01: Safarah & Thirdy.

2000 Words
“Ms. Rivera! Nakipag-away ka na naman!” Pinapaikot ko lang ang hibla ng buhok ko sa daliri habang nakikinig sa principal naming pinapagalitan ako. Ako na naman ang nakita nila! E, hindi naman ako nagsimula nang away! Porket maganda ako, ako na agad ang nagsimula?! “Stop doing that, Safarah!” Sigaw niya. “Eh, Ma'am, hindi naman po talaga ako ‘yung nagsimula,” mahinahong sabi ko, pinaglalaruan pa rin ang buhok. “Kung hindi po kayo maniniwala sa‘kin, edi hindi po ako magsasalita.” Totoo naman kasing hindi ako ang nagsimula! Kaya kung hindi sila makikinig sa‘kin, bakit ko naman sasayangin ang laway ko?! Nanahimik na nga ako, lalapit pa ‘tong mga inggitera na ‘to! Akala mo naman ay kagandahan! Mga sumbungera at iyakin naman kapag pinatulan! “My, God!” Stress na sabi niya, nakahawak sa ulo. “Araw-araw ka na lang may reklamo at nakikipag-away kaya bakit ako maniniwalang hindi ikaw ang may kasalanan?!” Napatigil ako sa paglalaro ng buhok ko at magalang na hinarap siya. “Ma‘am, hindi ko po kasalanang maniniwala kayo sa mga chararat na ‘to,” nakangiting sabi ko. “Hindi ko naman po sila aawayin kung hindi sila ang nauna. Pinagtanggol ko lang po sarili ko dahil trip nila akong bwisitin!” Tumawa ako kaya napatayo na si Ma'am sa inis. “God, Safarah! Wala ka bang manners?!” “Hindi,” umiling ako. “Po.” Pahabol ko dahil mukhang bwisit na talaga siya sa‘kin. Ngumiti pa rin ako kahit naiinis na rin ako sa kanila. Panggap naman! Halata namang pinagtutulungan nila ako! Tuwing napapatawag ako, hindi naman siya naniniwala sa‘kin! Parang ako lagi masama! “Kung ganiyan ka nang ganiyan, hindi na ako magdadalawang isip na patalsikin ka sa school. Puro stress na ang binibigay mo sa school na ‘to!” Napataas ang isang kilay ko habang pinapakinggan siya. Mahina akong natawa. I opened my mouth a little as I pushed my tongue on the inside of my cheek. Hinawi ko pa ang buhok ko dahil sa inis. “Say sorry-” “No!” Reklamo ko agad. “Hindi ako ang nagsimula, sila ang dapat mag-sorry.” “Safarah!” “Ma‘am, I can't! Hindi-” “Madam principal!” Natigil ako noong pumasok ang adviser ko. Masama kong tinignan ang dalawang babae. Takot na takot na sila sa‘kin ngayon, samantalang kanina, ang taray-taray nila! “Ms. Dizon! Your student is stressing me out! Kung hindi siya mag-sosorry sa mga batang ‘to, hindi na ako magdadalawang isip na paalisin siya ng school! Hindi na tama ang pag-uugali niyan! “Ma‘am, hindi naman po talaga si Safarah ang nauna.” Pagtatanggol ni Ma'am sa‘kin. Kaya siya ang favorite ko sa school na ‘to, e! Siya lang ang naniniwala sa‘kin. “Of course, sasabihin mo ‘yan! She's your student!” Napairap ako nang sumigaw ang matanda. “Hindi po! May nakakita po na hindi talaga si Safarah ang nauna!” Sabi niya naman. Tumingin ulit ako sa dalawang babae at tinarayan sila. Sana patalsikin sila! Nakita kong binuksan ulit ni Ma'am ang pinto at bumungad sa‘min si Thirdy. ‘Yung pogi sa STEM 11-A. Ay nako, pogi talaga siya! Maingay lang! Matangkad tapos moreno, matalino! Maganda rin ang boses! Ay nako talaga! Kung ganito magiging asawa ko, itatali ko talaga! Pero, hindi naman ako type kaya dedma. Pinaliwanag niya sa principal ang lahat nang nakita niya kaya pumayag na ang principal namim na i-suspend na lang kaming tatlo. Ang dami ko ng suspend! Tapos, hindi papaalisin ng school ‘tong dalawa, samantalang nung ako! “Saddy, umiwas ka na sa gulo sa susunod ha?” Sabi sa akin ng adviser ko pagkalabas kami sa principal office. “Alam kong hindi ikaw ang