Maaga akong nagising mula sa masarap na pagkakatulog. Iyon na ata ang pinaka relaxing na tulog ko sa tanang buhay ko. Mabuti nalang ay walang lamok, hindi na siguro kinayang liparin ang taas ng kwarto. Bumangon ako sa kama hindi para gawin ang morning routine ko kundi para igala muli ang aking mata sa magandang tanawin na nasa aking harap.
Hindi sumagi man lamang sa isip ko na ganito pala kaganda ang lugar na pupuntahan ko, napilitan akong sumama kay Lola dito dahil wala akong choice. Wala akong makakasama sa bahay namin sa maynila, si nanay Rosa ay hindi maaring mag-stay sa bahay namin dahil nag-karoon ng magandang trabaho ang kanyang anak, kaya't siya ang magaalaga sa dalawang apo. Hindi ko na hinadlangan pa dahil alam kong masaya siya kapag kapiling ang mga ito. Every week nanay Rosa visits our house to clean. That's exactly what she wants, she says it's like her second home. Kung kaya ay hindi niya kayang pabayaan ito, lalo na habang nasa malayo ako. Though may iniwan kaming trusted security sa bahay para mag-bantay.
Natigil ako sa aking pagmumuni-muni dahil sa katok na nagmumula sa pintuan ng aking kwarto. It was my grandmother's helper. She opened the door when she heard my response.
"Ma'am Eleanor Kalila, pinapatawag po kayo ng Lola nyo. Agahan na raw po." Banggit niya. Napatawa naman ako sa tawag niya sa akin.
"Okay po, susunod na po ako. Thankyou." Ngumiti siya at ang pagba-balak na ilapat ang pinto ay hindi natuloy nang magsalita ulit ako. "Ate Ising, tama po ba? Elka nalang po ang itawag niyo sa akin, masyado pong pormal kung may Ma'am at buong pangalan ko pa." Sambit ko sabay ngiti sa kanya. Gumanti naman siya ng ngiti sabay tango.
Nang matapos ang aming agahan ay kinausap ako ni Lola tungkol sa aking page-enroll dito sa Adriatico. Sinabi niya sa akin na hindi advanced katulad sa manila ang mga eskwelahan rito, sa isang agricultural school ako magaaral. Noong una ay hindi ako palagay sa eskwelahang iyon dahil wala akong alam sa agrikultura, ngunit nang makitang ganito kaganda ang lugar na ito'y nagustuhan ko na rin ang mag-aral rito, o kahit saan pa basta dito sa Adriatico. Wala pa akong isang linggo rito pero napamahal na ako.
"Apo sasamahan ka ni Rico sa eskwelahan mo. Kaya mag-madali ka at maya-maya'y narito na iyon." Pinaliwanag sa akin ni Lola lahat ng aking gagawin, hindi ako sanay na pumunta sa eskwelahan para mag-enroll, ang enrollment namin sa dati kong school ay through online. Nagpaalam akong magpapalit lamang ng formal na kasuotan para sa pagpunta sa school. Paglabas ko'y nakangiting mukha ni Lola ang nabungaran ko.
"La, sino po si Rico?" Tanong ko dahil hindi ko nga pala iyon kilala. Lumapit si Lola sa akin para igiya ako sa upuan sa salas. Hinaplos niya ang mukha ko at sinuklay-suklay ang aking buhok.
"Siya ay binatang kapatid ni Ising, paminsan ay narito iyon para tumulong sa gawaing bahay ngunit ngayon ay hindi muna dahil nais ko'y mag-enjoy siya sa sembreak nila. Pero pinakiusapan ko siyang baka maaring samahan ka niya sa pageenroll mo dahil sa iisang eskwelahan din naman kayo." Tahimik akong nakikinig sa sinasabi ni Lola nang may narinig akong dumating na sasakyan.
Tumayo si Lola para puntahan ang dumating, tumayo na rin ako, kinuha ang gamit na aking kakailanganin. Hindi ko na hinintay na tawagin ako, kusa na akong bumaba kung nasaan sila. Pinakilala sa akin ni Lola at ate Ising si Rico. Ngumiti ako sa kanya at pormal na nagpakilala. Mukha naman siyang mabait, may magaan ding ngiti sa kanyang labi.
"Tara na?" Anyaya nito na pinaunlakan ko. I can't help but to feel excited about going out. I'm pretty sure there are more beautiful places around.
-
Natapos ang enrollment na hindi naman ako nahirapan dahil hindi karamihan ang estudyante sa araw na ito. May nakasalamuha akong ibang palakaibigang estudyante, kinausap nila ako at nang malamang may parehas kaming kurso ay sinabay na nila ako. Habang si Rico naman ay nasa may isang gilid na maaring tambayan, sabi niya'y doon na lamang niya ako hihintayin. Nakita ko ring may nakasama siyang mukhang mga kakilala o kaibigan niya.
"Ah. Rico." Nahihiyang lumapit ako sa grupo ni Rico at mga kaibigan niya. Halos sabay-sabay silang lumingo kung saan ako nakatayo. Awkward man pero ngumiti ako.
"Tapos kana Elka?" Nakangiting tanong sa akin nito. Tumango ako sa kanya, pinakilala niya ako sa mga kasama.
"Hi Elka. Kaibigan kami ni Rico." Sabay-sabay na pakilala ng mga ito sa akin, napatawa ako dahil walang nahuli o nauna sa kanila.
"Oh mga par, uwi na kami. Adios!" "Ah. Alis na kami, bye sa inyo." Paalam naming dalawa ni Rico sa kanila.
Ramdam ko ang preskong hangin habang naglalakad kami palabas ng eskwelahan. Mukhang malilibang ako dito, hindi ko alam na ang mga puno, preskong hangin at maaliwalas na lugar pala ang makakapag-tigil sa kasabikan ko sa manila.
Pagdating namin sa bahay ay nagpaalam at pasalamat na ako kay Rico. Nag-enjoy ako sa daan pauwi, ang dami niyang kwento tungkol sa magaganda pang lugar dito. Nangako pa siyang minsa'y dadalhin niya ako roon. Marami rin siyang baon na jokes. Sa konting oras ay nagkakilala na kami. Masaya akong naging kaibigan ko sya.
Madaling-madali akong umakyat ng bahay at pumuntang kwarto para makapag-palit ng damit. Nagpaalam ako kay Lola na mamamasyal ako, pinaalalahanan naman niya akong wag lalayo. Nilibot ko ang lugar dito sa malapit lamang sa bahay, pero wala palang bente minuto'y naramdaman kong unti-unti pumapatak ang pinong ulan sa aking balat. Kaya naman natatawa akong tumakbo ulit pabalik ng bahay. Naabutan ako ni Lola sa b****a ng bahay, may handa siyang alcohol para malagyan ako sa aking bunbunan. Hindi ko alam kung para saan, pero bata palang ako ay ganito na din ang ginagawa ng magulang ko sa akin tuwing maabutan ako ng ulan.
"La, dun lang po muna ako sa terasa sa likod bahay ah." Pilit man akong pinagpapalit ni Lola ng damit ay hindi ko na ginawa, hindi naman ako nabasa dahil hindi pa ganoong kalakas ang ulan.
"Mahal na mahal mo talaga apo ang ulan, ano? Osya ikaw ang bahala. Masarap matulog kapag ganitong panahon kaya ako'y roon muna sa silid ko." Paalam nito sa akin.
Sabik na sabik akong pinagmamasdan ang paglakas ng ulan. Bawat bagsak nito ay nagbibigay ingay mula sa bubong ng tahanan. Gaya ng indayog ng mga puno sa lakas ng hangin ay nagbigay indayog rin ito sa aking puso, naghahatid ng sayang hindi ko mawari kung para saan, tila ba hinehele ako nito kahit saan man lugar ako madatnan. Bata palang ay gustong-gusto ko na ang ulan.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid, natawa pa ako sa sarili ko dahil ngayon ko lamang napagtuunan ng pansin ang dalampasigan na nasa harap ko, kitang-kita ko rito ang bawat hampas ng alon sa buhangin. Ang ngiti ko'y napawi bigla nang dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa isang parte ng buhanginan. Napalingon siya sa kinatatayuan ko at nagtagpo ang aming mata, nagdulot iyon ng matinding kilabot sa akin, ramdam na ramdam ko ang pagtambol ng aking puso. Napawi ang sayang nararamdaman ko at napalitan ng walang kapantay na kaba. Bakit?
Walang bumibitiw sa titigan naming dalawa. Hindi ko rin mawari kung bakit hindi ko magawang magbitiw ng tingin. Hindi kalayuan ang pwesto ko sa kinauupuan niya, kaya mula rito ay pansin ko ang pagiging malamig ng tingin nito, ang kanyang mata ay tila nagyeyelo kahit hindi ko man lubusang makita, pero iyon ang ramdam ko. Galit ba ito? May mali ba sa ginagawa ko? O baka naman pinagbabawal ang tumingin sa dalampasigang nasa harap ko? Tss. Weird naman kung ganoong bawal nga.
