GEN: 32

1722 Words
Chapter 32 Earv’s Matapos kaming magpa check-up ay nagsimula na kaming kumilos para madaliang matanggal ang chip sa katawan ni Shine.   “Sky start tracking the main source of the chip”   Hindi na ito sumagot pa at agad na nagsimulang tumipa sa laptop nito. Habang naghihintay ay nagsimula narin akong mag distribute nang task sa aking team.   “Once na ma track natin kung nasaan ang main source nang chip we will move.”   “so we will break in to their hide out and ruin the system”   Tumango ako sa komento ni fred, the easiest way to remove and deactivate the chip is to break the main source in pieces. Ang magiging problema na lang namin kung sakali ay ang bantay at kung gaano ka secure ang system nang mga ito.   Makalipas ang ilang oras na paghihintay ay nakuha na ni sky ang buong blue print nang main source kung nasaan naka code ang chip na nasa katawan ni shine.   “tell me the whole situation sky”   I kinonekta ni Sky ang laptop nito sa projector at iniharap ito sa pader. Kita naming ang kabuuan nang buong main source nang chip na nasaloob nang katawan ni shine. Mula sa blue print ipinapakita nito ang isang kwarto na puno nang technology equipment mayroon ditong mga monitor sa gitna nito ay naroon ang isang malaking machine na maraming kable.   “Ang machine na yan ang nag ho hold nang kakaibang likido na nasa loob nang device na inilagay nila sa katawan ni Shine. Automatic na magtatamper ang device once na magsalita nang mali ang mga taong mayroon nang device na ito.”   Galit man ay pinili ko ang kumalma lalo at nasa kritikal na misyon kami. Ipinagpatuloy naman ni Sky ang pag didiscuss sa amin. Pagkatapos nitong ilabas ang main source nang device ang sunod nitong ipinakita sa amin ay ang kabuuan nang lugar kung nasaan ang main source.   Tumambad sa amin ang lugar kung saan naroon ang main source nang device. Isa itong malawak na ospital kalapit nang ospital na pinuntahan naming kanina. Ibig sabihin ay maaring kaya hinahabol nila ang bata ay para pag-aralan ito. At sila rin ang nasa likod nang mga tauhang madalas humabol sa amin.   “This place is not easy to break in, bukod sa dami nang tauhan nila may mga devices na nakakabit sa iba’t-ibang parte nang lugar na ginagamit nila para maging sensor kung may mga kalaban”   “Any suggestion how can we enter that place”   Saglit itong natahimik at nagsimulang tumipa sa laptop. Maya-maya pa ay lumas naman ang isang secret pathway sa ilalim nang ospital papunta sa pinaka dulong lokasyon nang ospital   “This might be the only way I can think of Cap’t, we have to go underground to land easily at the center”   Maganda ang nagging suhesyon ni Sky, may isa pa akong naisip na paraan kung hindi niya sinabi ito. We can also land in air.   “We can also land from above”   Turo ko sa itaas nang gusali, pede kaming gumamit nang mga harness para hindi ma tamper ang sensor na nakakapit sa paligid.   “We will do it both, kailangan nang dalawang team para hindi tayo ma sense nang lintik na sensor na yon. Sky we need to know the placement of that sensors. We will move silently”   Habang ini-iscan ni Sky ang buong building ay nagsimula na akong magplano kung paano kami papasok sa loob nito.   “Fred you will go with me we will land from the roof, Mark, Jan kayo ang dadaan sa ilalim nang building then sky you will stay here with shine ikaw ang magiging look out namin pagdating naming sa loob.   Tumango lang si sky habang ang tatlo naman ay nagsisimula nang kumuha nang mga gagamitin naming sa pagpasok sa loob nang building. Inihanda ko narin ang aking mga gamit na gagamitin since kami ang aakyat sa pinaka tuktok nang building.   “Apaapa” Tawag ni shine, agad naman kaming nagsilingunan.   “Bakit baby girl” tanong ko rito   “iiwan ako dito” tanong nito habang nakahawak sa laylayan nang damit niya.   “Baby girl aalis lang ang mga papa, mai-iwan ang papa sky mo dito para may kasama ka habang wala kami”   Bahagya naman ngumiti ito sa akin at yumakap sa aking leeg, hinaplos haplos ko naman ang likod nito bago kinintalan nang halik ang noo nito. Lumapit it okay sky para kumalong sa hita nito habang naglalaptop ito. Agad naman itong binuhat ni sky.   Nang matapos kaming maghanda ay nagpa alam na kami sa dalawa at sumakay nang sasakyan.   ---- Nasa byahe kami papunta sa ospital kung saan naroroon ang machine na naka konekta sa device ni Shine. Bumaba kami malapit sa ospital kung saan kami nanggaling kanina naghiwalay na kaming apat. Kami ni fred ang nagpunta sa itaas nang building nang kalapit na ospital habang sila mark naman ay nagtungo mula sa kabilang parte nang ospital. Mula sa building kung saan nag pa check up si shine at pumosisyon kami ni fred sa rooftop nito. Balak naming ang maglanding sa itaas nang kabilang building kung saan naroon ang pakay namin.   “Sky are you ready, focus on your monitors to us”   “Copy that”   “Mark, Jan your position”   “We’re starting to go in”   “Alright let’s do this”   Mula sa kinatatayuan naming ay naghagis si fred nang harnest sa kabilang building na kumapit naman agad sa bakal.   “okay, fred and cap’t may mga bantay sa taas 3 con man with sub unit riffle”   Tumango ako kay fred at pina una ito na tumawid, nang makatawid ito ay nagtago ito sa gilid nang pader malapit sa pintuan nang rooftop.  Agad naman nitong nilapitan ang isang lalaki na nagbabantay, tinakpan nito ang bibig nang kalaban sabay pihit sa leeg nito na ikinabagsak nito. Ganoon rin ang ginawa nito sa dalawa pa.   Nang ma clear nito na wala nang bantay ay saka ako nang slide sa kable at diretsong naglanding sa kabilang building.   “Were in” signal k okay sky   “Okay, now mayroong glass panel sa gitna nang rooftop maari kayong dumaan diyan on my signal ay pede na kayong bumaba”   Agad naming inalis nang dahan dahan ang gawa sa salamin na panel at nagkabit sa paligid nito nang string para maka baba kami nang maayos. Ako ang mauunang baba, nang maikabit ang harnest sa katawan ko ay hinihintay ko na lamang ang signal ni sky. “okay, in 3 to 1 go down”   Agad akong tumalon paibaba at gamit ang string na nakakabit sa akin ay nakapag landing ako nang maayos sa loob nang walang nakakahalata. Kanina lang ay tinamper na ni sky ang buong network nang ospital kaya ang tanging makikita lang nila ay ang normal na itsura nito bago kami pumasok sa loob. Ang kailangan namin iwasan ay ang bantay at sensor nang mga ito.   “Fred your in”   Bumaba narin ito mula sa itaas, nagtungo kami sa kaliwang pathway kung saan pinaka malapit sa mismong main control room nang ospital. Umakyat kaming muli ni fred ngayon naman ay sa kisame kami umakyat para dit dumaan.   Samantala ay sina mark naman ang I ginaguide ni sky. Rinig pa naming ang murahan nang tatlo.   “Letse ka Jan bilisan mong sumampa ang sama na nang amoy nang pwet mo” Singhal ni mark dito.   Dahil sa ilalim sila dumaan ay hindi maiiwasan ang sikip nang daanan nang mga ito.   “Jan you can enter” senyas ni sky   “In”   Sumunod naman si Mark rito na matapos makapasok ay nagreklamo pa na ang tagal tagal raw ni sky magbigay nang signal. Nakarating kami ni fred sa main control room mula sa taas ay sinilip naming ang baba kung mayroong tao sa loob, mayroong apat na lalake na naka bantay sa loob. Hindi na kami nag aksaya nang oras at agad na pinatamaan ang mga ito gamit ang silencer na dala namin. Nang matumba ang apat ay naglanding kami sa control room nang maayos.   “Sky nasa main contol room na kami anong pipindutin ko rito” tanong ko rito.   “Hindi ganoon kadali yan cap’t kailangan mayroong isa sa inyo na papasok sa mismong tube kung nasaan ang machine at kailangan na ma deactive ang active sign doon.”   “Ako na lang cap’t” prisinta ni fred sa akin.   Umiling naman ako rito tanda na ako na lamang ang papasok.   “Ako na I need you here to monitor me”   HUminga muna ito nang malalim bago naupo sa control room at binuksan ang daan sa isa pang kwarto kung saan naroon ang mga devices na kailangang patigilin.   “The thing here cap’t once na I tamper mo ang machine ay kusang magagalaw ang bawat alarm nang sensor at magkakaroon nang ideya ang mga tao sa loob na mayroong nakapasok”   Babala sa akin ni Skye matapos kong makapasok sa loob nang tube.   “Fred, start typing the code that I have sent to you”   Nagsimula na ito sa pag ta taype nang codes. Nakikita ko narin ang paiiba nang kulay nang bawat machines sa harap ko.   “Cap’t once na magbigay ako nang signal you need to click the button and break the machine severely”   “Why do I need to break the machine”   “it’s to be sure na hindi na nila kayang I activate ito ulet. And be careful”   Hinintay ko namang ang signal nito habang nakikinig kila mark na ngayon ay naka posisyon na sa daan kung saan kami lalabas mamaya.   “We’re ready cap’t bring it on”   Ting.ting.   “the code has been transmitted the show is now yours cap’t”   Nag thumbs up ako rito at agad na pinindot ang deactivate button pagkatapos ay binaril ko ang ilang mahahalagang parte nang machines. Agad naman akong tumakbo malapit sa pinto nang tube nang mag click ang buong alarm nang lugar.   “Freak”   Nagsi sulputan ang ilang scientist sa harap ko kabilang roon ang lalaking nakilala naming nuong nakaraan. “So it’s you”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD