KEYCEE'S POV Pagpasok ko sa classroom naroon na lahat ng classmate ko at pati na rin ang prof namin sa Psychology. "Good afternoon, ma'am. Sorry, I'm late." Yumuko ako nang bahagya bilang paggalang bago ako tuluyang humakbang papunta sa upuan ko. "Bakit ka late?" tanong ng prof namin pag-upo ko. "Traffic po kasi," I lied. Kanina kasi pagpasok ko sa main gate, hinarang ako ng guard dahil wala akong suot na school ID. Sinabi niyang hindi raw ako p'wedeng pumasok. E, wala pa naman talaga akong ID dahil bagong transfer lang ako. Kapapa-ID ko lang noong isang linggo, ang sabi sa 'kin ay next week ko pa raw p'wedeng kuhanin. Kaso noong sinabi ko 'yon sa guard, hinanapan naman ako ng gate pass. Tapos ako naman si tanga na, ulyanin pa, naiwan ko ang gate pass sa bahay kaya nakipagtalo pa ako

