Chapter 8

1700 Words
*Kinahapunan* Hindi ko alam kung anong klasing moves yung ginawa ko matakasan lang yung mag pipinsan. Mabuti nalang at nakauwi ako ng hindi sila nakikita. "Na impake na namin lahat ng gamit mo anak." Bungad ni mama sakin pag pasok ko ng bahay. "A-ano po, teka lang ma. Talaga bang pumayag kayo sa gusto ni Lolo Jones na tumira ako sa mansion kasama yung apat nyang apo?" Inis na tanong ko dito. "Oo anak, wala namang masama dun diba? Isa pa dalaga kana. Pwede kana nga mag asawa after graduation nyo." Nakangiting wika nito kaya napa poker face nalang ako. Mukang wala na talaga akong magagawa. Na kumbinsi ni Lolo si mama at papa na patirahin ako sa mansion. Ano kayang inoffer ni lolo Jones sa magulang ko. Hindi kaya tinakot nya ito mapapayag lang sila? "Ma, tinakot ba kayo ni Lolo Jones para lang mapapayag kayo ni Papa sa gusto nya?" Seryosong tanong ko dito kaya napakunot ang noo nito. "Anong pinag sasabi mo dyan na tinakot. Baka ang Lola Susan mo ang na nakot samin ng dad mo!" Pag correct ni mama sa sinabi ko. "A-anong si Lola Susan?" Naguguluhang tanong ko. "Tinakot nya kami ng daddy mo na itatakwil nya kami. Na hinding hindi nya na kami kakausapin hangang sa mamat@y sya!" Wika ni mama kaya napakamot ako sa ulo ko. Bakit ang mga matatanda, ang hilig mag bitaw ng ganung mga salita. Ang hilig nilang manakot, parang dinadaan nila sa ganung usapan para lang mapapayag nila yung mga mahal nila sa buhay. "Kilala mo naman kami ng papa mo, ayaw naming mangyare yun. Kaya kahit masama ang loob namin, pumayag na kami. Nangako naman si Mr Jones na aalagaan ka nila sa mansion." Nakangiting wika ni mama kaya napa buntong hininga nalang ako. "At sa araw na makapili kana sa mag pipinsan. Tandaan mong mabuti, puso ang pakinggan mo at hindi ang isip. Dahil kapag puso ang ginamit mo, mapapasunod mo ang isip." Nakangiting wika ni mama. Hindi pa naman ako na iinlove kaya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni mama. Paano pala kung wala sa apat yung magiging 1st love ko, or yung makatuluyan ko? Posible yun diba? Ano nalang kaya ang magiging reaksyon ni lolo Jones? "Nandyan na pala ang sundo mo anak." Wika ni mama kaya napatingin ako sa pintuan namin. Nakangiting pumasok si Lolo Jones at ang assistant nito. "Ready kana ba sa pag lipat mo sa mansion iha?" Nakangiting tanong ni Lolo Jones. "Seryoso po ba talaga kayo sa bagay na yan Lolo?" Walang pag alinlangang tanong ko. "Oo naman apo, mas mabuti kung titira kayo sa iisang bahay. Alam mo ba yung mga sabi-sabi ng mga taong nakapag Asawa na? Mas makikilala mo ang isang tao kapag kasama mo na ito sa bahay. Tinutulungan lang kita iha para mas lalo mong makilala ang mga apo ko." Nakangiting wika nito kaya ngumiti nalang ako ng alanganin. Wala talaga akong laban sa matandang ito. Talagang matanda na nga sya dahil marami syang alam. "Ngayong araw na din po ba lilipat sa mansion yung mga apo mo?" Nahihiyang tanong ko dito. "Oo Sammie, kapag sinabi ko ay sinabi ko. Kung sinabi ko ngayon, ngayon na mismo at hindi yun pwedeng ipag pa bukas pa." Paliwanag nito kaya napalunok nalang ako ng laway. Ayukong galitin si Lolo Jones or sawayin. Mukang hindi talaga sya magandang galitin. "Mag paalam kana sa mama mo Sammie. Pwedeng pwede nyo naman bisitahin ang isat-isa." Nakangiting wika ni Lolo kaya yumakap at nag paalam na ako kay mama. "Lagi mo kong tatawagan anak huh. Balitaan mo ako sa mga nangyayare sayo sa araw-araw." Nakangiting wika ni mama at hinalikan ako sa noo. "I will mama, mahal na mahal ko kayo ni papa." Nakangiting sagot ko dito at hinatid na kami ni mama sa labas. Nag si labasan na naman ang mga marites naming kapit bahay. "UI Sammie, san ka pupunta, at sino yang matandang mayaman na kasama mo?" Tanong ni aleng Lucia. "Sugar daddy ko po." Nakangiting sagot ko. Nang laki ang mata nito sa sinabi ko. Napansin ko naman ang pag ngiti ni Lolo Jones. Tiyak na kakalat ito sa buong brgy namin. Na si Sammie Lythe Lucero ay sumama na sa sugar daddy nya. Jusme, gusto ko sanang tumawa dahil sa reaksyon ng mga muka ng mga marites naming kapit bahay pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. Gusto kong mag overthink sila ng malala. "Sanya, h-hahayaan mo ang anak mo na sumama sa isang matandang mayaman? Grabe ka, akala ko pa naman matino kang Ina." Wika pa ng Isa naming kapit bahay. Hindi umimik si mama at ngumiti nalang. "Tara na baby ko, ipag sha-shopping pa kita." Wika ni Lolo Jones kaya gamuntik ng mahimatay si Aleng Lucia dahil sa sinabi ni Lolo. "Hahaha!" Sabay na tawa namin ni Lolo. "Itong si Lolo Jones talaga sinakyan pa yung trip ko." Wika ko dito ng makasakay na kami ng limousine nya. "Haha nakita mo ba yung reaksyon nila kanina? Hahaha hindi sila makapaniwala." Tuwang tuwa na wika ni Lolo. "Haha yan po ang napapala ng mga chismosa. Tiyak na pag chichismisan po ako ng buong brgy namin dahil sa nangyare kanina haha." Wika ko dito habang nag pupunas ng luha dahil sa kakatawa. - Pag dating namin ng mansion, hindi pa rin kami nakaka move-on ni lolo sa nangyare kaya bumaba kami ng limousine na tumatawa. "Mukang masaya yung pinag uusapan nyo." Sarcastic na wika ng pamilyar na boses. Sino pa ba, si Harduel lang naman ang KJ na kilala ko sa mundo. "Oo nga, mukang masaya yung pinag uusapan nila kasi maging si Lolo tuwang tuwa." Wika ni Norphil na nakangiti. Nandito na pala yung mag pipinsan. Napalunok nalang ako ng tingnan sila isat-isa. Nawala tuloy yung saya sa puso ko at napalitan ng kaba. Ito na yung katotohanan, kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa ano mang pwedeng mangyare. "Mabuti at nandito na rin kayong apat. Tumuloy na tayo sa loob at may mahalaga akong sasabihin sa inyo." Seryosong wika ni Lolo Jones. Kung kanina ay patawa-tawa ito, ngayon naman ay sobrang seryoso na ulit nito. Nauna ng pumasok si Lolo Jones, sumunod naman si Norphil, Wyatt at Harduel kaya kami nalang ni Lawrence yung naiwan. "I'm so happy na makasama ka dito sa mansion." Nakangiting wika nito kaya napangiti na rin ako. My gosh, yung puso ko kumakabog na naman sa sobrang saya. Para talagang anghel sa bait itong si Lawrence. Hindi ako nag kamali na maging crush sya. "Tama na yang landian nyong dalawa. Nag hihintay na si Lolo!" Agad na nawala yung kilig na nararamdaman ko ng sumingit ang sugo ng demonyo na si Harduel. Kahit kelan talaga napaka papansin ng bwésit na lalaki na to! Inirapan ko si Harduel at padabog akong pumasok sa loob. Kung nakakamatay lang sana ang tingin, kanina pang bumulagta si Harduel sa sahig at wala ng buhay. Nakakainis talaga ang hambog na yun! Para syang pinanganak na kulang sa pag mamahal kaya ang hilig nyang mang gulo ng buhay ng iba. - Nakaupo ako sa single sofa habang yung mag pipinsan ay mag kakahiwalay din ng pwesto. Pansin ko lang din sa kanila, parang hindi ganun ka strong yung bonding nila. Unlike sa ibang mag pipinsan na sobrang mag ka kaclose to the point na pare-parehas ng trippings. "Mamaya na ang alis ko, before that, I want you to know the dos and don'ts dito sa mansion kaya makinig kayong mabuti." Panimula ni Lolo kaya lahat kami ay nakatutok ang atensyon dito. "No 1, Mahigpit kong pinag babawal ang mag pa-party dito. Alam kong mahilig ka dito Wyatt, yung mga biglaang party kahit wala namang dapat i-celebrate." Wika nito sabay tingin kay Wyatt. Napakamot nalang tuloy ito sa ulo. "No.2 hindi kayo pwedeng mag papasok ng kung sino-sino lang dito sa mansion, specially girls. Kung gusto nyong makuha ang puso ni Sammie, tigil tigilan nyo na Wyatt and Norphil ang pang ba-babae." Wika ni Lolo kaya napanganga nalang yung dalawa. "No.3 No fighting! Alam kong ito ang unang beses na mangyayare to. Na mag sa sama-sama kayong apat sa iisang bubong, at alam kong may mga bagay na hindi pinag kakasunduan. Kaya isang tabi nyo nalang muna yung mga hatred nyo sa isat-isa habang nandito kayo sa mansion." Medyo kumplikado talaga tong sitwasyon ko. Siguro naman hindi sila mag-aaway away habang nandito kami diba? "No 4, walang sino mang pwedeng pumasok sa inyo sa kwarto ni Sammie. Maliwanag ba yun!" Madiin na wika ni Lolo. "Yes Lolo!" Sabay sabay na sagot ng mga ito. "Kung gusto nyong mag tagumpay na makuha si Sammie. Gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo, naiintindihan nyo ba ako mga apo?" Nakangising wika ni lolo. Napalunok naman ako sa sinabi nito. Tama bang sabihin Yan ni Lolo habang kaharap ko ang mga apo nya. "Kelan matatapos ang set up na to?" Tanong ni Harduel habang nakikipag laban ng tinginan sa Lolo nya. "Two months lang, at kapag may napili na si Sammie, malayo na kayo." Nakangiting wika ni Lolo. "Pero paano kung wala syang mapili saming apat?" Tanong naman ni Wyatt. "Hindi pwedeng wala, nasa inyo ang pag kukulang pag wala syang nagustuhan sa inyo. Tandaan nyo, puso ang puhunan dito, kaya gawin nyo ang makakaya nyo para mapa-inlove nyo sya." Napayuko ako sa sinabi ni lolo Jones. Nakakadalawa na kasi sya, hindi nya ba alam na nakakailang na itong pinag uusapan nila. Hello, nandito lang ako Lolo, baka pwedeng mag exit muna ako bago nyo yan pag usapan. "Sige na, wala na akong sasabihin. Pumunta na kayo sa mga kwarto nyo." Wika ni Lolo kaya tumayo na yung apat. "Teka lang po Lolo Jones, saan po ba ang kwarto ko?" Nahihiyang tanong ko dito. "Sumunod ka sa kanila, yung kulay pink na pinto ang kwarto mo." Wika ni Lolo at tumalikod na ito sakin paalis. Mukang na pagod si Lolo sa mag hapon. Hindi na ako umimik pa at umakyat na din ako ng hagdan. Sa sobrang laki ng mansion ni Lolo Jones, hindi kaya ako maligaw dito? Nag patuloy lang ako sa pag lalakad. Medyo malayo-layo pala ang lalakarin bago ko marating ang kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD