CHAPTER 02: I'M DIRTY

2264 Words
Matapos ang isang malamig at mapang-akit na gabing pagsisiping ni Anatasha sa isang hindi kilalang kliyente, hindi pa rin makapaniwala si Anatasha sa malaking halagang perang hawak niya. She looked like she was dreaming, inaalintana ang mabangong amoy habang binibilang ang makapal na pera sa kanyang palad. She was happy and smiling. Mag-isa siya sa plastic na upuan, kaharap ang maliit na mesa, nasa kusina habang naghihintay na maluto ang kanyang adobong manok na binili niya kanina sa palengke. "Mhmm, ang sarap ng amoy, parang napakasarap ng ulam natin ngayon, ate!” masiglang tugon ni Zaira, na bagong salta mula sa paaralan at itinutok ang kanyang ilong sa masarap na amoy na umaabot sa kanyang pandama. “Oo, ang bango nga, nakakagutom!” pahabol naman ni Zai, na kitang-kita sa kanilang mga mukha ang masayang ngiti. “Ayan, tapos na! Pwede na tayong kumain ng hapunan!” masayang anunsyo ni Anatasha. Sabik naman nilang inokupa ang tatlong bakanteng upuan sa harap ng mesa, Nagmadali silang naglagay ng ulam sa kanilang mga plato. “Ate, bakit hindi pa bumabalik si Mama at si Papa? Ayaw na ba nila sa atin?” mahinang tanong ni Zaira, na huminto sa pagkain ng adobong manok. Napatigil din si Anatasha at Zai sa kanilang kinakain nang marinig ang tanong. Ibinaba ni Anatasha ang hawak na kutsara, hindi alam kung paano sasagutin ang mga tanong ni Zaira. Kahit siya ay naguguluhan din kung bakit hindi sila binalikan ng kanilang mga magulang. Minsang naisip niya, baka may masamang nangyayari sa kanila o talagang ayaw na sila ng kanilang mga magulang. Tiningnan niya ang dalawang kapatid at nagpalipat-lipat ang kanyang tingin mula kay Zai patungo kay Zaira. "Hindi ko alam, huwag mo na silang hanapin. Wala na silang pagmamahal sa atin, okay?" masungit na sagot ni Anatasha, ang boses ay puno ng sama ng loob at kaguluhan. Sa tuwing naaalala niya ang kanilang kalagayan, nadidismaya siya dahil sa mga karanasan. Tumayo si Anatasha at naglakad papasok sa kanyang silid, hindi na nagawang ipagpatuloy ang pagkain. Nagkatitigan si Zai at Zaira na naiwan sa mesa. “Bakit mo naman sinambit iyon, Zaira?" simula ni Zai. Alam mo kung gaano kasensitibo si ate pagdating sa kanila. Hindi nila tayo mahal. Tanging si ate lang ang tumatayong magulang natin. Mahal tayo ni ate at hindi tayo iniwan katulad nila; she's hardworking para maibigay ang ating mga pangangailangan. At yun ay sapat na," paliwanag ni Zai sa kanyang kapatid. Ang mga salitang iyon ay nagbigay ng malamig na pahinga kay Zaira. Napansin niyang mali ang kanyang ginawa, ngunit maraming mga katanungan ang walang humpay na pumapasok sa kanyang isipan: Bakit sila iniwan? Sitting on her bed, nag-iisa, nag-iisip tungkol sa kanilang mga magulang na nagbigay sa kanila ng napakaraming sakit at kakulangan. “Wala silang kwentang mga magulang,” mahinang bulong ni Anatasha sa sarili. “Oo, gusto niya ng masayang pamilya, katulad ng ibang mga bata na may mga magulang na nagmamahal at nag-aaruga sa kanila. But she knew deep down that wouldn’t happen; yan ang umuukit sa kanyang isip at puso. “Ate!” tawag mula sa labas ng pintuan. Sunod ang tunog ng pag-ikot ng doorknob. Tiningnan lamang iyon ni Anatasha habang mabagal na naglalakad. "Ate, I’m sorry. I won’t do that again," paghingi ng tawad ni Zaira kay Anatasha, na tumungo sa kama. Umiling si Anatasha bago hinawakan