GEN:34

1029 Words
Chapter 34 3rd person’s Sakabila nang pagiging abala nang mga gens sa anim na distrito nagsimula naman ang pag eespiya nang team nila gin sa avior. Gaya nang nauna nilang plano gumawa sila nang pagkakataon para lumapit sa kanila ang ilang tauhan na mul sa avior.   “Cap’t papalapit na sa location nyo ang tatlong lalake na suspected bilang isang miyembro nang mga rebelde”   “let them come to us” sagot ni gin   Naka pwesto sila ngayon malapit sa dalampasigan, itinaon nang mga ito na hulihin ang mga rebelde sa oras na wala nang gaanong dumadaan at tumatambay sa lugar.   Lumapit ang mga ito sa kanila at nang tangkain ng mga ito na  dakipin sila ay ddon na sila nagsimulang  kumilos. Inisang hila lamang ni gin ang braso nang isa sa mga ito at nakuha nito agad ang baril na hawak-hawak nito.   Gulat naman ang makikita sa mukha nang rebelde at ng magbalak ito na tatakbo ay pinaputukan ni gin ang binti nito na naging dahilan nang pagbagsak nito sa buhanginan. Hindi man ganoon ang nangyari sa dalawa pa nitong kasama pero pare-pareho naman itong nakalugmok sa buhanginan.   Dinala nila ang mga ito sa kanilang hide out para interrogahin tungkol sa sensor at paghahanda na dapat nilang gawin sa pagpasok sa avior.       --- Gin’s Nang madala namin ang mga rebelde sa aming hide-out ay nagsimula narin kami na tanungin ang mga ito tungkol sa avior.   Sandali akong naghila nang upuan at tumapat sa gitna, nakaharap ako sa mga ito habang mataman silang pinag mamasdan. Sumandal ako sa upuan at sinimulan ang pagtatanong.   “Anong pakay niyo rito” tanong ko sa kanila.   Hindi naman sila sumagot at panay lang ang bigay nang masasamang titig sa amin. Pinagpatuloy ko naman ang pagtatanong.   “okay let me rephrase, who’s your motive” prenteng tanong ko sa mga ito.   Dahil sa hindi na naman ang mga ito sumagot at sinenyasan ko si carl na kunin an gaming alas para mapa amin ang mga ito.   “you know what, we don’t need to use force for you to speak”   Maya-maya pa ay lumapit sa carls a mga ito dala-dala ang isang maliit na botelya at syringe.   “Woah, cap’t asensado tayo ah, truth serum mahal niyan sa embahada” komento ni verdict.   Nginisian ko ang lang ito at bumaling muli nang tingin sa mga rebelde. Bakas ang kaba sa mga ito base sa pagpapawis nang noo at pisngi nang mga ito.   Umiiwas pa ang mga ito nang lumapit sila carl at calvin sa mga ito. Ilang sandal lang matapos silang maturukan nang serum ay kinabitan naman ito ni felix nang ilang wires na komukonekta naman sa laptop para mas masigurado namin na totoo ang sinasabi nila kapag magsimula kaming magtanong.   Nagbigay naman nang signal si felix na pede nang simulan ang pagtatanong.   “bakit kayo napadpad sa Mozart.”   Hindi na ako naghintay pa nang matagal dahil sa agad na sumagot ang isa sa mga ito.   “nandito kami para mangalap nang pwede naming isama sa avior”   Binigyan ako nang tango ni felix bilang hudyat na totoo ang sinasabi nito.   “ano naman ang gagawin niyo sa mga mahuhuli nyo”   “gagawin rin silang isa sa amin na rebelde”   Hindi na ako nagulat pa sa isinagot nito, hindi na bago ang ganitong mga galawan maging sa mga nauna naming misyon ay talamak ang pag abduct nang mga tao para gawing kasapi nang miyembro kahit pa taliwas sa kanila na mapabilang dito.   “ngayon paano makakapasok ang isang taga labas sa avior, nang hindi nagagalaw ang sensor”   “kailangan mayroon kayong insignia”   Itinaas naman ni carl ang kamay nang isa sa mga ito at ipinakita sa amin ang kanilang insignia. Isang hugis baraha namayroong dalawang baril na naka ekis sa gitna.   “pero paano naming malalampasan ang identitiy sensor nang avior.”   “Hindi nyo malalampasan yon, ito ang isang bagay na kahit kami ay hindi alam ang paraan para maiwasan ang sensor na yon”   Napapantastikohan ako sa sagot nito dahil sa hindi nila alam kung paano I tamper ang sensor. Hanggang sa nagsalita uli ang isa sa kanila.   “maliban na lang kung sa ibang ruta kayo dadaan”   Napalingon agad ako sa sinabi nito,   “saang ruta kami dapat dumaan?” tanong ko rito.   “sa daan na kahit sino walang makikitang bakas”   Napaisip naman ako bigla sa sinabi nito. ‘Walang makikitang bakas’.   “Sa tubig” sagot ni verdict   Ikinalingon ko naman ang sinabi nito, tama ito mayroong kalapit na karagatan sa pagitan nang Mozart at avior. At kung doon kami dadaan ay hindi na naming kakailanganin na dumaan sa sensor nila.   “guess that’s the only way cap’t” komento ni calvin   Tumango-tango naman ako sa mga ito.   “felix get a copy of their insignia, we need to hide and disguise ourself as one of the rebels”   Binigyan ako nito nang tango at nagsimula nang I scan ang mga insignia nang mga ito.   Inutusan ko naman sina calvin na dalhin ang mga rebelde sa asylum, ito ang lugar kung saan dinadala ang lahat nang nahuhuling rebelde galing sa avior. Mananatili sila sa loob nang asylum hanggang ma identified anmg kanilang address.   Habang si verdict naman ang pinamahala ko sa pagkuha nang sub-marine na gagamitin naming papuntang avior. Pagkarating naming doon saka na kami mag pa plano kung paano kami makakapasok sa organisasyon.   “felix, nakuha mo na ba ang kopya nang insignia nila” tanong ko rito.   Nakakunot ang noo nito habang tumitipa sa laptop nito.   “Hah, they’re really fantastic” komento nito habang sinusuri ang insignia   “why”   “they put a very interesting code in every insignia, once na mamatay ang may-ari nito ay ma dedetect ito nang system nila. Ang bawat code ay naka konekta sa identification code system nang miyembro nang mga rebelde.”   “can you get us an insignia”   “I can it will just take time”   Tumango naman ako sa sagot nito. Kaunti na lang at maghaharap na tayo avior, sa pagpunta naming sa lugar na ito alam naming hindi magiging madali ang paglabas dahil sa mga posibleng problema na kakaharapin namin.   Hindi kami uuwi nang walang nakukuha sa kanila. Hindi! Bilang isang sundalo nang rios at ruist gagawin ko ang lahat para matapos na ang pang gigipit at pagtatangka nang mga ito sa lugar kung saan binuo ang aking pagkatao. Marami nang inagaw sa amin ang mga ito maging ang ilang kasamahan at ang balense nang rios at ruist ay naapektuhan.  kaya naman hindi na dapat na maghari ang mga ito sa avior, kailangan narin makalaya nang mga mamayan sa paghihirap nila mula sa kamay nang mga rebeldeng ito.  Para sa Rios, Para sa pamilya ko at para sa nag-iisang Gabriela sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD