"Bhe, si Clinton!" Napatili si Liam nang matanaw nito si Clinton sa labas ng bahay nito. Siya naman ay nagkunwaring hindi apektado hanggang sa tumigil na ang kotse ni Liam sa harap ni Clinton. Kababalik lang nila galing sa Cebu. Pagkatapos niyang makausap noon ang Mommy ni Clinton ay agad siyang nag-empake at umalis sa restaurant. Tinawagan niya si Liam at nagpatulong siya rito na makalayo kay Clinton. Ang alam lang ni Liam ay ayaw sa kanya ng Mommy ni Clinton at ikakasal na sa iba ang huli. Hindi na niya sinabi kay Liam na binantaan siya ng Mommy ni Clinton na idadamay ito at pababagsakin ang negosyo nito dahil baka sisihin lang nito ang sarili nito sa paghihiwalay nila ng landas ni Clinton. Sa totoo lang ay natatakot talaga siyang tototohanin ng Mommy ni Clinton ang mga banta nito sa

