KEYCEE'S POV "Ace, hindi na 'ko bata. I'm already eighteen." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at iniangat ko ang sarili ko para halikan siya sa noo. "And I think I'm ready to do it." Matagal na katahimikan ang bumalot sa kwarto ko. Hindi siya nagsasalita. Feeling ko tuloy na-reject ako. Nakatingin lang kasi siya sa 'kin at para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ayaw niya ba? Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim bago nagsalita. “I’ll think about it,” sabi niya at tumayo na. Lumabas siya sa kwarto ko. Natulala naman ako habang nakatingin sa pintuan ko na isinara niya. Tinanggihan niya 'ko? Hindi ako makapaniwalang p'wede pala 'yon. Sa inis ko at pagkapahiya, naisip ko na lang humiga at pumikit. Imbes na isipin ko ang pangre-reject sa 'kin ni Ace, mas inisip ko na

