CHAPTER 3: Lacxson Corpuz

1199 Words
VANNA'S POINT OF VIEW "Naiihi na ako, Brylle." Wika ko sa kaniya habang siya ay nagmamaneho. Kakatapos lang ng klase namin. Kanina pa ako nagpipigil ng ihi, hindi naman ako maka-jingle sa comfort room ng university kasi ang haba ng pila. Kaya ngayon, napapasayaw na lang talaga ako dahil ihing-ihi na talaga ako. "Stop tayo sa restaurant?" Tanong niya. "I-Ikaw bahala. Please bilisan mo." Hindi na siya nagsalita. Binilisan niya lang ang pagmamaneho patungo sa pinakamalapit na restaurant dito. Pagka-park niya ay kara-karaka akong tumakbo papunta sa loob. "Ma'am!" Rinig kong sigaw ng security guard sa akin pero hindi ko siya pinansin. D*mn ihing-ihi na ako. Tumakbo ako patungong comfort room kaagad. Mabuti na lang hindi nakakalito ang restaurant. Kahit first time ko lang dito, alam ko na kaagad kung saan located ang comfort room nila kasi nga hindi nakakalito. Pagkatapos kong ilabas ang lahat-lahat, nakangiti akong lumabas ng comfort room at doon ay nabigla ako dahil napapalibutan ng security guard ang labas ng comfort room. Napakunot ako ng noo. "Ano pong nangyayari?" Tanong ko sa isang security guard na malapit sa akin. Ang sama ng tingin niya sa akin kahit wala akong ginawang masama sa kaniya, "Ma'am, maari po bang tumalikod muna kayo at ibigay niyo sa amin ang bag niyo?" Tanong nito which stunned me. "Ha? Bakit?" "Dahil lumabag kayo sa batas." Sagot niya. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil hindi ko naman alam ang pinagsasabi niya. Anong nilabag ko? Oi, ang bait-bait ko ah. Kaagad na may babaeng security guard ang lumapit sa akin suot ang masungit na mukha at pagkatapos ay kinapa-kapa niya ako. Kusa na lang napapataas ang dalawa kong braso na para bang sumusurender. Feeling ko tuloy may masama akong nagawa. Bakit ba nila 'to ginagawa? Tsaka, teka, nasaan ba si Brylle? My savior, where is he? "Clear, sir." Reporta ng babae sa isa pang security guard matapos na kapain ako. Ilang sandali pa ay may lalakeng naparito sa amin. Kaagad na bumagal ang takbo ng oras ko nang makita kung sino iyon. Napakagwapo niya at wala na siyang suot na salamin sa mata. Sh*t. Kusang napapangiti ang malandi niyong ate. Siya 'yung lalake kanina sa library. Ano ang ginagawa niya rito? "What is going on?" Tanong niya sa mga gwardiya. "Sir, biglang pumasok po itong babae na ito nang hindi man lang nagpapa-check sa guards." Reporta ng babaeng gwardiya sa masungit na tono sabay bigay sa akin ng matulis na tingin. Luh, ang sungit. Tumango ang lalake na schoolmate ko at binigay sa akin ang seryoso niyang tingin, "Bakit ka naman po miss pumasok kaagad nang hindi nagpapa-check?" Tanong niya sa akin na para bang hindi ako kilala. Na para bang hindi siya naging mabait sa akin kanina. Napalunok na lang ako at napapikit-pikit, "A-Ah, kasi najijingle na talaga ako kanina. S-Sorry." Sabi ko sabay yuko. Ramdam kong medyo natatawa siya dahil sa sagot ko, pinipigilan niya lang matawa. Malakas ang feeling ko. "Sige na, thank you guards, maaari niyo na kaming iwan. Ako na ang bahala." Wika nito kaya napatingala ako sa kaniya. Isa-isa nang nagsi-alisan ang mga gwardiya hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa tapat ng comfort room. Taimtiman niya akong pinagmasdan kaya naman nakaramdam kaagad ako ng pagkailang. "S-Sorry!" I said sorry once again at binaling sa ibamg direksyon ang tingin ko because I feel like blushing for no reason. Nakakailang masyado. I heard him giggled a little, "Ayos lang, gano'n lang talaga ka-strict ang mga gwardiya rito. Iniiwasan nila ang mga masasamang tao na makapasok sa loob." Wika nito. "G-Grabe naman. Naiihi lang 'yung tao eh." Sabi ko. Ngayon ay nakatingin na ulit ako sa kaniya. "Hindi naman nila alam eh, loyal lang talaga ang mga gwardiya." Aniya. I shrugged and said, "Kung sa bagay... Sorry talaga ah? Hindi na mauulit. Hindi na ako lalabag. Promise magpapa-check na ako next time." Muli siyang natawa nang mahina, "Ayos lang, anyway, I am Lacxson Corpuz. Nagtatrabaho ako bilang manager sa restaurant na ito. Sorry sa attitude ko kanina ha? I have to be intimidating kasi manager ako eh." Wika nito na siyang nagbigay ng liwanag sa akin. "Manager ka? Paano mo ito naisasabay sa pag-aaral mo?" Chismosa kong tanong. "Mapagkakatiwalaan ang supervisor ko. Habang wala ako, siya muna ang namamahala rito kaya nagkakaro'n pa ako ng time mag-aral." Aniya na siyang ikinatango ko. "Ahh, amazing. Nakaka-proud ka naman. At a young age manager ka na kaagad." Sabi ko. "It's because of the family background lang." Sabi niya sabay pumakawala ng mapaklang ngiti. Napakamot ako sa batok ko, "A-Ah, ako pala si Sylvanna Gomez." Nahihiya kong pagpapakilala sa sarili ko. Ayaw ko na itanong 'yung tungkol sa family background niya. Tama na 'yung pagiging chismosa ko kanina. Dapat once a day lang tayo maging chismosa. Anyway, Addison is not my family name. May rason kung bakit 'yan ang ginagamit ko. Sooner, ilalantad ko. Ngumiti siya at iniabot ang kamay niya sa akin, "Nice to meet you." Tinanggap ko ang malambot niyang kamay and we shook our hands. "Sa susunod magpapa-check ka na ha?" Natatawa niyang sabi sabay kumalas sa pagkakahawak sa akin. Natawa ako nang mahina at nahihiyang tinakpan ang bibig ko, "Opo, sorry talaga ulit sa abala at thank you sa pagpaparaya sa libro kanina." Sabi ko. Huminga siya nang malalim, "You are welcome. Anyway, free ka ba tonight?" Tanong niya na siyang nagpatigil ng oras ko. Mas lalo kong naramdaman ang panginginit sa aking pisngi, is he asking for a date? Or napaka-feeling ko lang talaga? HAHAHA. "O-Oo naman. Why?" Nauutal kong sagot. "Can we have a dinner?" Sh*t. Kaagad na lumakas ang kabog ng puso ko nang tanungin niya sa akin ito. He is way too cute to have a dinner with someone like me. I have dated a lot of guys but he is different from them all. He looks gentlemen and sweet and there is really a certain different about him apart from that. Hindi ko lang masabi kung ano. Nahihiya akong tumango, "S-Sure." Sabi ko habang nilalaro ang paa ko sa sahig dala ng sobrang kahihiyan. Nahihiya ako na kinikilig. Ewan ko ba. Feeling ko mai-in love na naman ako. Another ex na naman ba? Baka tama si Brylle. Anyway, kung gano'n man ang mangyayari, ayos lang. Tatanggapin ko ang lahat wether it is pain or happiness. Napangiti siya nang matamis, "Thank you." Sabi nito. Napangiti rin ako at magsasalita na sana ngunit kaagad kong nakita ang presensya ni Brylle sa likod ni Lacxson. Walang bakas ng ngiti ang makikita sa labi niya. Masungit lang siyang nakatingin sa akin. Ano bang problema niya? "Ah, Brylle, si Lacxson pala." Pagpapakilala ko sa kaniya. Tumalikod naman si Lacx nang makita niyang nakatingin ako sa likuran niya. Kita kong ngumiti siya kay Brylle at si Brylle nama'y halatang napilitan lang ngumiti pabalik. Nagkamayan silang dalawa at sabay silang humarap sa akin. "What took you so long?" Tanong ni Brylle sa akin after they get to know each other. Napakamot lang ako sa batok ko at si Lacx naman ay natawa, "K-Kasi.. may nilabag ako eh, pumasok lang ako kaagad sa loob nang hindi nagpapa-check sa gwardiya." Sabi ko na ikinatango ni Brylle. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD