GEN: 18

1220 Words
Chapter 18 3rd person’s POV Habang dahan dahang kumikilos sila malcus sina Gin naman kasama ang kanyang team ay nagsimula narin para sa gagawin nilang pag eespiya sa avior. Kasalukuyan silang bumubuo nang plano kung paano nila papasukin ang bayan nang avior. Ang avior ang isa sa pinaka sensitibong bayan dahil sa mga kakaibang sensor nang mga taga roon. Mayroon silang identity detector na once na mai-scan ka ay malalaman nito kung ikaw ay miyembro nang mga rebelde o mamayan nang avior at sa oras na hindi mag match ang kahit alin sa mga ito sayo agad ka nilang huhulihin. “Cap’t paano naman tayo makakapag espiya kung alam nating may lintik na sensor sa avior.” Naiiling na komento ni carl kay gin. Kapwa sila mga tuliro at kabado sa kung paanong papasukin ang lugar na iyon. “kailangan nating malaman kung anong klaseng sensor yon” Sumang-ayon ang mga kasama nito sa kanya. “Isa lang ang paraan diyan cap’t, kailangan nating manghuli nang isda” naka ngising sagot ni verdict sa mga kasama. “Yun lang ang paraan para malaman natin kung paano tayo makakalampas sa lintik na sensor na yon” sang-ayon ni  calvin dito. “oh e ano pang hinhintay natin let’s go and draw the net, the fishes are everywhere” Naiiling na lang si Gin sa mga kasama, tama ang mga ito kailangan nilang siyasatin ang isang miyembro mismo nang mga rebelde para makakuha nang impormasyon mula sa mga ito. “We need to check kung saan nag lalagi ang mga yon ngayon. Let’s go”   ------ Malcu’s Nag hiwa-hiwalay kaming nag scout sa artisan para makuhanan nang record ang ano mang transaction nang mga animal na corrupt na yon. “Stefan, florez anong balita dyan” “may mga agent na paiko’t-ikot sa bawat establisyamento dito cap’t, Stefan is currently tampering the cctv” “Spade connect me on stefan’s network” “Transmitting in” Matapos I connect ni spade ang network sa na hack na cctv ni Stefan agad naman naming ininspection ang galaw nang mga ahente sa loob. Makikita rito ang mabilisang pagkilos nang mga ito. Bawat ahente na papasok ay mayroong dala dalang mga brief case. “melton, florez your in-charge of tracking these bastards hide out. Now is the time to be fast and furious. Move!” “Copy” Kita namin sa monitor kung paano mabilisang magpatakbo ang mga ito. “oho’  alam na nilang nakakasunod tayo cap’t” Napangisi naman ako sa sinabi ni florez. Patuloy naman ang mga ito sa pakikipag habulan. Hanggang sa mayroong dalawang ruta na maaring paghiwalayan nang dalawang kotse na hinahabol nila. “melton go jump on the car” “on position” Sakto namang naglanding ito sa itaas nang kotse nang kalaban.  Nagsimula nang lumihis ang dalawang sasakyan sa magka-ibang ruta. Habang nasa kabilang kotse si melton si florez naman ang humabol sa isa pang kotse. Nagsimula nang magka-iringan at nag labas narin nang baril ang mga ito. Nag paputok na nang baril ang nasa unang kotse kung saan nakasakay si melton. Pinuntirya nang mga ito ang bubong nang kotse kung nasaan si melton na agad naman nitong iniwasan. Pumuwesto ito sa gilid nang sasakyan at sinipa ang lalakeng may hawak nang baril. Sakto naman na nakapasok na ito sa loob nang kotse. “I’m in,” “What’s the situation on the inside” Tanong ko kay melton nang makapasok ito sa loob. “One man down, the other one is alive with a gun on his head” Nailing na lang kami na nandito sa hide out dahil sa sinabi nito. “stef, track florez now” Agad rin naman itong ginawa ni Stefan, mula sa cctv sa mga kalye hanggang sa dash cam ni florez ay kita naming kung paano maghabulan ang mga ito. Panay rin ang pagpapa-putok nang mga it okay florez. “Damn, kung hindi ko lang kailangan na buhayin kayo naghagis na sana ako nang Granada” Inis na maktol nito. Iginilid ni florez ang sasakyan nito para mas makalapit sa sasakyan nang kalaban. Patuloy rin naman ang pagpapa putok nang mga ito nang baril sa kanya. Binangga ni florez ang sasakyan patagilid at nakipagsabayan nang putukan sa kalaban. Patuloy naman ang git-gitan nila sa daan hanggang sa binaril ni florez ang magkabilang gulong nang sasakyan dahilan nang pag bangga nang kotse sa gilid nang kalsada. “Tol, kung kanina mo pa ginawa yon di sana kanina pa kayo nandito hina mo talaga tol” “manahimik ka spade, baka ikaw ang paputukan ko diyan Makita mo” Nag bungis-ngisan naman ang mga kasama ko sa loob. “oh, pano cap’t anong gagawin naming dito” “bring them here and we will do some digging” “alright, wrap-up” Nag si alisan na kami sa tapat nang monitor at nag simula nang maghanda para sa interrogation naming sa nahuling alagad nang mga corrupt na opisyales nang artisan. Habang naghihintay ay nag ring ang cellphone ko. Na siya ko ring sinagot. “Captain mal, this is fred from team air we need you’re permission for weapon’s” Napakunot nuo naman ako, bat pa nila ako kailangan e nandoon naman si earv. Something’s not right. “situation” “Our captain has been capture by a mad scientist, we need weapons Sir we need to save our captain” Napatigil naman ako sa paglalakad na nagpalingon sa mga kasamahan ko. Naikuyom ko bigla ang kamay ko. Not earv, not my best friend. “I’ll be there saan ang location nyo” “No cap’t this our mission, we just need you’re permission sir.” Napatigil naman ako, tama siya we still have our own mission after all hindi pwedeng basta basta ako aalis para lang sa iba. May tungkulin ako bilang kapitan nang aking team. Bumuntong hininga na lang ako bago uli umimik. “I’m giving you the permission to break in, grab your weapons and bring that asshole back alive that’s an order” “Copy that sir” Natapos ang tawag at hinarap ko ang aking team, hindi na kami pwedeng magpadalos-dalos lalo pa’t alam kong ang bawat isa ay may mga kinakaharap na iba pang misyon. “Team we need to be fast and furious again, bring in the verdict” Tumango naman ang mga ito sa akin. At nag si alisan na. I kinonekta ko ang linya k okay al. “Charlie Mike” Nagpadala ako nang code kay al ang code: Charlie Mike ibig sabihin nito ay “mission will continued following an interruption” bawat isa sa amin ay pinag-aralan ang bawat military alphabet. Na madalas naming ginagamit sa mga gipit na sitwasyon. “Situation” “ ‘Charlie Foxtrot’ (Clusterfuck-disastrously mishandled situation). I need you to cover me while we go undercover in artisan” “ Alright ‘Lima Charlie’ (Loud and clear- confirmation, receive instruction)” Pinatay na nito ang tawag at nag simula narin ako para sa gagawing interrogasyon. This night will be a hardcore one.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD