KEYCEE'S POV Agad akong bumaba sa sasakyan noong natumba si Ace dahil sa pagsuntok sa kaniya ni Zen. Naupo ako sa harap niya para maging magkapantay kami. Nang iangat niya ang mukha niya sa 'kin nakita ko 'yong sugat sa gilid ng labi niya, may dugo 'yon. Nag-init ang ulo ko kay Zen kaya nilingon ko siya at tiningnan nang masama. Binalik ko 'yong tingin ko kay Ace at inalalayan ko siyang makatayo. Kinuha ko rin 'yong panyo sa bulsa ko at dinampian 'yong dugo sa gilid ng labi niya. Habang dinadampian ko 'yon, hinawakan niya 'yong kamay ko, tapat ng pulso, 'tsaka niya ko tiningnan sa mata. Nangugusap 'yong mga mata niya at kahit hindi pa man siya nagsasalita, parang naintindihan ko na agad kung ano'ng gusto niyang iparating sa 'kin. "Let's go home," mahina niyang sabi. Gusto kong maiyak

