ACE'S POV Nang umalis si Keycee para puntahan ang nag-doorbell, agad shinoot ni Julian sa basurahan 'yong mangga na kinakain niya. Ako naman pinilit kong ubusin dahil kahit papaano nagustuhan ko na rin. "Anyway, alam mo ba ang dahilan kaya ako pumunta rito?" Bumalik si Julian sa tabi ko, pareho kaming nakatayo. Si Ryan naman ay prenteng-prente ang upo, busy sa cell phone niya at bahagya pang napapangiti. "Ibebenta mo 'yong sasakyan mo. I know." "Aside from that?" Napalingon ako sa kaniya. "Have you heard na gising na s'ya?" Tumigil ako sa pagnguya nang sabihin niya 'yon. Mahina lang naman ang boses niya kaya alam kong hindi kami naririnig ni Ryan. "Who?" Kahit may kutob na ako sa taong tinutukoy niya, tinanong ko pa rin para makasiguro. "Your ex. Rhia— Hi, Tita Bridget." Kunot-noo ak