nagsimula, pero malaki ang magiging epekto nito sa pag-aaral mo. Matataas naman ang grades mo, pero palagi kang suspended kaya binababaan ka ng teacher.” “Ma‘am, ang hirap naman kasing hindi lumaban. Ginawa na nilang hobby ang pang-iinis sa‘kin. Sinasaktan pa ako. Mas, hindi ko po kaya ‘yon.” Paliwanag ko. Tumango siya‘t tinapik ang likod ko. “Oh, sige. Pero sa susunod, ha? Umiwas ka na lang,” she smiled. “Maiwan ko na kayo ha, mag-thank you ka kay Yohan. Baka kung hindi ka niya nakita, napaalis ka na sa school!” Naglakad siya paalis kaya naglakad na rin ako pabalik sa room namin. Hindi ako nag-thank you kay Thirdy kahit nakasunod siya sa‘kin. Nakasunod pa talaga siya! Baka isipin kong gusto niya ‘ko! “Crush mo ba ‘ko?” Hinarap ko siya kaya napatigil din siya sa paglalakad. Naka-krus ang mga braso ko at nakataas ang kilay. Nakatingala din ako sa kaniya dahil masyado siyang matangkad! “Pinagsasabi mo?” Natatawang sagot niya. “Alam mo naman na sigurong hindi ako mag-tthank you, kaya bakit ka pa sumusunod?” Mataray na tanong ko. “Sa dulo room ko, ang feeler mo naman!” He rolled his eyes. Masungit din! Totoo ang chismis! Napairap ako‘t tinalikuran siya, hindi ako sumagot. Hindi naman ako nahihiya, ayoko lang siya kausapin. Magtatarayan lang kami rito! Maglalakad na sana ulit ako pero agad niya namang hinawakan ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Bumaba ang tingin niya sa braso ko kaya napatingin din ako roon. Puro dugo na at may mga galos din. “Oh, diba may sugat? First time mo makakita?” Sarkastikong tanong ko. Mahina pa akong natawa dahil tinaasan niya ako ng kilay! “Ang funny mo, ‘no?” Bulong niya pero narinig ko naman. “Tara sa clinic.” “Ano?! Huwag na, mahuhuli ako sa klase! Sugat lang ‘yan, oh!” Binawi ko ang braso ko sa kaniya pero hindi niya ‘yon binigay! Wala akong choice kundi magpahatak sa kaniya! Nung makarating kami sa clinic ay agad niya akong pinaupo. Humiram siya ng first aid kit sa nurse na naroon. Akala ko pa naman, ‘yung nurse ang maggagamot. Siya pala! “Stem student ka ha, hindi doctor, ayusin mo ‘yan- Aray naman!” Reklamo ko dahil nadikit niya ‘yung bulak na may alcohol. “s**t, sorry!” Natatarantang bulong niya habang nakatingin sa sugat ko. Hinihipan niya pa ang sugat ko habang dinadampi ‘yung bulak. Nawala tuloy ang kunot ng noo ko habang tinititigan siyang gawin ‘yon. Nangangatog din kasi ang kamay niya! Ang lakas naman maka-jowa nito! “Masakit pa ba?” Tanong niya. “Alin?” “Sugat mo.” “Alindog.” Tumawa ako. “Wow, you're so funny! Tatawa ba ako?” Sarkastikong tanong niya. “Okay na ‘yan, wala namang lalabas na tren dito!” Inagaw ko ang braso ko sa kaniya. He sighed, mukhang stress na sa‘kin. “Sige na, bumalik ka na sa room mo, huwag kang madapa ha?!” “Okay, Third,” kinindatan ko siya bago ako umalis ng clinic, iniwan siya roon. Nang makabalik ako sa klase ay pinagchichismisan na ako agad! Hindi ko na lang pinansin dahil mukhang hindi nila kayang mabuhay ng hindi ako pinag-uusapan! Pagkatapos ng klase ay dumiresto na ‘ko sa inuupahan ko. Maliit lang ‘yon at mura lang. Kayang-kaya ko bayaran dahil may raket naman ako. Isa sa dahilan kung bakit ako napapaaway ay dahil may trabaho ako, pangalawa ay lumaki ako sa ampunan, pangatlo ay dahil inggit sila sa‘kin dahil mas maganda ako sa kanila. Ang galing ko ‘no? Hindi halatang mahina ako. Ang galing ko magtago. Ang galing kong magpanggap na parang wala lang sa‘kin lahat. But, honestly it was hard. Sobrang hirap. Hindi ko alam ko alam kung paano ko nakakaya ang