Ang Ating Bida

308 Words
I'll Never Be Fooled Again "Nay, gusto ko balang araw,mahalin ako ng taong pinaka mamahal ko, kahit na bakla po ako." Kausap ko kay nanay habang naka unan sa legs niya habang sinusuklay ng kanyang mga kamay ang aking buhok. Napatingin naman sakin si nanay at nagbuntong-hiniga. "Anak, walang imposible sa pagmamahal, kaya sigurado akong may magmamahal sayo." Halata sa boses ni nanaya ng pagkadismaya, baka sinasabi lang niya iyon sakin kasi ayaw niyang masaktan ako o umasa sa wala. Nginitian ko siya bago umupo. "Salamat nay, kahit na ganito ako ay hindi niyo ako tinuring na ibang tao sa paningin niyo, di tulad ng ibang katulad ko diyan sinasaktan at pinapalayas dahil lang sa bakla sila, hindi tanggap ng pamilya nila na bakla sila" malumanay kong saad kay nanay habang nakahawak sa dalawang kamay niya at marahan ko pa itong hinahaplos. Yumuko ako at tska nagsalita ulit. "Nay, kung buhay lang si tatay sa tingin niyo ba matatanggap niya ako?" Saad kong nakayuko parin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni nanay at marahan niya akong hinaplos sa aking pisngi. "Oo naman anak, tanggap ka non kahit na ano kapa, hindi mo naman kailangan pang isipin ang tatay mo eh, ang importante nandito kami ng kuya mo handang tulungan at gabayan ka." May pagkamuhi ang tono ng pananalita ni nanay, bakit kaya ayaw niyang pag usapan ang tungkol kay tatay sa tuwing kinakausap ko siya tungkol don ay iniiba niya ang usapan. Hindi na ako nagsalita pa at nginitian ko nalang siya at yinakap ng mahigpit. Namayani ang katahimikan sa aking buong kwarto, hinaplos haplos ni nanay ang aking likod hanggang ako ay makatulog. ------- Hope you liked it guys, sana ay subaybayan niyo ang kwento ng buhay ni Allen. Marami pang mga pangyayari ang magaganap kaya sana ipagpatuloy niyo ang pagababsa ng storyang ito. -yarajjuames
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD