RYAN's POV Kai-start ko pa lang ng sasakyan para puntahan sana si aswang no.2 nang biglang tumunog ang cell phone ko. Pangalan ni Kuya Asyong ang nakarehistro roon. "Yes, Kuya Ace?" bungad ko sa kaniya nang sagutin ko 'yon. "Sa'n ka? Sa bahay ka muna umuwi. Bumili ka tuloy ng mangga." "Mangga?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Oo. Mangga. Maghanap ka na rin ng alamang." "Bakit—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong p*tayan. Bakit kailangan ako pa ang bumili? Bakit hindi na lang siya? Napapailing akong nagmaneho. Hindi ko na inintindi 'yong mangga na sinasabi niya. Ano siya, sinuswerte? May date ako ngayon paghahanapin n'ya pa 'ko ng mangga! *** Pagdating ko sa parking lot ng Samson Café, which is pag-aari nila Ryza Samson, agad akong nagpalit ng damit sa loo