Hirap mang kumawala sa titigang iyon, pinilit ko pa ring gawin. Sa pag-bitiw ng tingin ko rito ay ang pag-alpas ko naman ng mahabang hangin, diko akalain na sa ilang minuto naming nagtitigan ng lalaking iyon ay sya ring hirap ko sa paghinga. Umatras ako mula sa kintatayuan ko at madaling naglakad papasok ng bahay. Hindi ko na magawang lumingon pa. Pumunta ako ng kusina para uminom ng tubig, para akong nauubusan ng hangin sa katawan dahil sa tagpong iyon. Nanginginig pa ang aking kamay habang nagsasalin ng tubig.
"Anong nangyayari sa'yo Elka? Bakit nanginginig ang kamay mo? Ako na." Kinuha sa akin ni ate Ising ang pitsel ng tubig at siya na ang nagsalin, sya na rin mismo ang nag-umang nito sa bibig dahil pati ata iyo'y hindi ko magagawa.
"A-ayos lamang po ako. Malamig po kasi ang hangin dahil sa u-ulan kaya po ganito." Muntik ko ng hampasin ang sariling bibig dahil sa pagkaka-utal.
Nagsimula na itong mag-ayos ng sangkap dahil siya raw ay magluluto na nang para sa hapunan. I asked ate Ising if I could help pero tinawanan nya lang ako at sinabing ipahinga na lamang ang nanginginig ko kamay. Pinamulahan ako ng mukha roon, para bang sa sinabi niyang iyon ay nahuli ako nito sa isang bagay na ayaw kong ipaalam sa iba.
Madali akong pumasok ng silid ko para ayusin ang sarili at isip. Pagkalipas nang siguro'y kalahating oras, napagpasyahan ko ng lumabas dala ang isang librong baon ko pa galing maynila. Hilig ko ang magbasa ng nobela tungkol sa history na may halong romance. O kahit wala noon. Kung maari ngang makabalik sa sinaunang panahon ay ginawa ko na.
Matapos ang hapunan ay napag-pasyahan namin ni Lola na magtungo sa terasa sa harap ng bahay para sa kaunting kwentuhan bago matulog. Kinakabahan man ay pinilit ko pa ring itanong sa kanya ang kanina pang humahabag na tanong sa aking isip.
"La? Tanaw po ang magandang dalampasigan sa likod bahay, ipinagbabawal po bang magmasid roon?" Mabilisan kong tanong rito, hindi na ako nagaksaya ng panahon dahil kating-kati na akong malaman.
"Ano ka ba naman apo ko, oh oh. Walang ganoon, malaya mong mapagmamasdan ang dalampasigan ng pamilyang Adriatico kahit kailan mo gusto." Malumanay na saad nito na may kasamang munting ngiti.
"Pamilyang Adriatico? Ang pangalan ng lugar na ito ay mula sa pamilya nila?" Namamanghang tanong ko ulit.
"Oo apo. Ximeno's great great grandfather was a former gobernadorcillo of this town. Ito na rin mismo ang nagpangalan sa lugar na ito ng Adriatico." Tila may naglitawang paru-paro mula sa aking mata. Hindi ko inakalang bukod sa magandang tanawin rito sa Adriatico ay may isa pang bagay ang makakahalina sa akin. Tuloy ay hindi magkanda ugaga ang pwet ko ngayon dahil kating-kati akong malaman ang kasaysayan ng lugar na ito.
Nabitin sa ere ang saya ko ng biglang tumayo si Lola para matulog na. Ramdam ko pa sa kanyang hikab ang magiging masarap na pagtulog. Marami pa sana akong tanong ngunit ipinag-kibit balikat ko na lamang. Mukhang antok na antok na siya. Nag-mano ako rito at nagpaalam na ring papanhik sa aking silid.
Natapos ako sa aking routine bago matulog, paglapat palang ng aking likod sa malambot na kama ay sumidhi na naman ang kaba ko sa naganap kanina sa may harap ng dalampasigan. Kahit anong pambabalewala ko ay sya rin namang pagpabalik-balik nito sa aking isipan. Pinikit ko ang aking mata para sana ay makatulog na ngunit ang matalim na mukha ng lalaking iyon ang aking nakikita. Napatalon ako ng wala sa oras, pinilit kong kumalma. Ginawa ko ang lapat para makatulog na at hindi naman ako nabigo, dahil hindi ko namalayang nadala na rin ako ng antok.
-