CHAPTER TWENTY-SIX JAZZLENE TWO days na kaming hindi nagkikita ni Adam dahil kasama ko sina Mommy at Daddy sa bahay. Anyway, kaya hindi nakauwi agad sina Mom after nilang magpunta sa VIP Art Preview ay dahil kagagawan ng assistant ni Adam. Ang loko, sinabotahe ang sasakyan ni Dad para hindi magamit pauwi. Then, nagpanggap itong taxi driver. Habang nakasakay sa kaniya pauwi sina Mom at Dad, nakita nila ang flyer kuno na sinadyang iwanan ni Ezra sa backseat about sa libreng accommodation sa hotel kapag couple ang mag-c-check in at nasa sampung taon nang nagsasama, with free buffet and other services. Dinaldal ni Ezra ang parents ko at nakumbinsing doon magpahatid kaya safe kami ni Adam noong gabing 'yon. Sa dalawang araw na narito sila, hindi muna umuwi rito si Adam. Ang sabi niya kina

