GEN: 16

1081 Words
Chapter 16 Al’s Naka benda parin ang mga braso at kalahati nang katawan ko. Mabuti na lang at pinayagan na ako nang doctor na alisin ang semento sa binti ko. Ngayong araw nagpasya si Gin na ngayon na raw namin sulitin ang date daw kuno naming dalawa. Nagpunta kami sa sikat na amusement park ditto sa Mozart. Well ayon sa kanya madalas raw gusto nang mga babae na mag date sa mga ganitong lugar. Nakailang ikot na kami simula nang pumasok kami sa loob nang pasyalan at nagsimula narin mag-alburoto ang tyan ko.   “Hindi pa ba tayo kakain gutom na ako.” Maktol ko rito habang nakakunot ang noo.   Tinitigan naman ako ni Gin at miya-miya pa ay kinurot ang magkabila kong pisngi.   “Aray” Tinampal ko ang kamay nito gamit ang kaliwa kong kamay na walang benda.   “oo na, oo na kakain na tayo at nagiging amasona kana” Nai-iling na sagot nito.   Hinawakan nito ang braso ko at iginiya ako sa may tabi nang puno.   “stay here, I’ll buy us food. Hmm anything you want”   “Lasagna please yung bigger size ha tyaka isang Doritos at fries tapos dalawang boteng tubig”   “Mukhang gutom na gutom na nga”   Inirapan ko lang ito at ginulo naman nito ang buhok ko bago naghanap nang mabibilihan nang pagkain.   Inabala ko ang sarili ko sa pagmamasid nang mga nagtatakbuhang bata at mga tawanan nang ilang mga nagdadaan. Hindi narin pala masama dahil kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Sandaling nalayo ang sarili ko sa mga misyon at responsibilidad. Ilang saglit pa at dumating na si gin Dala dala ang mga pagkain na ni-request ko. Agad ko namang inabot ang Lalagyan nang lasagne na halos kalahating tray ata. Dahil sa gutom hindi ko na naalalang alukin ang kasama ko kaya nalingon ko ito nang bigla itong tumawa.   “haha, para ka namang bata kung kumain. Dahan-dahan walang aagaw sayo.”   Nai-iling nitong pinunasan ang kalat sa bibig ko at Inagaw sa akin ang tray nang lasagna. Aangal sana ako nang punasan nito ang kamay ko dahil sa ilang tagas nang sauce mula sa pagkain. Akmang susubuan niya ako nang umiwas ako.   “Ako na kaya ko naman”   “May I remind you ‘miss-kaya-ko’ na nakabenda ang kanan mong braso at halos sumayad na yang mukha mo sa pagkain hmm” singhal nito sa akin.   Kaya in the end ay hinayaan ko na siyang subuan ako nang pagkain. May iilang mga teenager na kinikilig sa amin dahil sa ang sweet daw nang boyfriend kuno ko.   “Babe, look oh dapat ganun Karin saken oh ang sweet” “Babe mas sweet ako dyan tara na at kakain din tayo”   Nai-iling nalang akong bumaling kay gin.   “Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagka baldado ako ah” “hmm, konti lang haha, Masakit pa ba ang braso mo?”   Bakas ang sineridad sa tanong nito. Umiling naman ako dito well kumikirot parin pero hindi na naman gaano. Pagkatapos naming kumain ay niyaya nya akong sumakay sa canoe. Maliwalas at malamig ang simoy nang hangin sa dagat at hindi rin gaano kataas ang araw kaya magandang timing talaga ang pag ca-canoe sa araw na ito. Ilang metro lang ang layo naming mula sa Amusement park. Nang makarating kami sa may bandang gitna tumigil muna sa pag sasagwan si Gin. Ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita.   “Nilalamig kaba?” Tanong nito sa akin.   Tumango naman ako. Akala ko ay babalik na kami kasi malamig na ang hangin. Nagulat na lang ako nang lumipat ito nang pwesto sa likod ko at niyakap ako.   “te-teka hoy, fordasyo bat ka nang yayakap diyan. Makita mo itutulak kita”   Kinakabahan ako sa mga pabiglaang ginagawa nang taong to nako.   “Silly, sabi mo nilalamig ka e wala akong dalang jacket kaya human heat na lang”   Kinindatan pa ako nito bago lalong hinigpitan ang yakap sa bewang ko. Aangal pa sana ako pero naputol lang yon nang lumabas na ang sunset.   “Let’s stay like this, for a while” Bulong nito.   Hindi ko na ito sinagot at pinagmasdan ang paglubog nang araw.   “Al, pede naba akong manligaw” Mahinahong bulong ni gin sa akin. Kahit hindi ko ito lingunin ay alam kong nakatitig ito sa akin. I appreciate gin’s warmth he give me a feeling of fresh breath. Huminga muna ako nang malalim bago ko ito sinagot.   “Let’s be friends muna Gin, hindi pa ako open to enter another relationship. Hayaan mong maging malapit na magkaibigan na lang muna tayo”   Sagot ko rito bago ipinikit ang mga mata at inihilig ang ulo sa dibdib nito. For once everything is new to me again. And I’m afraid of this new feelings. Let God do the rest.   “Let’s be friends then” Ramdam ko ang ngiti nito kahit hindi ko ito nakikita napangiti nalang rin ako habang eni-enjoy ang moment namin kasama ang dagat at ang ganda nang paglubog nang araw. Hinihila na ako nang antok kaya pinili kong umidlip na muna. --- Gin’s Ilang mabibigat na hinga ang narinig ko kay al, nakatulog na. Cute! Napagod siguro sa kakalakad namin kanina. Idagdag pa na Hindi pa gaanong okay ang katawan niya. Hinayaan ko na lang itong mkatulog at isinandal nang maayos sa akin para hindi ito mahulog. Pinili kong bumalik na para naman makapag pahinga na si Al nang maayos. Pagkarating sa Pang-pang ay binuhat ko ito. Halos pinagti-tinginan na kami nang mga makakasalubong naming dahil sa eksenang pagbuhat ko rito. Ngini-ngitian ko na lang sila.   “Anak, ay kay gandang bata naman niyang asawa mo” Natawa naman ako sa komento nang ale na tumigil pa para silipin si al na natutulog.   “Salamat po” ang sarap yata sa pandinig nang salitang asawa.   “oh sya sige umuwi na kayo at baka mabinat pa ang batang iyan mukhang napagod ata ang misis mo”   “Haha, hindi naman po sige po” Lumakad akong may ngiti dahil sa mga komento nito. Ibig sabihin bagay kami.   Nakarating kami sa sasakyan at inihiga ko naman ito sa passenger seat ibinaba ko na lang ang upuan para komportable.   “hmm, cheese yum”   Pinisil ko ang pisngi nito dahil sa ka cutetan bago nag seat belt at nagmaneho na pauwi.   How I wish this moment won’t last.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD