KABANATA 06

1061 Words
Elaine's PoV Inis akong umalis at pumunta sa aking kwarto. Hindi pwedeng malamangan ako ng Rhea na iyon. Matapos kong magsuot ay humarap ako sa salamin at halos kahit ako ay namamangha sa sarili kong katawan. Suot ko ang white padded push-up thong two-piece bikini. Kitang kita tuloy ang pisngi ng aking puwetan. Kaya isinuot ko ang crochet white cover up. Paniguradong mapapagalitan ako ni Papa kapag itong bikini lang ang suot ko. Saka ko na ito huhubarin kapag lumangoy ako. Inilugay ko ang maalon kong bukas naglagay din ako ng lipsgloss para hindi magdry ang aking labi. Matapos akong sa mga ka ek-ekan ko ay bumaba na ako. Halos mapairap ako ng makaranig ng mga pagsipol may mga sumubok pang lumapit sa akin pero nilalagpasan ko lang sila. "ELAINE!" Nagulat ako ng marinig ang malakas na pagtawag sa akin ni Papa. 'Yari.' Nakaupo na sila sa sun lounger mukang kakatapos lang lumagoy ni Rhea dahil siya lang ang basa ang buhok. "Bakit ganyan ang suot mo, hindi mo ba nakikita na halos mabali na ang mga leeg nang kalalakihan dito kakatingin sa'yo." Napasimangot naman ako at napatingin kay Matteo kahit naka shades ito alam kong saakin siya nakatingin at halatang masama ang ibinabato niyang tingin dahil sa nakakunot ang kaniyang noo. "Pa naman, malamang po lalangoy ako kaya ganito ang suot ko. Alanganamang naka gown ako." Natawa naman si Rhea. "Abat pinipilosopo mo pa akong bata ka." Mas lalong humaba ang nguso ko. "Hayaan mo na siya Miguel, magdadalaga naman na itong anak mo, natural na sakanila na magsuot ng ganyan. Hayaan mo siyang mag-enjoy." Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi ni Rhea. Masyadong mahigpit si Papa pero naiintindihan ko naman iyon dahil una sa lahat babae ako at ako lang ang nag-iisa niyang anak. Wala ng nagawa pa si Papa. Pero medyo nakaramdam ako ng kaunting inis kay Rhea ng ayain niyang muli si Papa na lumangoy mas lalong nagsalubong ang kilay ko ng makita kung gaano sila kasweet. 'Tsk! Kahit pinagtanggol mo ako kay Papa, hindi parin ako boto saiyo hmp!' "Ay, nyeta!' Gulat ko ng bigla na lang akong hilahin ni Matteo papalapit sa kaniya. Mabilis kong nilingon sila Papa baka makita niya kami na ganoon kalapit. "Ano ka ba naman Matteo, bigla bigla ka na lang nanghihila dyan eh, tapos baka makita pa tayo ni Papa." Busangot kong sabi. "Masyado mo kasi akong ginagalit bata ka, gusto mo talagang mapa-away ang Ninong mo." Nagtaka naman ako sa kaniyamg sinabi. Ininguso niya ang paligid at iyon na nga ang kinagagalit niya dahil karamihan sa kalalakihan ay sa akin ang tingin mapa-Pinoy o foreigner. "Ang seloso mo baby." Malambing kong sambit. Hinila niya ako paalis sa lugar na iyon. "Teka, saan ba tayo pupunta?" Taka kong tanong. "Kung saan masosolo kita," pasimple akong kinilig. Nakarating kami sa pool area kung saan cinelebrate ni Rhea ang birthday party niya. Malawak ang area ngunit kakunti lang ang tao na nag si-swimming dito mas gusto kasi ng iba na sa dagat lumangoy. Naupo si Matteo sa lounge chair kaya agad kong hinubad ang cover-up ko at hinagis sa kaniyang. Hindi na siya nakashades kaya kitang kita ko ang pagkamangha niya sa aking katawan. Maarte ko siyang inirapan at nag dive na sa pool. Napangiti ako ng bumalot ang lamig ng tubig. Nakakamiss magswimming. Naalala ko noong bata pa ako kasama ang mga pinsan ko sa probinsya namin mahilig kaming maglaro sa ilog at kung ano-anong style na pagtalon namin sa ilog ang ginagawa namin. Pero noong lumipat kami sa Maynila ay ni hindi manlang kami nakapunta na sa dagat o ilog palagi ng busy si Papa. Napangiti ako ng makitang tumalon narin si Matteo kaya mabilis akong lumangoy papalayo sa kaniya, ramdam kong hinahabol niya ako dahil sa lakas ng pwersa ng tubig. Napatili ako kaya nagkaroon ng bula. Hinila niya kasi ang paa ko. Parehas kaming nakalubog sa tubig. Hinampas ko siya sa dibdib. Ngunit mabilis niya akong hinalikan agad akong tumugon dahil mauubusan na ako ng hangin. Maya-maya ay umahon na kami sa ilalim ng tubig ngunit nanatili parin kami sa pool. Nasa isang sulok kami habang patuloy sa paghahalikan. "Uuhm.." ungol ko ng kagatin niya ang pang ibabang labi ko. Napahigpit ang hawak ko sa kaniyang braso ng mas lumalim pa ang kaniyang halik halos hindi ko na siya masabayan. Matindi niyang sinisipsip ang aking taas at ibabang labi. Napapangiwi man ay hindi ko na iyon iniinda pa. "Eli-Elaine," tawag niya sa akin ng matapos kaming maghalikan. "f**k, please can you be my girlfriend?" Nagulat naman ako sa kaniyang sinabi. "Damn, kanina nang pinagtitinginan ka ng mga kalalakihan hindi ko mapigilang magselos at magalit, gusto ko na ngang lamutakin sa bugbog ang kanilang mga mukha. Pero ano bang karapatan ko para magselos hindi pa naman kita girlfriend tsk." May himig na irita at lungkot ang kaniyang boses. So totoo talaga nagseselos siya kanina OMG! Kilig na naman ako. Bakit nga ba patatagalin ko pa. Mahal ko na rin naman siya at siya ang unang lalaking minahal ko at minahal ako. "Hmp, mukhang mahihirapan ako sa pagiging seloso ng boyfriend ko." Nakita kong natigila siya kaya mas lalo akong natawa. "What? So sinasagot mo na ako baby?" Napailing ako habang natawa. "Kahit hindi na nga kita sagutin, sa mga ginagawa natin mukha na tayong may jowa eh." Niyakap niya ako at ganoon din ako. "Thank you, baby thank you." "Thank you din at dumating ka sa buhay ko Matteo. I love you." Kita kong natigilan ito pero kita parin ang pagkislap ng kaniyang mata. "I love you too Elaine." *** Bumalik kami sa dagat ngunit napatigil ako kita ko kung paano panlandasin ni Papa ang kamay sa beywang ni Rhea. "Papa!" Galit kong sigaw nakita kong mabilis niyang tinanggal ang kamay. "Saan kaba galing Elaine? Kanina pa kita hinahanap." Imbis na ako ang magsalita ay inunahan na ako ni Papa. "Pre, magkasama kami. Galing kami sa pool area, marami kasing nagtatangkang lapitan itong si Elaine." Ani Matteo. Tumango naman si Papa kaya bumalik sa pagbusangot ang mukha ko. "Papa, ano pong ibig sabihin nito? Kayo na po ba ni Rhea?" Hindi sumagot si Papa. "Saka na natin iyan pag-usapan anak, kumain na muna tayo." *** NAKAPAG-UPDATE RIN:)) SORRY TALAGA DAHIL NATAGALAN. SANA SUPORTAHAN NIYO PARIN ANG STORYA NA ITO. MARAMING SALAMAT. PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD