"Becka, may pupuntahan kami ni Axell na party next month. Sabi niya sumama ka rin daw." Napalingon siya kay Rona mula sa paghuhugas ng mga pinagkainan nila. Masaya siya para rito dahil sa wakas ay mukhang mas ok na ang lovelife nito ngayon kaysa noon. Pero bakit naman kaya isasama pa siya nito at ng boyfriend nito sa tinutukoy nitong party? Kung social life lang, sagana na siya roon dahil madalas silang lumabas ng mga katrabaho niya. Minsan umiinom sila o kaya ay nagfu-foodtrip lang at gala. "Bakit naman kasama pa ako?" nagtataka niyang tanong saka ipinagpatuloy ang paghuhugas. 1 week na lang ay magpapalit na ang buwan. Naalala na naman tuloy niya si Clinton dahil next month na rin ang birthday nito. "Para mag-enjoy ka rin daw tsaka ipapakilala ka raw niya sa friend niya." parang may

