[Zed’s POV] Kararating lang ni Emi dito sa bahay. Nakasuot siya ng maikling short with long knee socks, at sports jersey. Ang cute niya ngayon, at mukhang malaki na ang pinagbago niya simula noong una ko siyang nakilala. Dati kasi parang palaging kinagagalitan ng mundo ang kawawang babaeng ito. Palagi na lang siyang inaaway, may sugat, mag isa, at umiiyak tuwing makikita ko siya. Nagulat nga ako nang sinabi niya sa akin noon na ako ang unang taong nakapansin sa kanya. Ewan ko nga lang kung naalala pa rin niya yun sa ngayon. Isa akong soccer protégée. Bata pa lang ako eh nakikitaan na ako ng galing sa soccer. Kaya nga nung unang araw na nameet ko itong si Emi, at ako ay nagpakilala as their coach, napagkamalan akong manloloko. Kahit anong paliwanag ang gawin ko, walang gustong maniwala