hirap ng buhay sa ganitong edad. Everytime, I think about what peace feels like. ‘Yung wala kang iisipin. Mabubuhay ka katulad ng ibang bata. ‘Yung hindi ka mamomoblema kung paano ka kakain kinabukasan. I'm only 17... Pumasok na rin sa isipan ko na tapusin na lang lahat. But, why am I still here? I'm still breathing... Bakit nga ba? Dahil ba ayokong mamatay na wala pang nararating o napatunayan? O dahil kahit sobrang sama sa‘kin ng mundo... Naniniwala pa rin ako na darating ang panahong ako naman ang mananalo? May nagsabi sa‘kin noon, titingin lang daw ako sa langit, magiging ayos ang lahat. Palagi ko namang ginagawa ‘yon, pero... hindi naman ganoon ang nangyayari. Ilang tingin pa ba sa langit ang kailan kong gawin para maging maayos ang lahat? Minsan gusto ko na lang umiyak magdamag, pero mabubuhay ba ako sa gano‘n? Mapapakain ba ako ng pag-iyak ko? “Saddy, order daw! Tulala ka na naman!” Pinagalitan na ako ni Ate Cindy. Ayoko talaga ng ganoong moment. Nasasayang ang oras ko kakaisip. “Hi, Sir! May I take...” Napakunot ang noo ko nang magkita si Thirdy. “You?” Inasar ko siya agad. Hindi naman kami ganoon ka-close pero ang casual ko na makipag-usap sa kaniya. Actually, kanina lang ang unang beses na nagkausap kami! “Dito ka nagtatrabaho?” Tanong niya, mukhang namangha pa. “Wala ka naman dito dati?!” Parang gagong tanong niya. “Mag-order ka na! Papagalitan ako nito!” Kinulit ko siya. Sinabi niya rin ang order niya at bumalik na sa table. Pabiro ko siyang kinikindatan kapag napapatingin ako sa table niya. Nakatitig lang kasi siya sa‘kin! “Doon ‘to sa pogi ‘diba?” Tanong ni Ate Cindy habang bitbit ang order ni Thirdy. Napataas pa ang kilay ko at bahagyang natawa dahil balak pa yatang harutin! “Ako na magdadala! High school pa lang ‘yan!” Inagaw ko sa kaniya ‘yung tray. “Gago, weh?! Ang tangkad ha!” Napairap na lang ako at nilayasan siya roon para dalhin kay Thirdy ‘yung order niya. “Feel ko para sa‘kin ‘tong isa,” pabirong sabi ko. Dalawa kasi ang order niya kahit mag-isa lang naman siya! Hindi rin naman take out. “Sayo nga feel ko kasi isusumpa mo ako kapag hindi kita binili,” pabiro niya akong inirapan. “Gago, weh?!” Mahinang sigaw ko sa kaniya. Tumango naman siya at inabot sa‘kin ‘yung strawberry frappe. “Sana pinera mo na lang!” Tumawa ako. “Wala nga akong budget, oy!” “Joke lang, gago!” Hinampas ko ang balikat niya kaya natawa rin siya. Umupo muna ako dahil wala pa namang customer na nakapila roon. “Ano pala trip mo at nandito ka?” “Nandito ako para magkape kasi coffee shop ‘to?” Barumbadong sagot niya. Ang galing! “What, really?! Coffee shop ‘to?!” Mas lalo ko siyang inasar. Napatigil ako sa pagtawa nang titigan niya lang ako. “Crush mo talaga ako, feel ko,” matapang na sabi ko kahit alam kong hindi naman ‘yon totoo. “Inumin mo na nga ‘yan, Safarah!” “Wow, first name basis na tayo?” Nakangiting tanong ko. “Well okay lang! Ang cute nga, e!” Sabi ko bago uminom sa bigay niya. “Saddy, work!” Sigaw ni At Cindy nang makita ako. Tumayo ako agad dahil baka ang manager na namin ang sunod na makakita sa‘kin! Kinuha ko ang frappe na bigay niya sa‘kin at tinangay ‘yon. “Thank you, ha?” Nakangiting sabi ko. “Ingat ka pag-uwi!” Tatakbo na sana ako pabalik nang magsalita ulit siya. “See you, Saf.” He said. Napatingin ako sa kaniya, nakakunot ang noo. “Huh?” Nagtatakang tanong ko. Ano raw? See you? May balak pa yata siyang makita ako! “Huhtdog.” He laughed which made me rolled my eyes! ——— >
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD