KEYCEE'S POV Hindi ako makakilos. My body got frozen. Hindi ko man lang siya magawang itulak at 'yon ang ikinaiinis ko sa sarili ko. He's kissing me while I do nothing. Pakiramdam ko rin ay biglang sumanib sa 'kin si Keycee dahil parang gusto ko rin siyang halikan pabalik— pero hindi p'wede. Pagiging marupok in this kind of situation is a BIG NO! After so many years ay nagawa ko na rin siyang itulak. 'Yong mata niya medyo namumula at parang gusto niyang maiyak. "P-Professor Lee," nauutal kong sabi. Pero bigla ulit niya akong kinabig palapit para yakapin. “Pumikit ka. Isipin mo na lang na nababaliw ako dahil sa mga sasabihin ko. Pero hindi ko na kasi talaga kayang sarilinin na lang 'yong nararamdaman ko.” Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita ngayon, at gaya nang sinabi niya

