CHAPTER THIRTY-THREE JAZZLENE LAST week pa nagsimula ang pagpasok namin sa M-Power Hotel bilang on-the-job trainee. Ako, si Leigh at Violet lang natuloy na doon mag-OJT, habang si Camille naman ay talagang pinush sa La Vienna Hotel lalo pa at nakuhanan na siya ng parents niya ng apartment doon na tutuluyan niya. So far naman ay okay ang pananatili namin sa M-Power. Okay, paminsan-minsan. May mga kaklase rin kami na dito nag-OJT at may mga taga-kabilang block din kaya medyo marami-rami kami. Rotation ang nangyayari sa amin sa araw-araw. Minsan ay nasa housekeeping kami, minsan ay sa banquet, sa kitchen, sa bar, front desk, office or sa restaurant. Depende kung saan kami i-a-assign ng manager na siyang in-charge sa mga OJT's. Mababait naman ang ilan sa mga nakakasalamuha naming employee

