CONTENT WARNING!!! Please note: The following chapter contains s*xual scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER TWENTY-FOUR ADAM MEADOWS Matapos kong i-print ang mga document sa kuwarto kong okupado rito sa bahay nila, binalikan ko agad si Jazz sa room niya kung saan siya naghihintay sa 'kin. Tahimik lang siyang nakaupo sa paanan ng kama, hawak ang cell phone niya sa isang kamay at sa kabila naman ay ang kinakain niyang pizza. Paglapit ko, ibinagsak ko sa tabi niya ang medyo makapal na mga papel na inipitan ko ng paper clip. "A-Ano 'to?" Kinuha niya 'yon, pinagmasdan ang malaking title sa front page. S*X SLAVERY CONTRACT. May laman pa ang bibig niya pero dahil sa title na 'yon, natigilan siya sa p

