[Emi’s POV] Hello mga mahal kong tagasubaybay! Na-miss niyo ba ang malupet na point of view napakagandang si Emi? Bwahahaha! Eto na ulit siya! Ang boring ng point of view nung ibang characters eh. Si Ayla masyadong harsh, si Zed masyadong madrama, samantalang si Akuma naman eh...ah ano ba yung sa kaniya? Ah nevermind. Oh siya’t eto na, baka kung saan-saang universe na naman ako makapunta at mapahaba itong introduction ko. Hey guys, Ahmmm… Pwedeng magtanong? A-….waaaa! Huwag na lang pala! Nahihiya ako! Mahiyain kasi ang Ate Emi niyo eh. H-hoy! Ano yang tingin niyo na yan? Waaaa! Dapat pala di ko na lang sinabi. Yan tuloy na-curious ang mga tsismosa at tsismoso niyong utak. Okay, para maging fair…sige na nga, sasabihin ko na. Pero promise niyong wala kayong pagsasabihan ng itatanon

