Sabi nila kung mahal mo ipaglaban mo, pero kung hindi ay takasan mo. Pero paano ko namang gagawin ‘yon kung hindi pa man ako nakakagawa ng hakbang ay parang nahuhulaan na ang plano ko, hindi ko na mabilang kung nakailang sipat ako sa mga naglalakihang lalaki sa exit hall. Plano niya ba talagang itali nalang ako sa kanya? Sumama ang mood ko sa isiping ‘yon, hindi ko mapapayagang pagharian nito ang buhay ko. “As if I’ll let him control me,” bulong ko. Inayos ko ang bahagyang nagusot kong gamit, napadaing pa ako nang maramdamang bahagyang nangalay ang paa ko dahil sa matagal na pagkakaupo. Simula kasi ng maharang ako sa paglabas ay tumambay nalang ako rito sa lobby, naghihintay ng opportunity para makatakas. Pero mauuna pa yatang puputi ang buhok ko bago mangyari ‘yon, kailangan kong gumawa

