Balot…Balot…Balot… Mga magaganda at gwapo…balot kayo diyan oh. Habang kumakain ng kunwari ramen (pero lucky me chicken flavour with egg lang naman)… Nagsilakihan ang aking mga maala-ninja na tenga nang aking mapakinggan ang boses ng balot vendor, Uwaaa…favourite ko pa naman yung balot… Kaya naman wala ng tanong-tanong at kaagad akong bumaba, Not to mention na lahat daw ng bibili eh magaganda. Eh siya’t maganda ako. Bwahaha! Hoy, walang aangal! Bihira na pa naman ang nagtitinda ng balot sa ngayon. Naubusan na siguro sila ng itlog. Present time nga naman oh. Pati itlog nagkaka ubusan na. Waaa…buti na lang naabutan ko pa si Manong Balot. Nagsibilihan kasi yung mga maglalasing na nag iinuman dito sa katapat na tindahan eh. Biruin mo yun, pati maglalasing may silbi rin pala kung minsan

