"Okay... Hindi na kita pipilitin sa ngayon. But we can start as friends again, right? Let's forget everything from the past if that's what you want. Let's begin as friends again, alright?" Napakurap siya sa sinabing iyon ni Clinton habang ito naman ay may munti nang ngiti sa mga labi. Magsisimula sila ulit? Parang back to zero, ganoon? "Come on! It's my birthday today. Saan mo gustong kumain? It's my birthday treat! Aha! I know a place. Matagal ko na ring hindi nabibisita ang lugar na 'yon dahil ilang taon din akong nanirahan sa ibang bansa." "H-Happy birthday..." Binitiwan na nito ang kaliwang kamay niya at pinaandar na lang bigla ang sasakyan. "T-Teka... Saan tayo pupunta?" Bigla siyang tila nahimasmasan. "To my favorite hangout place before." kumindat nitong sabi sa kanya saka mu

