GEN: 44

1318 Words
Chapter 44 Gin’s Kinagabihan nang dumating sila clavin ay agad nilatag ni felix ang plano sa mga ito. Kanina lamang ay kinuwento sa amin nang dalawa ang kung ano ang nasa dulo nang nakatagong ruta mula sa kweba. May pagkamangha at gulat parin sa parte na namin dahil  sa narinig at kung paano ito nangyari.   Nang matapos pag-aralan nang dalawa ang buong floor plan nang lugar at ang gagawin naming pag akyat sa loob ay nag handa na kami nang mga gagamitin naming sa loob.   “mabuti na lang at eksaktong nakapagdala tayo nang tear gas” si carl   “haha tol high grade yan, siguradong kaltas na naman yan sa sweldo sa ika-kinse haha” komento ni verdict   “aist, wag mong ipaalala sa akin ang masakit na katotohanan”  sagot ni carl dito   Bago pa humaba ang usapan nang mga ito ay nagbigay na ako nang signal sa mga ito para magsimula na kaming lumakad papunta sa hall.   --- Nang makarating kami sa mismong likod nang hall ay nagsimula na kaming umakyat sa pader para dumaan sa kisame nito. Naunang umakyat si vedict sa amin sumunod naman ako hanggang maka akyat kaming lahat.   Pagdating sa tuktok nang hall ay agad nagsimula si felix na I scan ang lugar para hanapin ang pinaka malapit sa posisyon nang main control room. Mahihirapan kami kapag sa malayo pa kami mag sisimula. Nang makita nito ang pinaka tamang spot para mag simula ay nagsimula na kaming sirain ang naka harang sa daanan namin.   “sigurado kaba felix na hindi tayo makaka alert nang alarm once na matanggal natin itong bubong na ito.?”   “hindi ako sigurado pero ang sigurado ko lang ay hindi tayo agad na makikita nang mga ito”   Nakatanggap ito nang ilang mura sa mula sa amin dahil sa narinig, nag shrug lang ito sa narinig at patuloy lang sa pagtipa sa mini laptop nito. Ilang saglit pa at maayos naming natanggal ang panel nang walang tumutunog o nag bu buzzer freeze na alarm. Gaya nang sabi ni felix hindi kami agad mapapansin nang system kaya bago pa mangyari yon ay nag si pasok na kami sa loob nang kisame at agad na isinara muli ang panel na kinalas namin sandali lang ang nakalipas.   Maliit lang ang espasyo nang kisame kaya hindi kami gaanong makagalaw nang mabilisan pahe-pareho kaming pa gapang kung gumalaw kaya hindi maiwasan ang sipaan dahil sa sikip nang lugar.   “Aray, lintik na yung puwet mo carlito natatamaaan na yung gwapo kong mukha” Angal ni verdict na siyang nasa likuran ni carl.   “lol, asa ka naman tol mabuti nga trip ka pa nang pwet ko” sagot rito ni carl.   Nai-iling na lang ako at nagpatuloy sa paggapang hanggang makarating kami sa tamang pwesto.   “okay malapit na tayo sa apat na area kung saan dapat maghulog nang tear gas, move your asses slaves” utos ni felix   Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang isinumpa nang mga ito si felix ngayong araw. Pagdating kasi sa pag kakalkula nang statistic nang plano ito ang inatasan ko para maging boss doon. Tiwala ako sa bawat isa sa amin kaya imbis na lagging ako lang ang masusunod binigyan ko sila nang sariling labor at ‘boss time’ kaya kapag oras nila ay talaga namang masasagana sa mura ang bawat isa.   “let’s be quick on this, everyone go to your designated area, kapag nagbigay nang signal si felix sabay sabay nating ihuhulog ang tear gas maliwanag”   “yes captain”   Kanya-kanya naman kaming isod para makarating sa apat na area kung saan kami maghuhulog nang tear gas, pagsumabog ito at napatumba na namin ang mga bantay ay saka naman kami baba sa loob para maghanap nang mahahalagang datas.   Nang maka posisyon ako sa gitna ay saka ako nag transmit sa mga ito.   “on position”   “on position cap’t” sagot nang mga ito.   Naghihintay na lang kami nang signal kay felix at sabay-sabay naming ihahagi ang mga tear gas.   “ready at the count of 5” “5…4….3…2…1 show off”   Sabay-sabay naming inihahulog ang tear gas at pagkatapos ay nag suot nang gas mask. Naghintay muna kami nang ilang oras para masigurado na nakahandusay na ang mga ito. Hindi rin naman nagtagal at sumenyas na sa amin si felix na pede nang bumaba.   Hindi na ako nag hintay pa at tumalon na agad sa loob, nang mawala an mist nang tear gas ay nakita namin ang mga nakahandusay na gwardya sa loob nang control room, naghiwa-hiwalay kami para mas mapabilis ang kilos namin nang pagkuha nang mga mahahalagang files.   Si felix ay nagtungo sa main computer at doon kinopya ang mga data na mayroon doon. Kinuha ko naman ang secret files na nakuha ko sa drawer sa loob. Nang ma copy ni felix ang laman nang computer ay nag thubs up ito signal na tapos na kami sa loob.   “We gotta go now, ilang minuto na lang at maarin na nilang ma detect ang pagpasok natin”   Agad naman kaming nagsibalik sa itaas nang kisame para maka labas nang hall. Nang makarating kami sa itaas hindi na kami nag aksaya nang panahon at sabay-sabay na tumakbo palayo sa lugar kasabay nang pag busina nang alarm system sa lugar.   Dahil hindi kami maaring bumalik sa apartment ay naisipan naming magtungo sa kweba kung saan naroroon ang ruta na nagdudugtong sa verdict.   “darn that was a great buzzer beater” hinihingal na sabi ni calvin   “sa lakas nang alarm malamang armado na ngayong ang mga rebelde, at hinahanap tayo” si carl “let’s just hope na hindi muna nila tayo mahanap habang nag-aayos nang data itong si felix” komento ko.   Mabilis naman itong sumalampak nang upo sa lupa at agad na pinagana ang intel skill nito sa bilis nang pagtipa nito sa gadget.   “oh damn, merry merry go around”   Isa ito sa mga ekspresyon ni felix kapag nahihirapan siyang buksan ang mga mahahalagang data na ginagawa nito. Pero hindi rin naman ito nagtagal at narinig na namin na nakuha at nabuksan na nito ang data sa loob.   “this is crucial, cap’t we need to inform the gen’s about the bombs”   Naguguluhan man ay kalmado akong nagtanong.   “What about it”   “this isn’t just about them planting bombs to scare or to riddle us, it’s a time-chain bomb.”   Napasinghap kami sa sinabi nito.   “Isang uri nang bomba na puputok lang sa oras na itinakda at ang malala pa nito konektado ang bawa’t isang bomba sa iba’t-ibang distrito”   Napa face palm ako sa sinabi nito, ibig sabihin ay bawat distrito sa rios mayroong naka plantang bomba.   “tell me how this thing works and how can we be able to stop it.”   “that’s the hard part of chain bombs, once na I pull out mo ang isa sa mga ito, there’s nothing left but explosion. Hindi pedeng isa-isahin ang pagputol nito”   Napa suntok ako sa pader nang kweba sa narinig, hindi naman maaari na ipagsa walang bahala namin ito dahil kung hindi namin ito mapigilan agad ay siguradong masisira ang bawa’t distrito at maapektuhan ang mga mamayan na naninirahan.   “any possible things we can grab to stop the bombs?” balik tanong ko   “there’s only one”   Natahimik ito bago bumuntong hinga at humarap sa amin.   “kailangan sa eksaktong posisyon, oras at araw, sabay-sabay na ma disassemble ang bawa’t bomba sa bawat distrito. Ibig sabihin kung I hahalimbawa ko ang araw ngayon dapat sa naka posisyon ang bawat isa sa bawat bomba at sabay-sabay nilang I di-dissassemble ang mga iyon para maiwasan ang sabayan nitong pagsabog”   “this is insane” si verdict   “tha’s the only way we can stop this” Huminga ako nang malalim at nag isip kung paano ko ipaparating ang mensahe sa mga generals. This night is kinda hard from all of us.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD