Sabihin niyo… Bakit nauwi sa ganito ang lahat?! Balak ko lang naman mag star-gazing kanina tapos nauwi sa sobrang nakakabaliw na misunderstanding! Napagkamalan akong girlfriend ng isang abnormal na demonyo na nagiging anghel! Kasalukuyan akong nasa dining room ng bahay nila Xavier. Grabe, ang haba-haba ng lamesa. Tapos ang daming pagkain. Chocolate cake, chocolate drink, chocolate rice(?), lechong manok in chocolate flavour, chocolate—argh wait lang! Bakit puro yata chocolate ang nakahain dito?! Yung totoo, mga chocolate lover ba ang nakatira dito?! Well…chocolate lover din naman ako kaya okay lang. Nakaupo ako directly sa opposite side ni Xavier. Samantalang nandoon nakaupo sa master chair ang kanyang Daddy. Huhuhuhu! Sobrang awkward… Kanina pa nangingibabaw ang katahimikan dito. F

