Konsensya

1614 Words
Sammie's Pov Napakunot ang noo ko dahil sa puting kisame na nakikita ko ngayon. Tiningnan ko ang left side ko at doon ko napag tanto na nasa hospital pala ako. Hinawakan ko ang ulo ko na may benda, nakahinga ako ng maluwag ng mapag tantong buhay pa ako. Maya-maya pa ay may pumasok sa loob ng silid. Nakita ko yung tatlong mag pipinsan kasama si Lolo Jones maging ang mama at papa ko. "Gising na pala sya." Nakangiting wika ni Doc. "Bakit po ako nandito?" Tanong ko sa kanila. Nag katinginan pa ang mga ito. They think siguro na nawalan ako ng memory. Mukang matindi ata yung pag kakabato sakin at hindi kinaya ng clinic ng university kaya isinugod na ako ng hospital. "Sorry for what happened apo, hindi na ito mauulit. Hawak ko na ngayon ang mga pangalan ng gumawa nito sayo, ako na ang bahalang gumanti sayo." Wika ni Lolo Jones. "Lolo, hindi nyo na po kailangang gawin yun. Siguradong nadala lang sila ng damdamin nila." Sagot ko dito. Natatakot lang ako na baka mas lalong magalit sakin ang mga fans ng mga apo nya at mas matindi pa dito ang gawin nila sakin sa susunod. Kaya mas mabuting palampasin ko nalang ito para na din sa ikakatahimik ng lahat. "Sorry kung nahuli kami ng dating Sammie." Wika ni Wyatt na halatang nag aalala ng husto. "Ayos lang yun, ang importante humihinga pa ako ngayon." Biro ko dito. Lumabas si Doc kasama si Lolo Jones at ang parents ko kaya naiwan yung tatlong mag pipinsan. Hindi ko na hinanap si Harduel dahil alam ko naman na walang puso ang isang yun. "May masakit pa ba sayo?" Tanong ni Norphil. "Oo medyo masakit pa rin yung sugat sa ulo ko." Sagot ko dito kaya nalungkot ang muka nito. "Wag na kayong mashadong mag aalala dyan, malayo naman to sa bitula." Pabirong wika ko. "But you almost died, kung na huli pa kami ng dating baka wala kana." Wika ni Lawrence. Ay jusme, kinilig naman ako dito kay Lawrence. Halata kasing nag aalala ito ng sobra sakin, pero kailangan kong maging patas. Hindi porke una kong nakilala si Lawrence sa kanila, ay sya na dapat yung piliin ko. Anu ba yan, bakit yunpa din ang iniisip ko. Nasa ganitong sitwasyon na nga ako inuuna ko pa rin yung pang liligaw nila. Ang totoo nga nyan ay hindi pa talaga nag sisimula ang ligawan. "Excuse lang guys, tatawagan ko lang si Kianna para sabihin na gising na si Sammie." Wika ni Norphil kaya lumabas na ito. "Si Kianna ang nag sabi samin ng sitwasyon mo kaya napuntahan ka namin." Wika ni Lawrence dahil mukang nabasa nya na nag tataka ako kung bakit may contact si Norphil kay Kia. Akala ko pa naman galit sakin ang bestfriend ko. Bumalik na si Lolo Jones at ang parents ko. "Pwede kana ma discharge iha, mabuti nalang at hindi malalim ang naging sugat mo sa ulo. Kung gusto mong hindi muna pumasok, ako na ang bahala na kumausap sa mga professors mo." Nakangiting wika ni Lolo Jones. "Naku hindi na po, kaya ko pong pumasok bukas." Nakangiting wika ko dito. "Sigurado ka ba iha?" Muling tanong ni Lolo. "Huwag kanang mag alala Lolo, nandito naman kami. This time mas magiging alerto kami to protect Sammie." Wika ni Wyatt kaya napangiti ako. Parang nag karoon tuloy ako ng instant body guard, tapos ganito pa kapopogi. Ay sya, feel na feel ko naman. *HARDUEL'S POV* Hindi ako mapakali dito sa bahay. Wala akong balita sa sitwasyon ng babaeng yun, ang alam ko lang ay nasa hospital sya ngayon. "Can you please sit down!" Iritadong wika ng kapatid kong si Hardelien. Hindi ko to pinansin at pinag patuloy ang ginagawa kong pag lalakad sa harapan nya. "Arghh, you're really annoying! Ano ba kasing problema mo!" Muling wika nito. Sa totoo lang mas lalong dinadagdagan ni Hardelien ang pag ka bwesit ko. "Dahil ba to kay Tag Girl? I mean dun sa babaeng gustong ipa-date sa inyo ni Lolo?" Tanong nito kaya agad akong napatingin dito. I think she know something I don't. "Check mo yung pinost ni Lolo sa i********: nya." Nakangising wika nito sakin. Napakunot ang noo ko, sa edad ni Lolo na 72 may i********: ito? Bakit ngayon ko lang nalaman? "Maganda din naman pala itong si Sammie, can't wait to meet her." Wika nito habang may tinitingnan sa phone nya kaya agad kong inagaw ang cp nito para makita ko. "What the F*ck!" Inis na wika ko ng makita ang picture nila sa hospital. Ito yung sinasabi nya na post ni lolo sa IG. Nag groupie sila, napakunot ang noo ko ng makita ang kalagayan ni Sammie. Mukang maayos naman sya dahil nakangiti pa sya sa picture. Pabagsak kong binalik kay Hardelien yung cellphone nya. "Hey, careful naman!" Inis na wika nito at padabog na umalis. Pabagsak naman akong naupo sa sofa. Ano ba kasing ginagawa ko dito sa bahay? Dapat kasama nila ako ngayon at hindi yung nag hihintay dito dito na parang tang@. Sinundan ko si Hardelien sa kwarto nya. "San bang hospital naka confine si Sammie?" Tanong ko dito pero evil smile lang ang sinagot nito sakin. Alam ko ang tumatakbo sa isip ng kapatid ko. She think I was worried about that girl! "Kung sasabihin ko ba, isasama mo ko?" Nakangising tanong nito. "I'm just asking, wala akong balak na pumunta dun!" Inis na sagot ko. "Ok fine, hindi ko nalang sasabihin sayo, hindi ka rin naman pala pupunta." Nakangising sagot nito. She really knows how to tease me. "Sige panalo kana, pero itikom mo yang bibig mo once na nandun na tayo!" Inis na Paalala ko dito, madalas pa naman ay walang preno ang bibig nito once na may gusto syang sabihin. "Hindi nalang kasi aminin na nag aalala sya kay Sammie." Murmor nitong kapatid ko. "Are you saying something?" Nakataas na isang kilay na tanong ko dito. "Wala, mashado ka lang pranking." Wika nito at nag lakad na palabas ng kwarto nya. Hays, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako may kapatid na katulad nya! - Pag dating namin ng hospital agad na ipinag tanong namin sa front desk kung anong room ni Sammie. "Sorry Sir pero wala na si Sammi Lythe Lucero dito, na discharge na po sya kani-kanina lang." Saad nung nurse. "Anu!" Inis na wika ko. "Okey miss, thank you." Si Hardelien na yung sumagot. Hinila na ako nito pabalik sa sasakyan namin. "Akala ko ba nandito pa sila?" Inis na tanong ko dito. "Narinig mo naman yung sinabi nung nurse diba, kakadischarge lang daw. Wala naman sa post ni Lolo kung anong oras ididischarge si Sammie." Sarcastic na wika nito. Hindi nalang ako umimik at pinaandar ko na ang sasakyan ko. Hindi na dapat ako nag abala na puntahan ang babaeng yun. Wala din naman akong mapapala kong makita ko sya. Sammie's Pov -Kinabukasan- "Sammie, bilisan mo na dyan. Nandito na ang mga sundo mo!" Sigaw ni mama na ipinag taka ko. Kinuha ko na yung bag ko at pag dating ko sa sala ay nakangiting bumungad sakin yung tatlong mag pipinsan. "Good morning Sammie, how are you feeling?" Nakangiting tanong ni Wyatt. "Okey na ako, nag abala pa kayong pumunta dito." Sagot ko at palihim na ngumiti. Nak nang, bakit ako kinikilig sa tatlong nilalang na nasa harapan ko? "Nak, I think kailangan mo ng gumawa ng schedule for them. Hindi naman pwede na sabay sabay sila palagi sa pag susundo sayo?" Mahinang wika ni mama sakin kaya napakagat ako sa lower lips ko. Tama si mama, hindi pwedeng palagi nalang silang sabay. Wala naman na akong magagawa kasi ito ang tadhana ko. I need to face the reality alang-alang kay Lolo Jones. "Kay Wyatt nalang muna ako sasabay." Nakangiting wika ko sa kanilang tatlo. "Yes! Oh pano ba yan mga dude, pwede na kayong umalis." May pag yayabang na wika nito sa dalawang pinsan nya. Napailing nalang si Norphil, at napa tango nalang si Lawrence. "Wag ka mashadong mag celebrate dyan, nag sisimula palang ang laban." Wika ni Norphil kaya tumayo na ito. "Ma, alis na po kami." Paalam ko kaya nag paalam na din yung tatlo. Pag labas namin ng bahay, naka helera yung mga sasakyan nila sa tapat ng bakuran namin. Napakamot nalang ako ng ulo dahil pinag titinginan kami ng mga kapit bahay namin. "Let's go Sammie" Nakangiting wika ni Wyatt at pinag buksan pa ako nito ng pinto ng kotse nya. Nauna ng umalis si Norphil at Lawrence, parang ini-scortan nila yung kotse ni Wyatt. "Gusto ko lang malaman Sammie, paano ba kayo nag kakilala ni Lolo at gustong-gusto nyang isa samin ang makatuluyan mo?" Seryosong tanong ni Wyatt habang nag mamaneho. "Sa Mindoro, nag babakasyon ako sa lola ko tuwing summer. Naging matalik na mag kaibigan si Lola Susan ko at ang Lolo nyo. Kaya sa tuwing nag babakasyon ako, kasama si lolo Jones sa mga binibisita ko. Sabik din kasi ako sa Lolo kaya naging malapit talaga kami sa isat-isa ng Lolo nyo." Nakangiting kwento ko dito. "Ganun pala, mukang mas close at kilala mo si Lolo kesa samin na tunay nyang mga apo." Wika nito kaya napatingin ako sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" "Ang totoo kasi nyan, hindi si Lolo yung tipo na malapit samin. Pinapatawag nya lang kami kapag may kailangan sya or kapag may event. Wala syang favoritism samin. Mas kinakatakutan pa nga namin sya kesa sa mga parents namin. Kaya ayaw naming ma disappoint sya samin." Nakangiting wika nito habang nasa daan ang tingin. Ganun pala, kahit siguro ako. Kung may huling kahilingan ang mahal ko sa Buhay. Gagawin ko ang lahat mapasaya lang ito. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD