang, kekembot na 'ko sa harapan niya. Agad na akong nagpunta sa comfort room para magpalit. Ang bango ng damit niya! Malaki nga lang pero okay na 'to, damit ito ni crush kyaaah! Habang inaayos ko ang damit ko sa comfort room ay nakita kong pumasok si Mhay na pawisan at galing sa volleyball practice nila. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at muntik na niyang sugurin sila Christine pero pinigilan ko. "Dapat kapag sinampal ka, bugbugin mo! Abaugh! Umaabuso na 'yang magjowang yan!" gigil na gigil na sabi ni Mhay. "Pero ipinagtanggol naman ako ni Fritz," saad ko at ngumiti. "Fritz? Yung transferee?" tanong niya. Tumango naman ako habang nakangiti. "Crush mo noh? Ayieee~ Ikaw ah, siya lang pala ang kailangan mo para makalimutan yung hinayupak na Monard na 'yun," pang-aasar niya. "Alam mo namang three months akong mawawala dahil may laro kami sa ibang school di ba?" tanong ni Mhay kaya tumango ako. Isa kasi siya sa mga best player ng volleyball dito sa school at isa rin siya sa mga napili na magre-represent ng school namin. May gumuhit namang kakaibang ngiti sa labi niya. Ano na naman kayang naiisip nito?? Nagulat ako nang bigla niya 'kong hilain. Eto talaga ang friendship style namin eh, hilaan. -_- Hanggang sa makarating kami ng classroom at nakita naming mag-isang nakaupo roon si Fritz. Hinila naman ako ni Mhay at pumunta kami sa harap niya. "Transferee," pagtawag ni Mhay sa atensiyon ni Fritz kaya tumigil siya sa paggawa ng project. "Dahil three months akong mawawala at ikaw din ang dakila naming new seatmate ay ipauubaya ko muna ang aking bestfriend sa'yo. Alagaan mo siya huh? Lalo na't may crush siya sa'yo." Naramdaman ko naman ang pag-init ng mukha ko sa hiya dahil sa pagpapalubog sa'kin ni Mhay. Waaaah! Wala namang kahit anong reaksiyon ang mukha ni Fritz. Para talaga siyang robot! My crush is a robot, yieee! "Pagbalik ko Andrea, dapat limot mo na yung hinayupak mong ex ha?" bulong ni Mhay sa'kin. Napatigil naman ako at nag-isip. Ayoko nang alalahanin muli ang mga alaala ko kasama si Monard dahil alam ko sa kaloob looban ko na masasaktan lang ako. Pero gumagaan ang loob ko kapag kasama ko si Fritz. Hindi ko alam kung ba't natutuwa ako pero isa lang ang masasabi ko, may bago akong crush! _ Lumipas nga ang mga araw at wala na'kong kasa-kasama kasi wala si Mhay. Nakakalungkot din dahil namimiss ko na siya. Namimiss ko na yung pagiging mala-tomboy na kilos niya. Awuu! Emote-emote na naman ako eh babalik naman si Mhay. Pero alam niyo ba? Yieee! May nakakaexcite akong balita. Kapitbahay ko pala si Fritz! Mag-isa lang siya sa apartment niya, kaya nung nalaman ni Lola ay pinaimbitahan niya si Fritz sa apartment namin. At alam niyo rin ba? Nagustuhan ni Lola si Fritz! Nakooo, umaayon talaga sakin ang tadhanaaa! Lagi na kaming sabay pumasok sa school ni Fritz. Hehe well, hindi naman sa sinasabayan niya 'ko pero maaga talaga akong nagigising para maabutan ko siya at sabay kaming pumasok ng school. Well, magt-two weeks na kaming magkasama pero ang tahimik niya at si malanding ako naman ay, wahahah alam niyo na! Tamang landi-landi kay crush. Buong araw ay ako lang yung nauubusan ng laway kasi hindi siya nagsasalita. Sinusungitan niya nga ako gaya ng... "Can please shut up? You're so noisy and annoying." Mga ganyan ang linyahan ni Fritz may kasama pang pagkunot ng noo. Pero walang talab, kasi nga crush ko siyaaa. Ganyan ako magmahal loyal and patient! Charot! Self, landi pa more! Kung noon nagigising ako ng one hour before the time, ngayon naman ay five hours before the time dahil may cooking lesson pa 'ko kay lola. Oo, sinimulan ko nang mag-aral para maging future misis ni Mr. Fritz Soriano! Rrrrr. Nagpapaturo akong magluto kay lola at ipinagluluto ko ng pagkain si Fritz kasi hindi siya nagbabaon. Well, nung una ay 'di niya kinain kase naman yun yung araw na hindi pa 'ko ganun kagaling magluto. Kinulit-kulit at nagdrama-drama pa'ko saka niya kinain pero nakonsensya ako nang ako na yung tumikim sa luto ko. Maalat pala! At may natutunan akong mahalagang lesson nun! Lesson learned: Tikman mo muna yung niluluto mo bago mo ipakain sa crush mo! (Sa mga nagbabalak diyan na ipagluto ang crush nila.) Kaya nga nagpapaturo na 'ko kay lola magluto. Atsaka isa pa pala, na-observe ko ring introvert si Fritz. Mas prefer niya na mag-isa siya pero sorry, crush ko siya