ACE'S POV "Ikumusta mo 'ko kay Rhian!" nakangiting sabi ni Julian matapos niya akong pagbuksan ng gate. "Hindi ako sa kan'ya pupunta." "Saan?" Salubong ang kilay niya habang sinusundan ako ng tingin. "Mas kailangan ako ng asawa ko. Makakapaghintay naman siguro si Rhian, pero si Keycee—hindi ko kayang paghintayin." I said, smiling a bit as I closed the window. Mas kailangan kong puntahan si Keycee ngayon kaysa kay Rhian. Ramdam ko kasi na 50/50 'yong text niya. Fifty percent, nagsasabi siya ng totoo, fifty percent—hindi. Na para bang sinabi niya lang 'yon para mapagaan ang pakiramdam ko sa pagtatampo ko kanina. Dahil kung totoo na okay lang siya at okay lang sa kaniya na puntahan ko si Rhian—bakit siya umalis nang sa text lang nagpaalam? Bakit hindi niya ako pinuntahan sa kwarto para