KEYCEE's POV Lunes ngayon at magkakasama kami nila Ryza at Christia sa library, nagrereview sila, ako naman ay busy sa cell phone ko. "Alam mo, ibang klase talaga si Sir Lee. Walang pinipiling estudyante. Pati ba naman babae pinarusahan. Hanep!" sabi ni Ryza with feelings. "Sino naman ang pinarusahan at bakit pinarusahan?" tanong naman ni Christia. Isa rin 'tong dakilang marites. Nakikinig lang ako at hindi sumasabat sa usapan nila. "May nahuli kasi s'yang tatlong babae na nagpapalitan ng sagot during seat work, so hayun, pinunit n'ya 'yong papel nila sa harap ng klase at pinatayo buong math hour habang may malalaking libro na nakapatong sa magkabilang palad," sagot ni Ryza. "Grabe 'no? Siguro napakamalas ng mapapangasawa ni Sir Lee. Imagine, super istricto n'ya!" Christia exclaimed.