ih. Paiba-iba din ang ugali niya. May time na magsusungit siya, may time na nahuhuli ko siyang ngumiti at may time pa nga na nag-away kami pero nagkabati rin nuh! Hindi ko keri ang LQ. Hashtag feelingMayJowa Atsaka 'di ko rin kayang malayo kay kwash! Wahaha! Dear Self, ikaw na nga ang tinaguriang malande! At dahil si Fritz na lagi ang kasa-kasama ko ay ginawa nilang katatawanan ang tandem namin, na sa tingin ko ay pinasimulan ni Monard at Cristine. "THE BLIND AND THE UGLY NERD, yung gwapong bulag na pumatol sa pangit na nerd! Eww, bagay nga sila!" girl1 "Yeah true siz, totoo nga yung Love is Blind, hahaha!" girl2 "BuNerd! BuNerd! BuNerd!" nagtatawanan at sabay-sabay nilang sigaw nila 'pag nakikita nila kaming magkasama. Nasasaktan ako sa panlalait nila pero tinatago ko na lang. Magsasawa din sila. "'Wag mo na silang pansinin, mawa--" pinipilit kong pasayahin ang boses kong sabi pero pinutol ni Fritz at tinanggal niya rin ang pagkakahawak ko sa braso niya. "Can you stay away from me?! Lagi na lang ganito, can you make my life quiet for a while?!" pagtaas ng boses niya na ikinagulat ko kaya napayuko ako. Nakita ko namang mukhang nagulat din siya. Parang may sasabihin pa pero agad na 'kong humingi nang tawad at tumakbo na paalis dun. Umuwi na ako at inilabas na ang mga luhang naipon sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Mas masakit pa sa naramdaman ko nung nagbreak kami ni Monard. "Apo, nasa labas si Fritz at hinahanap ka," pagtawag sa'kin ni Lola. "Ayoko muna siyang makita ngayon La," saad ko naman kaya bumuntong hininga siya. Ikinuwento ko kay lola ang nangyari at ang pag-aaway namin. "Hay nako, Drea! Hindi ka naman talaga pangit eh. Namana mo nga ang beauty namin ng mama mo pero sadyang 'di ka lang talaga marunong mag-ayos kaya kasalanan mo ring tinatawag kang nerd," panenermon ni tito Jessy, ang tito kong bakla na dumalaw ngayon dito na galing Batangas. "Tignan mo nga, bakit ka kasi nagsusuot ng eyeglasses eh hindi naman malabo ang mata mo?" tinanggal niya ang suot kong glasses. Eh ba't ba? Cool din kaya ang magsuot ng glasses, feeling ko ako si Noynoy Aquino. "At bakit suot mo ang damit ni nanay? Madami naman akong damit na pinapadala sayo ah?" tanong ulit ni tito Jessy. Tinignan ko naman ang suot ko. "Bakit? Bagay naman sa'kin yung damit ni lola ah, atsaka komportable pa," sagot ko. "'Di ko alam kung pamangkin ba talaga kita! Sinasayang mo ang kagandahang minana mo sa'min ng mommy mo, Drea." saad niya at mukhang stress na stress na nga si tito Jessy. Hindi naman ako maganda... Mas maganda pa nga si Tito Jessy kesa sa'kin eh. Kay papa kasi ako nagmana na mukhang gorilla. Nung araw na iyon ay kinaladkad ako ni tito Jessy sa salon ng kaibigan niya na malapit lang dito. "OHMAMAHMAY! Ilang taon ka na bang hindi nagpapagupit, Drea?!" gulat na sambit ni tito Jessy kasi pagkatanggal niya ng braid ko ay lumugay ang kulot at makapal kong na lagpas pwet ang haba. Konti na nga e, abot na hanggang tuhod. Nagpeace sign naman ako. Hehe! Eh sa idol ko si Rapunzel eh. Atleast, walang kuto. Ginupitan nila yung buhok ko hanggang sa elbow-length. Nirebond pa nila at medyo kinulot nila yung dulo. May mga kung ano-anong nilagay kaya naging smooth at mabango. Wow, ang ganda at ang gaan pala sa feeling ngayong ginupitan yung buhok ko. Feeling ko tuloy ako si Sarah Geronimo sa patalastas. Nilaro ko naman yung buhok ko. Nakakagigil! Pero pati yung nananahimik kong kilay ay ginalaw nila, huhu. Ang sakit! Ininsulto pa nung isang baklang kaibigan ni tito Jessy yung kilay ko. Pwede na raw maging hide-out ko sa kapal. Hmp! "Oh, ayan!" turan na ni tito Jessy makalipas ang ilang oras na kung ano anong ritwal ang ginawa nila sa mukha ko. Tinignan ni Tito at nung kaibigan niyang bakla yung kabuuang hitsura ko habang pareho silang nakangiti sa'kin. Mukhang naiiyak pa nga sila sa tuwa kaya nagtaka ako. Saka ko lang naintindihan kung bakit ganun ang reaksiyon nila nang ipinaharap na nila ako sa salamin. T-teka... Sino yung babae na nasa salamin--- I-is th-that...me?? Hinawakan ko yung mukha ko at hindi pa rin makapaniwala. Noon akala ko kay papa ako nagmana pero ngayon ay kitang-kita ko na nga na totoo nga ang sabi ni lola, magkamukha nga kami ni mommy. "Thank you!" Niyakap ko si tito Jessy. Grabe, ang talented talaga ng Tito kooo. to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD