KEYCEE'S POV Nagising ako na masakit ang ulo. Bumaling ako sa tagliran ko at napansin ko na wala si Ace sa tabi ko kaya iginala ko ang tingin sa kwarto para hanapin siya. Sa'n nagpunta 'yon? Kaaga-aga. Bumaba ang tingin ko sa sahig at nakita kong nakalaglag do'n ang coat niya, pants at brief. Ano ba 'yan? Para naman s'yang ahas! Kung saan maghunos, do'n na lang! Hinawi ko ang kumot sa katawan ko para sana bumaba sa kama, pero bigla akong natigilan at muling nilingon ang mga saplot niyang nasa sahig. Wait a d*mn minute! Namilog ang mga mata ko at natutop ko ang sariling bibig nang biglang mag-flashback sa isip ko ang ginawa kong kah*yupan kagabi habang nakaluhod sa harapan niya. "Oh my gosh..." Parang tumigil ang tib*k ng puso ko nang ilang millisecond habang inaalala 'yon. So

