CHAPTER FIFTEEN JAZZLENE "Okay, Mom. Bye. Love you." Ibinaba ko na ang phone ko matapos namin mag-usap ni Mommy. Isang linggo na ang lumipas. Sa buong linggo na 'yon, hindi kami masyadong nag-uusap ni Adam. Simula kasi noong narinig ko 'yong babaeng umuungol no'ng tinawagan ko siya, nahiya na ako sa kaniya. Idagdag pa na halos isang linggo na rin akong may wet dreams. Sa panaginip ko, sa amin may nangyayari. May mga umaga na magigising na lang ako na pinagpapawisan kahit naka-on naman ang aircon sa kuwarto. Ang panaginip kong 'yon ang dahilan kaya hindi ko na siya matingnan nang deretso katulad noon. Simula noon, inaagahan kong magluto ng almusal at dinner, then mauuna na akong kumain para hindi kami mag-abot sa dining. Ipinagtatabi ko na lamang siya ng pagkain niya. Tulad ngayon, may

