CHAPTER 3 : SILENT FEELINGS

2385 Words
Hindi pa rin makapaniwala si athena sa kanyang narinig sa kabilang linya ng cellphone . Kung ano ano ang naiisip ni Athena . Naguguluhan sya . Athena:"si.. sino naman kaya yung babae na yun .." (Salita nya sa kanyang isip) labis parin na naguguluhan si Athena sa mga nangyayare . Napapaisip sya kung may babae ba ang asawa nya kaya sya nagpaka lasing . Tinitigan ng matagal ni Athena si tristan sa kanyang mukha habang ito'y mahimbing na natutulog . Biglang naalala ni Athena ang mga masasayang memories nila ni tristan . Hindi makapaniwala si athena na magagawa sa kanya ng asawa nya iyon . Saglit pa at huminga ng malalim si Athena sabay sabing... Athena:" Siguro wrong number lang yun , syaka hindi naman nya nabanggit mismo yung pangalan ni tristan"( banggit nya sa kanyang sarili ) Athena:" Hindi naman magagawa saken ng asawa ko yun at alam kong mahal na mahal ako ni tristan kaya nga nya ako pinakasalan" Pinapaniwala nalang ni Athena na hinding hindi magagawa sa kanya iyon ng asawa nya . Nagtitiwala parin si athena kay tristan kahit na mayroon ng mga sensyales ang kanyang nakikita mula sa asawa nya . Alam ni Athena sa kanyang sarili na may mali subalit kinikimkim nalang nya ito sa kanyang sarili. Pinapaniwala nya na hinding hindi iyon magagawa sa kanya ng kanyang asawa . bumalik na nga sa ulirat si athena, lumapit sya kay tristan at hinalikan nya ito sa kanyang noo . Athena:" Mahal na mahal pa rin kita tristan " Pagkatapos nun ay bumalik na si athena sa kanyang pwesto upang makapag pahinga sya ng maayos subalit kahit na anong gawin ni Athena na ikalma at gawing komportable ang kanyang sarili ay di pa rin nya maiwasan ang di mapaisip . Athena:" Ano ba yan Athena , Tama na . Di yon kayang gawin sayo ng asawa mo ." ( salita neto sa kanyang sarili ) Huminga ng malalim si Athena , sinusubukan nya paring pakalmahin ang kanyang sarili subalit di nya pa rin maiwasan . Tinitigan nya nalang si tristan ng matagal . Di namalayan ni Athena na may tumulong luha sa kanang mata nya . Agad naman nyang pinunasan iyon at ipinikit nalamang nya ang kanyang mata . Nakatulog na nga si athena ng di nya namamalayan . ~ Maaga nagising si athena, Nakita nyang tulog pa rin si tristan kaya naman naisipan nyang ipagluto nalang ito ng breakfast at ng mababaon bago ito pumasok sa kanyang trabaho . Nilutuan nya ito ng kanyang paboritong pagkain. Nang makatapos si Athena ay agad naman itong naligo nung nakita nyang tulog pa rin si tristan . Maya maya pa ay nakatapos na nga ito sa paliligo at agad namang bumaba . Sakto namang pag gising ni tristan. Athena:"Goodmorning babe " Lumapit si athena at sabay kiss kay tristan. tristan:" teka , anong oras na ba ? " Athena:" its 8:30am ,why ?" tristan:"wait,what?!" napabalikwas si tristan sa kanyang pagkakahiga . tristan:" bakit di mo ako ginising ?!" (pasigaw nito kay Athena) Athena:" Huh? dba sunday ngayon? day off mo today dba ? " tristan:" anong day off? alam mo naman na sobrang importante ng company namin ngayon . Starting today wala na akong day off" Athena:" huh? ganun ba . Akala ko kase sa 1 week mo may isang day off ka para satin "(dismayang sagot ni Athena) tristan:" Mahalaga yung pera Athena , hindi pwedeng bumagsak ang company namin. Alam mo naman na saken ipapamana di dad yun . haysss " Pagkasabe ni tristan nun ay agad naman sya tumayo at dali daling naligo . Nakatapos na nga si Tristan sa lahat ng kanyang ginawa at agad naman itong bumaba para umalis . Kasabay naman ng pagtawag sa kanyan ni athena . Athena:" babe , teka ! eto oh baon mo . Hinanda ko pa yan para sayo " Binigay ni Athena ang pinabaon nyang pagkain para sa asawa nya . tinitigan lang sya ni tristan at kinuha ang pagkain . Athena:" Ingat ka babe , iloveyou" Biglang talikod ni tristan palabas ng kanilang bahay . Masaya si athena na tinanggap ng asawa nya ang pinadala nyang baon . Naisipan ni Athena na maglaba ng kanilang mga maduduming damit . Habang sya ay naglalaba may nakapa syang matigas sa bulsa ng pantalon ng kanyang asawa . Nung dinukot nya ito ay agad naman nyang nakita ang access card ni tristan . Sinubukang tawagan ni Athena ang cellphone number ng kanyang asawa subalit out of coverage area ito . Nag aalala si athena baka kaylangan ito ng kanyang asawa kaya naisipan nya nalang na dalhin ito sa company ng kanyang asawa . Nag ready na nga at pumunta na sya sa kumpanya nila . Nang makarating na sya ay masaya itong naglalakad , Nung papasok na sya sa gate ay nakita nya si tristan sa labas . Sa tapat ng basurahan . Nagtaka si athena kaya naman sinubukan nya itong lapitan . Nang makalapit sya ay natigilan sya sa kanyang nakita ... Athena:" Te..teka , bakit nya tinatapon yung pagkain na inihanda ko sa kanya ?"( naiiyak na sambit ni Athena sa kanyang sarili) Hindi na napigilan ni athena ang lungkot at pagkadismaya ng makita nya na tinatapon lang ng asawa nya yung inihanda nya sanang pagkain para dito . Biglang naalala ni Athena ang sarili habang inihahanda nya mismo ang pagkain na iyon . Sa sobrang sama ng loob at lungkot ni Athena ay umalis na lamang ito at hindi na nagpakita kay tristan . Umuwi si athena na animoy wala sa sarili . Iniisip nya kung bakit biglang nagkaganon ang kanyang asawa. Athena:" Pinaghirapan ko pa naman na lutuin yun para sa kanya pero tinapon lang pala nya " malungkot na tugon nito sa kanyang sarili . Kinuha ni Athena ang kanyang cellphone at sinimulang tignan ang mga litrato nilang dalawa ni tristan nung mga panahon na masaya pa silang dalawa . Bigla nalang naluha si athena . Maya maya pa ay nakaidlip na sya . - Kinagabihan , nagising si Athena na medyo kumakalam na ang sikmura kaya minabuti nalang nya na bumaba at mag luto ng kakainin. Sakto namang dumating si tristan . Masaya itong sinalubong ni Athena na parang walang nangyare . Athena:" Good evening babe , how's work ? " (Bati nito kay tristan) Pinipigilan ni Athena ang kanyang sarili . Tristan:" Okey naman " Athena:" Nabusog ka ba dun sa pinabaon ko sayo ?" Pag tatanung nalang ni Athena kahit na alam nya na ang sagot . tristan:"yup ! ang sarap nga ng luto mo . The best parin " (biglang yakap neto kay Athena) Alam ni Athena na nagsisinungaling lang sa kanya ang si tristan subalit hinayaan nya nalang at Niyakap nya na din ito . Kinuha na nga ni Athena ang baunan ni tristan para mahugasan . Habang nag huhugas si Athena ay di nya maiwasang di mapaluha . Di nya pinapahalata kay tristan na umiiyak sya . Tristan:" Nga pala babe , di ako makakasabay sayo sa kumain ngayong dinner , busog pa ako eh baka magpapahinga nalang din muna ako " Athena:" ganun ba babe ? sayang nagluto pa naman ako ng dinner para sana saten " ( malungkot na tono nito) tristan:" Busog pa kase ako eh , nextime nalang .Need ko na mag rest " kasabay naman nito ang pag akyat ni tristan sa kanilang kwarto . Labis na kirot ang naramdaman si Athena sa mga oras na iyon . Hindi nya mapaliwanag ang sakit na nararamdaman nya . Wala syang ibang nagawa kundi titigan ang mga pagkain at paghugas sa baunan na pinaglagyan nya ng pagkain kasabay ng sunod sunod na pagpatak ng kanyang luha . Sa tagal na nakasama nya si tristan ay ganun na lamang sya kung ituring ngayon . Athena:" May mali ba sa nagawa ko ? bakit ngayon pa "( bulong nito sa sarili ) Sa gabe na iyon , tanging sakit lang ang naramdaman ni athena . Nang matapos na syang maghugas at mag ayos sa baba ay agad naman syang umakyat . pag pasok nya sa kwarto ay wala ang kanyang asawa sa kanilang higaan . Narinig nya na nakabukas ang ilaw at shower sa Cr nila . Inisip ni athena na baka naliligo lang ang kanyang asawa kaya naman minabuti na nitong humiga sa kanila higaan . 15 minute's later ... Nagtataka si Athena bakit ang tagal ni tristan sa cr . Athena:" bakit ba ang tagal nya sa cr haysss " Sinubukan ni Athena na lumapit sa pinto at ng tatangkain na nya itong katukin ay bigla naman syang nakarinig ng boses ng isang babae .. girl: "Baba mo baby plsss hmmm ."( animoy mabagal na pagsambit) girl:"Oww s**t , grabe miss ko na yan " natigilan si athena sa pagkakatayo sa pinto . gusto nya sanang komprontahin ang asawa nya subalit hindi nya magawa . Mahal na mahal ni Athena si tristan at ayaw nyang maging dahilan iyon para mag away sila kaya minabuti nyang kimkimin sa sarili nya ang mga bagay na yun . bumalik si athena sa pagkakahiga sa higaan , maya maya pa ay lumabas na nga si Tristan sa cr . Kaya naman nag kunwaring tulog si Athena para hindi sya mahalata ng kanyang asawa . Pagkahiga ni tristan ay agad naman itong yumakap kay Athena na animoy parang walang nangyare .. kasabay ng pagyakap nito kay Athena ay kasabay naman na pagtulo ng mga luha sa mata ni athena . ----- Tristan PoV: tristan:" Ang tagal naman nya , usapan namin saktong 8pm magkikita na kami dito sa mall " ( inis na sabe ni tristan sa kanyang sarili ) Sinubukan nya mag ikot ikot sa mall para matanggal ang pagka bored nya sa pag hihintay. Tristan:" bakit hindi ko sya ma kontak , bwis*t naman oh ! " ( qiqil na sambit nya) Calling baby *tott tott* tristan:"T*ng*na talaga , ayoko sa lahat yung pinag aantay ako . gumawa na nga ako ng paraan para makapag kita kami tapos di naman pala sisipot " Sa sobrang pagkainip ni tristan ay minabuti nalang nyang umuwe tristan:"bw*sit naman" incoming call baby Girl:" baby andyan ka pa ba?" Tristan:" I've been calling you so many time , bakit hindi mo sinasagot ? " ( inis nitong sagot) Girl:" Busy kase ako kanina sorry , may ginawa lang syaka na lowbat yung cp ko ." Tristan:" hays , ewan ko sayo . uuwe nalang ako . bahala ka sa buhay mo " /Hung up/ Binaba na nga ni tristan ang tawag at syaka dumeretcho pauwe sa kanila . pag pasok nya ay agad naman itong dumeretcho sa kanilang kusina , kumuha ng beer at itinungga . Sa sobrang inis ni tristan ay inihagis nya ang mga nakalagay sa lamesa dahilan para makagawa ito ng ingay .. maya maya ay narinig nya ang boses ni Athena Athena:" babe ikaw na yan ? " walang pakealam si tristan sa kanyang narinig . hindi nya pinapansin si athena kahit na anung pagtatanung nito sa kanya . Hindi na namalayan ni tristan na nakatulog na pala sya . Saktong pag gising nya bumungad na agad sa kanya ang liwanag na nanggagaling sa labas . Athena:" Goodmorning babe "( boses agad ni Athena ang kanyang narinig) tristan:" teka anong oras na ba ?" Athena:" Its 8:30 am , why ?" napabalikwas si tristan sa kanyang pagkakahiga. tristan:"bakit hindi moko ginising '(pasigaw nito jay Athena) Athena:" huh dba ? subday. ngayon ? day off mo today diba ? " tristan:" Anong day off ? alam mo naman na sobrang importante ng company namin ngayon. starting today wala na kaming day off " May day off naman talaga si tristan subalit mas pinili nyang ibigay iyon sa ibang importanteng tao para sa kanya . Athena:" huh ? ganun ba Akala ko kase sa 1 week mo may isang day off ka para saten" tristan:" mahalaga ang pera Athena, hindi pwedeng bumagsak ang company namin. Alam mo naman na sa akin ipapamana ni dad yun . haysss " pagkatapos ni tristan ay agad nman syang tumayo at dali daling kumilos Tristan:" hays muntik pa ako dun , buti nalang nagawan ko kagad ng palusot para di na nya ako tanungin"( sambit nito sa kanyang sarili) Habang naliligo ay agad naman na may tumawag kay Tristan. Incoming call Baby Girl:" baby , matagal ka pa ba ?" tristan:"Dont worry , nag aayos nalang ako " Girl:" Okey , dont forget our lunch ah . Treat ko na since di naman kita na sipot kagabe " Tristan:"Ano ka ba , ako na . alam mo namang mabilis lang mawala yung galit ko sayo , sige na l'll pick you up later . " Girl:" Okey baby , Iloveyou" /Hung up/ Pagkatapos nun ay agad na nga nakatapos si tristan , nagmamadali itong bumaba para makaalis na, nang bigla naman syang tinawag ni Athena para ibigay ang pagkain . Ayaw na sana kunin ni tristan dahil may kasabay naman syang kumain mamaya subalit napilitan na lamang syang kunin para di magalit si Athena sa kanya . Pagkadating ni tristan sa company nila ay hindi sya makapasok dahil nawawala ang kanyang access card , kaya naman minabuti nyang kontakin ang kanyang father para makahingi ng bago . Dahilan para mapagalitan sya ng kanyang father Tristan father:" paano ko ipapamana sayo ang kumpanya kung ganyan ka kumilos " tristan:"Dad , Im sorry . diko alam kung nasaan. Maybe naiwanan ko house but don't worry dahil susubukan kong hanapin" tristan father:" I'll forgive you this time pero sa nextime na mawawala mo ulit yan , hindi ko na alam kung san na kita ilalagay " Sumama ang loob ni tristan pero wala syang magawa . mag la-lunch time na , naalala ni tristan yung pagkain na inihanda sa kanya ni Athena Tinitigan nya ito ng matagal at naalala na may lunch date pala sila Nung babaeng tinatago nya .. Nagdecide si tristan na dalhin pababa ang baunan at ng makakita na sya ng basurahan ay itinapon nya ang laman ng baunan sabay sabing .. tristan:"Kawalang gana kainin tong pagkain hays , ewan ko ba bat nag luluto pa yun . tsk ! bahala sya " kasabay nito ay ang pag ngisi ng kanyang labi . End of tristan pov. -----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD