Episode 5

765 Words
Hindi ko manlang inakala na ito ang mangyayari. Ang saya saya ko ngayon. Hindi ko man alam kung ano ang reaksyon ni Riel ngayon, sana ay hindi niya ako kamuhian. RIEL'S POV: Pft!. Hindi ko talaga ito inaasahan na mangyari. Lumabas ako sa aking kwarto upang kumuha ng pagkain. Ilang hakbang ko palang ay may tumawag saaking telepono. Tinignan ko kung sino itong tumatawag saakin ngunit walang nakapangalan at mukhang hindi ko kilala ito. Sinagot ko ang tawag na iyon kahit hindi ko pa sigurado kung sino ang tumatawag saakin. "Hello?" tanong nito saakin. Babae ang boses nito at tila ba ay parang pamilyar saakin ang boses na ito. "Who's this?" sagot ko naman habang naka kulot ang aking noo. "Ina ito ni Anne" napabuka ang aking mga mata ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Ina ni Anne pala ang tumawag saakin. "A-ano pong kailangan nyo?" bigla namang lumambot amg aking boses. Kinakabahan ako lalo na at soya ang Ina ni Anne. "Gusto kong magkita tayo, tayo lang dalawa iho, I tetext ko nalang ang lugar kung saan" sambit nito at agad naman niyang binaba ang kanyanh cellphone saakin. Nagtataka ako kung bakit nais na makipag kita ang Ina ni Anne saakin. May nag text na sa aking cellphone. Nakalagay dito kung saan at kailan kami magkikita. Naligo na ako nang mabasa ko ang laman ng text message saaking telepono. Agad na din akong nagbihis at hindi na ako kumain. Tumakbo ako palabas ng bahay nang bigla akong tinawag ni Ina. "OH! Anak! Saan ka naman pupunta?" pagtataka ni Ina saakin. "A-ahh!, may ikikita lang ako Ina!" sagot ko maman sa kanya. May gusto pa sanang sabihin si Ina nang nakatakbo ako. Kinuha ko na ang susi sa kotse at pumunta na sa lugar na pagkikitaan namin ng Ina ni Anne. Kinakabahan ako habang nag dadrive sa kotse. kasabay ang pagtawag ng kaparehong number na ginamit ng Ina ni Anne kanina. "Iho, nandito naako, maghihintay nalang ako ha!" sabi niya saakin. Sasagotin ko palang siya nang bigla na naman niya akong binabaan ng telepono. Ilang minuto na ang nakalipas nang makarating na ako sa lugar na sinasabi ng Ina ni Anne. Hinanap ko kung nasaan siya. Nang makita ko siya ay agad ko naman siyang nilapitan. "IHO!" Sigaw niya saakin. Nagmadali akong puntahan siya. Niyaya niya ako sa isang table. "Iho, Pasensya na ha kung nais kong makipagkita saiyo, kung naistorbo kita, pasensya na talaga" paghinge nito ng patawad saakin sabay sa paghawak niya sa mga kamay ko. "It's okay Mrs. Not a big deal" sagot ko naman sakanya" pinipilit kong hindi mahalata na kabahan sa harapan ng Ina ni Anne. Nakalimutan ko nan ang pangalan niya ngunit hindi ko na ito tinanong sa kanya dahil sa kaba. "Iho, siguro naman ay alam mo na ang tungkol sa pagpapakasal mo sa anak ko, alam mo bang mahal na mahal ka ng anak ko at ikaw lagi ang kanyang kinukwento niya saakin. Dati, sabi niya lagi ka daw niyang napapanaginipan at nung araw na magkita kayo ay doon na niya napag alaman na may gusto siya sayo, ang saya saya niya nang malamang ikaw ang papakasalan niya, at masaya din ako na ang mapapangasawa niya ay ang taong mahal niya at wala na akong dapat pang ikabahala na masaktan siya" sambit nito saakin. Napatulala nalang ako nang malaman kong mahal ako ni Anne. Hindi ko inaasahan ito. Huminga ako ng malalim "Iho, mahal mo ba ang anak ko?" tanong nito saakin. Hindi ko inakala na maririnig ko ang lahat ng ito mula sa Ina ni Anne. "Ah..O-opo. Mahal na mahal ko po siya kahit na ilang araw ko palang siyang nakita. Napapanaginipan ko din po siya ngunit hindi gabi gabi, kaya nung makita ko soya sa simbahan na iyon bigla nalamg tumibok ang puso ko nang mabilis, at pangako ko po hinding hindi ko pababayaan ang anak ninyo, papakasalan ko siya hindi dahil sa negosyo at di dahil kailangan kundi dahil ito ang inaasam ng puso ko" sagot ko naman sakanya. Napangiti nalang siya sa kanyang mga narinig. "Sige iho, kailangan ko na munang umalis." pagpapaalam nito saakin at umalis na siya. Bumalik na ako sa kotse ko. Nag simula na aking mag drive. Excited na Excited na ako pag uwi ko nang hindi ko namalayang may isang truck na tila ba ay nawawalan ng preno. Nabunggo ang kotse ko at tila ba dilim lang ang nkikita ko. Pinikot ko ang aking mga mata. Ang sakit sakit ng aking katawan. At hindi ko na namalayang nawalan na ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD