KEYCEE'S POV Tahimik kaming kumakain ng almusal ni mama. Simula kanina hindi ko pa siya kinakausap dahil sa nangyaring pagsigaw niya sa 'kin kagabi na hanggang ngayon ay malabo pa rin sa akin. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang nagalit sa 'kin noong narinig niya ang pangalan ni Madam Marlette. Tinanong ko naman siya kung kilala niya 'yon, hindi naman niya ako sinagot. “Anak,” tiningnan ako ni mama. Hindi na rin niya siguro kinaya ang katahimikan sa pagitan namin. “Sorry kung nasigawan kita kagabi.” “Okay lang po, ma,” sagot ko habang nakatingin sa pagkain ko. “Pero ma, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” this time tiningnan ko na siya, “sino si Madam Marlette? Kilala mo ba s'ya?” Natahimik na naman siya. Bakit ba parang iniiwasan niya 'yong tanong na 'to? Bak

