KEYCEE'S POV Hindi ako makatulog, biling-baligtad na naman ang ginagawa ko sa higaan ko. Bakit ba kasi n'ya sinabi 'yon? Nasisiraan na ba siya? Alam na ba n'yang ako si Keycee? Bakit niya 'ko tinawag na Keycee? Bakit niya sinabing… Please, come back to me. Hindi tuloy ako makatulog dahil nag e-echo pa rin sa pandinig ko 'yong sinabi niya. *FLASHBACK* “Please, come back to me.” Nakatingin pa rin ako sa kaniya. Ramdam ko 'yong lungkot sa boses niya noong sinabi niya ang salitang 'yon. Para s'yang nangungulila. Nakaramdam ako ng awa at parang gusto ko s'yang yakapin nang mahigpit pero I did my best not to, dahil baka bigla akong bumigay. Tumingin siya bigla sa 'kin kaya nag-iwas ako ng tingin. Pati mata niya malungkot din. Gamit ang peripheral vision ko alam ko na sa 'kin pa rin siya nak

