“H-Hindi ka pa ba uuwi?” Mahinang tanong ko kay Thirdy habang nilalagyan niya ng benda ang braso ko. Hindi ko dapat hinayaang may makakita sa‘kin na nagkakaganito! Tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha mula sa mata niya habang inaayos ako. Ito ang unang beses na umiyak ako... tapos makikita niya pa akong ganito ang lagay. “I‘m sorry, I'm sorry, Saf...” Paulit-ulit na sabi niya. “Dapat nagtiwala ako sa sarili ko nung maramdaman kong nasaktan kita sa braso. I'm sorry...” “Wala ka namang kasalanan,” paos na saad ko. Tumingin siya sa‘kin. “Magkwento ka sa‘kin, makikinig ako... Huwag kang matakot... S-Sorry, hindi dapat kita nilayuan...” “Kasalanan ko rin naman kasi... nagalit ako agad.” Sabi ko. “I was hurt, yes... But I still like you,” he said, crying. “Ang sakit sa’king makita kang ganito