ang isang kamay upang umupo sa tabi niya. "Wala kang kasalanan. Karapatan mong magtanong." "You hate them, Ate? What if one day they come back to us?" Biglang natigilan si Anatasha sa sinabi ni Zaira. Hindi niya kailanman naisip na maaaring balikan pa sila. "Huwag kang umasa; they only love themselves. Kung nasaan man sila ngayon, doon na sila. I don't want to see them; I hate them," sa isip ni Anatasha. Mahigpit niyang niyakap ang kapatid bago siya ngumiti. Matapos nito, umalis si Zaira mula sa silid ni Anatasha at nagbalik sa mesa upang ipagpatuloy ang kanyang pagkain. Mabilis namang tumayo si Anatasha mula sa kama. Kumuha siya ng magkapares na damit—isang strapless na itim na blouse at maikling palda—mula sa kanyang mega box cabinet at isinuot ito. Lumabas siya ng kuwarto na may ngiti sa kanyang labi. "Aalis na si ate at kayo na ang bahala dito sa bahay," paalam niya kay Zai at Zaira na patuloy sa pagkain, sabay-sabay namang tumango ang dalawa. Habang naglalakad palabas ng bahay, napahinto si Anatasha nang makita ang kaibigan na si Rose na papalapit sa kanya. "Aalis ka na? You're looking good in your outfit today," sabi ni Rose habang animo'y sinisiyasat ang kabuuang kasuotan ni Anatasha. "Thank you, Rose," nakangiting sagot ni Anatasha, at tinuloy niya ang paglalakad patungo sa highway, kung saan maraming jeep ang dumadaan. Medyo malayo ang bar na pinapasukan niya mula sa kanilang bahay. Pagdating sa highway, agad siyang sumakay sa jeep na kasalukuyang nasa harap. Pagkalipas ng 25 minuto, nakarating na si Anatasha sa Galaxy Bar. Agad siyang bumaba ng jeep at pumasok sa loob. Habang naglalakad siya sa hallway ng bar, napansin niyang pinagtitinginan siya ng kanyang mga katrabaho. "Asha, mabuti at nandito ka na. Pumunta ka kaagad sa opisina ni Sir Brix," sabi ni John. Sumunod si Anatasha sa utos nito nang hindi na nagtatanong pa. Alam na niya ang ibig sabihin; kapag tinawag sa opisina, may mga nagrereklamo na customer, na hindi na bago sa kanya. Pagdating niya sa labas ng opisina ni Brix, kumatok siya ng tatlong beses bago pinihit ang doorknob at pumasok. "Sir, pinapatawag mo raw ako," ani niya habang tinitigan ang lalaking nakaupo sa itim na leather chair. Nagulat siya sa pagkakaibang anyo ng lalaki; mahaba ang buhok at makisig ang pangangatawan, samantalang si Brix ay may wavy hair at medyo chubby. Nakatalikod ang lalaki sa kanya kaya hindi niya ito nakilala. "Are you enjoying last night?" sarkastikong tanong nito sabay harap, hindi nakapagkurap si Anatasha sa gulat ng makita ito. "Bakit siya nandito sa opisina? Paano siya nakapasok na wala si Sir Brix?" Ang puso ni Anatasha ay mabilis na kumabog sa kanyang dibdib. Kumunot ang kanyang noo, hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Hindi niya inaasahan na makikita niya ulit ang lalaking nakasama niya ng isang gabi. Tumayo ang lalaki mula sa inuupuan nito at humakbang papalapit sa harap ng nakaharang na mesa. "What do you want from me?" diritsong tanong ni Anatasha. “Did you not miss me?” sagot nito na may kasamang mapanlibang ngiti. "Sabihin na natin nakuha mo ang loob ko, bakit ako nandito ngayon? Miss Asha, right? I'm Bryce," pakilala nito sa sarili, kasabay ng pag-abot ng kanang kamay upang makipagkamay. Subalit, tinitigan lamang iyon ni Anatasha, nagdadalawang-isip kung susuklian ba ito ng kanyang kamay. "Okay, alright. I want you tonight. Magkano ba?" ang sumunod na tanong nito, tila ang tono ay nagiging mas seryoso. "I’m sorry, sir, but I’m not available tonight. Kung gusto mo, there are many women around who could please you. Kung wala ka nang importante na sasabihin, maaari na ba akong umalis, sir?" Tumaas ang isang kilay ni Bryce, hindi inaasahan ang pagpapakita ng hindi magandang pag-uugali mula kay Anatasha. Mataray at suplada itong hinarap siya; ang kanyang lakas ng loob ay tila nagbigay sa kanya ng higit pang determinasyon. Maraming babae na siyang na-encounter at hindi siya kailanman nabigo; lahat ng gusto niya ay nakukuha niya sa loob ng ilang minuto. Pero si Anatasha, iba siya—ang kanyang matigas na paninindigan ay nagbigay kay Bryce ng higit pang pagkagusto. “Oh, isn’t it true? You need money, right? Kaya nga nagtitiis ka sa ganitong trabaho. You’re working as a prostitute; is that enough for you? I can give you a million just to stay with me; I’ll keep you as a bed warmer." Saglit na natigilan si Anatasha sa narinig. A million? But he is arrogant; I don't like him, lalo na sa pag-uugali nito. Mataas ang tingin niya sa sarili. Hindi sanay si Anatasha na may sinuman na kumokontrol sa kanya; siya mismo ang nagdedesisyon para sa kanyang buhay at malaya siyang magagawa ang mga nais niya. "Sir, you're joking. Who wants to keep a woman like me? I'm dirty. Hindi ko kailangan ang million mo just to stay with you," sagot ni Anatasha. "I like your performance last night. I want you. Sa ayaw at gusto mo, sasama ka sa akin. A man like me? There's nothing impossible," ang pagdedeklara ni Bryce, na tila nagbigay ng takot kay Anatasha sa kanyang mga salitang iyon. Anong ibig niyang sabihin? "There's nothing impossible"? Ano ang balak ng lalaking ito? Tinatakot ba niya ako? “Sir, ano ba talaga ang gusto mo sa akin? Ang usapan natin ay isang gabi lang at doon na matatapos. I’m sorry, but hindi ko maibigay ang hinihingi mo. You know I’m a prostitute, and yes, kontento na ako sa trabaho ko,” ani Anatasha at agad na tumalikod. "How about your two sisters?" biglang tanong ni Bryce, na nagreresulta sa biglang paghinto ni Anatasha. Pinag-imbestigahan ba niya ako? Kung ganoon, alam niya ang tungkol sa akin. “No worries, walang nakakaalam sa ginagawa mong ilegal,” aniya, sabay hakbang palapit kay Anatasha, ang kanyang mga mata ay naglalaman ng tindi na tila nais siyang takutin. Saglit nanglambot ang mga tuhod ni Anatasha; akala niya maitatago niya habang-buhay ang nakaraan niyang pagkatao. "You're wanted at puwede kitang i-report sa mga autoridad," bulong ni Bryce pagkalapit niya kay Anatasha. "Hindi naman siguro mahirap ang pinapagawa ko sa’yo, hindi ba? Sa katunayan, may makukuha ka na benepisyo rito — hindi lang ako, kundi ikaw rin. Hindi mo kailangan ibenta ang sarili mo; you’re already mine, Asha. Do you understand? You belong to me now." Sa mga salitang ito, hindi nakapagsalita si Anatasha at nagbabadya ang kanyang mga mata sa lalaking nakatayo sa harapan niya. "What kind of madness is this? Has this man lost his mind? How can I be his?" bulong sa isip niya. Nakakatakot ang tingin, para siyang halimaw. Ang kanyang mga mata ay tila may kapangyarihang nakakagimbal. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makatagpo ako ng isang lalaki na katulad niya." Oo, alam niyang nagkaroon siya ng mga isyu sa kanyang trabaho. Maraming reklamo ang natatanggap niya mula sa mga kostumer na nagrereklamo dahil madalas niyang iniiwan sa ere ang mga ito, lalo na kapag maliit ang bayad. Ngunit sa puntong ito, tila wala nang pagkakataon si Anatasha na makatakas mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Bryce. Gulat na nanlaki ang mga mata ni Anatasha nang bigla siyang buhatin nito at ipinatong sa glass table, at sa hindi inaasahang pagkakataon, diritso niyang nahagkan ang kanyang mga labi. "Stop, don’t pull away. You know what happens next," malamig na sabi ni Bryce nang kumalas si Anatasha mula sa mahigpit na bisig nito. "What do you mean?" tanong niya. Bryce’s smirk hinted at something more complicated and layered. Ang kanyang mga mata ay tila nag-aapoy. Mas lalong lumakas ang pagtibok ng puso ni Anatasha nang maisip sina Zai at Zaira, ngunit biglang nahatak ang kanilang atensyon sa bumukas na pinto. Tumikhim si Brix habang naglalakad papunta sa mesa. Agad namang bumaba si Anatasha mula sa mesa at nagmadaling umalis sa loob ng kwarto. "You scared her? Huwag mong sabihin na pumunta ka rito para takutin ang mga tao ko?" mapangbirong sabi ni Brix habang tinitigan niya si Bryce na puno ng inis. Matalik na magkaibigan at magpinsan sila Brix at Bryce; sabay silang lumaki. Magkakapatid ang ina ni Bryce at ang ama ni Brix, kaya malapit sila sa isa't isa. Alam ni Brix ang galaw ni Bryce, lalo na pagdating sa mga babae. Hindi ito nag-aaksaya ng oras kapag gusto niya; kinukuha niya kahit anong paraan makuha lang ang gusto niya. "Akala ko you don't like Asha, bro? Pero bakit iba ang naaamoy ko ngayon?" "Hindi ka naman pumupunta rito. Sa tingin ko, Asha did the best performance last night, didn’t you? Kilala kita, bro; hindi ka maglalaan ng oras sa isang babae kung hindi mo naabot kagabi ang tuktok ng langit," dagdag pa nito na may kasamang nakakalokong ngiti. "Who told you I like her? She's f*****g stuff; I just want to play with her, okay?" inis na sagot ni Bryce. Alright, don’t be angry; I was just joking. By the way, kumusta ang negosyo mo? Seryosong tanong ni Brix. "Oh, everything is good here. Your bar seems to be in a good mood," casual na sagot ni Bryce. Brix chuckled bago nagsalita, "Yeah, laging sikip! Nakita mo naman how it's going here. I think nagustuhan mo ang bar na 'to, bro." "So, anong meron? Napaaga yata ang pagpunta mo rito?" Brix inquired, a sly grin creeping onto his face. "Oh, alam ko na, dahil kay Asha, right? You're falling for her?" Agad napaangat ang ulo ni Bryce ng marinig ang pangalan ni Anatasha. "That woman? She's interesting," Bryce replied directly. Brix noticed the shift in Bryce's demeanor and couldn’t help but tease. "Oh, so you find her interesting, huh?" Agad sinalubong ni Bryce ang mga matang mapanglarong ni Brix habang sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito. "Oh, where are you going, bro?" tugon ni Brix nang humakbang si Bryce patungo sa pinto, tila nawawala sa pag-iisip. Ang totoo, kahit siya ay hindi lubos na maintindihan ang sarili, marami na siyang nakasamang babae, ngunit walang sinuman ang nakaapekto sa kanya tulad ng kay Anatasha. Ito ang unang pagkakataon na natagpuan niya ang sarili na pumunta sa bar para lamang makita ang isang babae pagkatapos ng isang di-malilimutang gabi na magkasama. "Yeah, she did," pag-amin niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD