GEN: 6

1655 Words
Chapter 6 Al's Nanuna na akong umalis sa kanila. Uuwi muna akong bahay, pagkatapos ng bakbakan kanina ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng balikat ko sariwa at dumudugo parin ito. may mga bubog pa. huhu ring..ring..ring.. Mom calling…. "Graciaaa.." as usual praning na naman po siya. Hindi ko naman masisi nanay ko yan e. "Oh.. makairit Ma! nag da drive ako lapit na ko sa bahay wag mag alala . "sino yan Ma, si princess" rinig kong bulungan sa sa linya. "basta uwi kana ha" toot..toot Ilang minuto pang pagharurot. Nakauwi na ako sa bahay. Rinig kong nagkakasayahan ang mga tao sa loob. Binuksan ko ang pintuan and in just a snap ang mukhang masaya ay naging mukha ng pagkagulat. "Im home" Masayang sabi ko sa lahat. Samantala mga tulala naman ang bumungad sa akin. "babyy koo, anong nangyari sayo" Nag-aalalang tanong ni dad sa akin na parang maiiyak na. Habang hinihipan ang mga braso ko. "yaya kumuha ka ng first aid kit" Nag hehesterical na sigaw ni mommy kay yaya. "baby, halika maupo ka gagamutin ka ni kuya" si kuya mathias "Princess what happen look at your skin it's swollen" si kuya mateo "Yaya, paki bilisan po" kuya mazon "Who did that to you tell me" kuya matchete Halos hindi na ako makahinga sa pagkakatayo ko sa sobrang dikit nila sa akin. Minsan hindi Masaya maging only girl. "Hep hep hep, chill lang mga loves okay! buhay ako okay. Chillax" Kumalma naman sila. Habang tinatangal ni kuya mathias ang mga maliliit na bubog. Ganito talaga ang pamilya ko haha masyado kaming clingy sa isa't isa and nagtataka kayo puro M ang pangalan ng mga kuya ko well. Tanungin nyo na lang si dady haha. Natapos ang gamutan at nagtungo na kami sa dining para kumain. Beware the hearing is about to start. "Graciaa, ano na namang ginawa mo at duguan ka na naman ha" And here it goes, yan po ang hearing na sinasabi ko. Para akong nasa korte ang nanay ko ang judge haha. Nanlilisik ang mata ni mommy saken, health conscious yan ehh. Tutol talaga si mommy na mag sunadalo ako lalo ngayon heneral pa ang unica hija niya. Nagpa cute ako kay daddy pero si dady ayaw akong tingan ganon rin sila kuya na halos sa kutsara at pagkain lang focus nila. Haay i left out a sigh "Mom, you know it’s too confidential to tell. General din dati si dad before, i'm sure you’re used to this kind of thing. And maliit na mga sugat lang naman to." "Graciaaa anong maliit malalim yan ha" "mom, you know I’ve been doing this stunts for years" Wala nang nagawa si mommy, well ano pa nga ba magagawa nandito na to e. Dating general din si dady pero ngayon business man na siya sa company namin. Yung mga kuya ko naman mga sikat na bachelor's. Quads sila kaya ganon Si kuya matchias ay isang doktor, then si kuya mateo naman ay isang archeologists na may pagka skin conscious, si kuya matchete naman ay piloto at si kuya mazon naman ay architect. Ako lang ang sumunod sa pagiging sundalo ni dady. Idol ko kasi si dad at dahil narin sa idolo kong si general trios. Nasa may pool kami kasama ko sila kuya, matagal narin nang umuwi ako mula sa imbestigasyon at pagkaka distino ko sa quarts. Ganito naman talaga ang buhay sundalo minsan ka lang makakauwi, ang iba hindi na nakakabalik sa mga pamilya nila. Ito ang isa sa mga hinahangaan ko pagdating sa mga pamilyadong sundalo nakakayanan nila ang lungkot at pagka miss sa mga pamilya nila ganoon rin naman sa mga taong naiwan nila. Dahil sa pagka miss ko sa mga kapatid ko pinag tripan ko ang isa sa kanila. Katabi ko si kuya Matchete ang pinaka pikon sa aming mag kakapatid. At yun tinulak ko siya sa pool. "ha hah ha" sabay-sabay kaming tumawa habang si kuya ayon masama ang tingin saken. "Graciaaa” Umahon si kuya at hinabol ako kaya naghabulan kaming lima sa labas ng bahay nakita ko naman nakangiti lang sila mommy at dady sa amin. Hanggang sa nahiga na ako sa damuhan sa pagod. Sabay namang nahiga rin sila kuya. "How i miss this" At nginitian ko sila. Minsan lang akong umuwi ng bahay dahil sa kampo kami naka base samantalang sila kuya parating nagkikita kita sa bahay. Lumapit si kuya mazon saken at niyakap ako. "We miss you too baby, can you stay here for a week?" Nagpapa-awa naman ang mga mata ng iba ko pang kuya sa likod niya. Mag iistay naman talaga ako ng 1 week ngayon sa bahay para makasama ko sila bago ang isang buwang misyon namin. Pero naisip kong lokohin muna sila hindi pa naman nila alam ang balita e haha. Lumapit narin sila mom at dad sa amin. Naupo rin sila sa damuhan sa likod ko naman si mom at hinahaplos ang buhok ko. Mag da drama muna ako hihi best actress kaya ako. "Hik' hik' (teary eyes on) kuyaaaa, huhu" "Ba-bakit princess anong problema" nagtatakang tanong ni kuya machete sa akin Ganon rin ang mga mata nila. hihi ayos galing ng acting ko. "May masakit ba sayo" Agad akong umiling sa kanila. "Hindi na ako uuwi dito nakabase ako ng isang buong taon sa Rios grand camp" Sabay yakap kay dad. Napa nganga naman silang lahat "ANOOOOOOO" Dahil sa reaksyon nila Humagalpak na ako ng tawa. "HAHAHAHAHA , yung haha, yung mga mukha nyo grabe haha maiiyak talaga ako" At nung narealize nilang niloloko ko sila. "Graciaaaaa" Sabay sabay nila akong kiniliti sa katawan eto ako walang humpay sa katatawa. "Ta- haha ta- haha tama na okay haha" Nag hands up ako na itshurang sumusuko at tumigil naman sila. "Fine fine, dito naman talaga ako ng 1 week pero sa monday aalis na ko may misyon kami and for sure aabot ng 1 month yon kaya hindi ako makaka uwi" "Graciaa, hindi ba pwedeng wag kanang sumama tutal general ka naman diba" "Honey, hindi porket Mataas ang rango e hindi na sasama sa misyon, kailangan siya duon ng team" "Sinasabi mo bang mali ako ha mariano ha ha" With matching duro-duro effect pa yon. "A, e sabi ko nga hindi e, amazona talaga" "Ano may sinasabi ka" Haay ayan na naman po sila. mamaya naman nako maglilingkisan na naman yan. Nginitian ko lang si mommy. "Manood na lang tayo ng movie" Niyaya kami ni kuya mateo aba syempre go ako diyan basta movie. Inalalayan naman ako nila dad para makatayo. Nagpalit muna ako ng damit na cotton para malambot sa feeling isang T-shirt na may print na stich  at ternong padjama ang sinuot ko pagkatapos magsuklay pumunta na ako sa movie room naming mga kakapatid. We used to watch movies lalo na yung mga action or yung mga kakaibang movies. Naabutan ko silang kumakain ng chips habang naka indian seat sa malawak na sahig. Nagpagawa talaga kami ng malambot na higaan na kapag nahiga ka heaven. "Anong movie ba" "Anime na lang daliiii" Kunot noo naman nila akong tinignan , bakit maganda naman yon no. hmp "narutoo narutoo" Wala rin silang nagawa kundi manood kami non. Habang nanonood nakasandal ako sa may side ng dingding katabi ko sila kuya mathias at kuya mazon. Wala pa kami sa kalahati pero, inaantok na ako. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod simula kanina sa training hanggang sa misyon. Hindi ko na kinaya kaya unti unti na akong naka tulog bahala na sila. ----- Mathias's Kamusta ako ang pinaka gwapo sa aming apat.Maganda pala tong naruto mukhang may bago akong panoorin kapag vacant ako sa ospital hmmm.. Medyo nanga- ngalahati na kami ng panonood ng magsalita si matchete "Baby, Pa copy nitong cartoo--" Hindi na niya tinuloy sabay ngiti niya. Kaya napalingon narin kaming tatlo ayun tulog na pala ang baby namin. Ang cuteee talaga ni princess, dati hindi makatulog yan kapag walang kasama sa kwarto kaya kapag wala sila mommy nagpupumilit siyang pumasok sa isa sa mga kwarto namin madalas ako ang nabubug-bog malikot siyang matulog. Yung dating chubby cheeks ko lng na kapatid ngayon nagagalusan na ang mukha dahil sa trabaho niya. "Haay, tingnan mo nga naman ang laki mo na princess" Inayos naman ni mazon ang pagkakahiga ng kapatid namin binuhat niya ito at inihiga ng maayos nilagyan ko naman ng unan, si mateo naman naglagay ng kumot at si matchete nilagyan ng teddy bear ang mga braso nito. Sweet kaming apat sa kanya syempre nag iisang baby namin yan pababayaan pa ba namin. Minsan na yang nawala simula nung nawala siya. Hindi ko na namalayan inaantok narin ako. Bahala na silang tatlo. ---- Mariano (Dady ni al) Hating gabi na gising parin ang mga batang yon. Makikigulo sana ako pero nadatnan ko puro mga nakahandusay na at tulog. Tsk. Bukas pa ang tv, mahusay! mahusay talagang mag aksaya ng kuryente, mga hindi naman nag babayad. "honey, ano ba--" Nakangiti na lumapit ang maganda kong asawa habang tinititigan mga anak namin. Si matchias na nakayakap sa aming prinsesa pati narin si mazon, magkayakap naman si mateo at matchete. Haha nako ang mga anak ko napaka precious. "Napaka buti ng mga anak natin mahal" Naluluhang sabi ni Alisson habang pinagmasdan ang mga ito. "Tama ka mahal, sila ang dahilan kung bakit ako nagsipag at nag retiro dahil gusto ko silang makasama ng matagal kaysa sa makipag laban sa labas. Mahal na mahal ko sila" Napangiti na lang ako ng mag inat si alwayne, tumama naman ang dalawang kamay nito sa dalawang kuya niya kaya umikot ang dalawa. Nako masakit yon. Pero matibay matulog mga monster kasi yan. hahah Pinatay ko na ang tv at nakita ko namang kinumutan sila ni allison sabay halik sa mga noo ng mga ito. How lovely... "Thank you ali, thank you for a wonderful life with you" "I love you max." "I love you more Alisson"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD