CHAPTER 6

2092 Words
EPHRAIM is observing the fight in front of her. She turned invisible after she helped the woman. The fight in front of her is a fight between good and evil? Napailing si Ephraim saka nakatingin lang sa nangyayari sa harapan niya. Then she saw a man who looks authoritavive. Nanlaki ang mata niya nang makitang nagpakawala ito ng kapangyarihan at tumama ito sa mga kalaban ng mga ito. Nasaksihan niya ang pagkasunog ng mga ito. "King Zachary, the black vampires are all dead. The perimeters are all clear." Sabi ng isa sa mga ito. "Okay." Hinanap ni King Zachary ang asawa at nang makita niya ito. Kaagad siyang nagtungo rito saka niya ito niyakap. "I'm fine." Sabi ni Azleia. "I'm glad." "Someone helped me." Wika ni Azleia at kumalas siya sa yakap ng asawa. Kumunot ang nuo ni King Zachary. "Someone helped you? Who?" Tanong niya at tumingin sa paligid ngunit wala naman siyang makitang ibang tao. "Nasaan ang sinasabi mong tumulong sa 'yo?" Nagtataka niyang tanong. Ngumiti si Queen Azleia. Alam niyang gumamit ng invisibility ang Forest Nymph na tumulong sa kaniya kaya hindi ito makita ng kaniyang kabiyak. "Let's go back to the palace." Wika ni Queen Azleia. "Let's go." Nagalakad si King Zachary at Queen Azleia pabalik ng palasyo. Pasimpleng nilingon ni Queen Azleia ang Forest Nymph. Ngumiti siya nang makitang sumunod ito sa kanila.  Hinayaan ni Queen Azleia ang Forest Nymph na sumunod sa kanila. Nararamdaman naman niyang wala itong balak na masama sa kanila. Sinundan ni Ephraim ang mag-asawa na pumasok sa palasyo.  Talagang kakaiba ang mundo nila sa mundong kinaroroonan niya ngayon. Ito ba ang tinatawag nilang mundo ng mga tao? Tanong ni Ephraim sa kaniyang sarili. Tama nga si Ava. Magulo ang mundo ng mga tao ngunit maganda naman. Napatango si Ephraim saka naglakad papasok sa loob ng palasyo. Nakita niya kaagad ang pinagkaiba ng palasyo na kinaroroonan niya sa palasyo nila. Kung ang palasyo nila ay puno ng mga palamuti na gawa sa mga kahoy. Ang palasyo naman na kinaroroonan niya ngayon ay may chandelier na nakasabit sa itaas at gawa sa ginto at dyamante ang mga nakalagay na palamuti. Ephraim was enjoying herself looking around when she bumped into someone. Nanlaki ang mata niya. Tinignan niya ang palad niya. Naging hangin siya kaya walang nakakakita sa kaniya, hangin pa rin naman siya pero paano siya nakita ng magandang babae na nasa harapan niya. Ngumiti siya. "Hija, hindi ka dapat lumalabas sa mundo niyo." Ani ng magadang babae. "Ah?" Nagtaka si Ephraim. "Bakit po? At nakikita niyo po ako?" Napabuntonghininga si Azleia. Malamang makikita niya ito kahit pa naging hangin ito dahil nananalaytay pa rin sa mga ugat niya ang dugo ng pagiging isang dyosa niya. Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at dinala ito sa silid. "Hija, bumalik ka na sa mundo niyo. Huwag kang manatili rito ng matagal." Maalumanay na wika ni Queen Azleia. Kumunot ang nuo ni Ephraim, "bakit po? Masyado po bang delikado rito?" Tumango si Queen Azleia. "Napakadelikado para sa isang katulad mo ang manatili rito. Hija..." "Ephraim po ang pangalan ko." Sabi ni Ephraim. Napatango si Queen Azleia. "Ephraim, huwag ka ng bumalik rito sa mundo ng mga tao. Okay?" Mas lalong kumunot ang nuo ni Ephraim. "Bakit naman po?" Ngumiti si Queen Azleia. "Sundin mo na lang ang sinabi ko." Napanguso si Ephraim. Naglaho siya at lumitaw sa puno kung saan siya lumabas. Ang portal pabalik sa mundo nilang mga diwata. Sinulyapan ni Ephraim ang palasyo saka siya pumasok sa puno. Nang makabalik siya sa mundo nila, kaagad siyang nagtungo kay Goddess Archellis at ibinalita rito ang mga nangyari. "Ang reyna ng mga bampira ang nakausap mo. Siya si Queen Azleia, ang kabiyak ni King Zachary." "Ang bata po niya." Sabi ni Ephraim. Natawa si Dyosa Archellis. "Hindi tumatanda ang isang katulad ni Queen Azleia. Siya ay hindi pangkaraniwan. Hindi siya bampira." Nagtaka si Ephraim, "ano po ang ibig niyong sabihin?" "Si Queen Azleia ay katulad ko. Isa rin siyang dyosa katulad ko na bumaba rito sa lupa upang puksain ang mga nilalang na nangugulo sa mga tao ngunit umibig siya kay King Zachary." Sabi ni Goddess Archellis. Tumango si Ephraim. "Goddess Archellis, magaan po ang loob ko kay Queen Azleia. Gusto ko pong bumalik sa palasyo nila." "Bago mo gawin 'yan, sasabihin ko muna ang mga dapat mong malaman at tuturuan kita kung paano mamuhay ang mga tao." Wika ni Goddess Archellis. Nanlaki ang mata ni Ephraim at kaagad siyang na-excite. "Talaga po?" "Bukas ay babalik tayo sa mundo ng mga tao upang ituro ko sa 'yo ang mga dapat mong malaman." Malawak na napangiti si Ephraim at napayakap kay Goddess Archellis dahil sa tuwa. "Maraming salamat po."  Ngumiti si Goddess Archellis at hinaplos ang mukha ni Ephraim. "Bumalik ka na sa inyong palasyo. Aasahan kita rito bukas." Tumango si Ephraim. Yumukod siya kay Goddess Archellis saka naglaho. Bumalik siya sa kanilang palasyo. Lumitaw siya sa loob ng kaniyang silid. Umupo siya sa harapan ng salamin, tinignan niya ang kaniyang mukha. Naalala niya si Queen Azleia, napangiti siya. Ang ganda ni Queen Azleia. Ganun ba talaga ang mga Dyosa, kakaiba ang taglay nilang ganda. Kinabukasan, nagpaalam si Ephraim sa hari at reyna ng mga diwata na magtutungo siya sa kagubatan. Pinayagan naman siya ng mga ito. Dumeretso siya sa tahanan ni Goddess Archellis. "Hindi ko inaasahan na mas maaga ka pa kaysa sa inaasahan ko." Wika ni Goddess Archellis. "Handa ka na?" "Handa na po ako, Goddess Archellis." Tugon ni Ephraim. "Kung ganun halika na." Wika ni Goddess Archellis. Lumabas sila ng tahanan ni Goddess Archellis at nagtungo sa kakaibang puno. "Nalaman mo na ito ang daan patungo sa mundo ng mga tao." Aniya. Napakamot ng batok si Ephraim. "Sinubukan ko lang po." Ngumiti si Goddess Archellis. "Halika ka na." Pumasok sila sa katawan ng puno. Ngunit nang makapasok sila sa mundo ng mga tao ay naging hangin sila parehas. "Halika, ipapakita ko sa 'yo ang kasuotan ng mga tao. Matagal akong nanatili rito sa mundo ng mga tao kaya alam ko ang tungkol sa mga ito." Wika ni Goddess Archellis. Ephraim nod her head. "May tiwala po ako sa inyo." Napatingin si Ephraim sa sarili nang magbago ang suot niya, ganun din kay Goddess Archellis. Ngumiti si Goddess Archellis. Ganun ang naging gawain ni Ephraim, palagi siyang umaalis ng palasyo at pumupunta sa tahanan ni Goddess Archellis sa sagradong gubat. Lagi silang lumabas ng Nymph Word at pumupunta sa Mortal World upang matutunan niya kung paano namumuhay ang mga tao. Nagtataka si Ephraim kung bakit siya ginigiya ng Goddess Archellis pero hindi na lang niya ito pinagtuunan ng pansin. She was enjoying learning many things in the mortal world. Pakiramdam niya ay mas gusto pa niya ang mabuhay sa mundo ng mga tao kaysa sa mundo nila. In their palace, there are many strict rules. Mas maluwag pa sa mundo ng mga tao. Hindi alam ni Ephraim na nakahalata ang kaniyang mga magulang sa palagi niyang pag-alis at ang lagi niyang pagpunta sa kagubatan. One night when Ephraim was walking at the hallway of the palace, narinig niyang nag-uusap ang kaniyang mga magulang. "Nahahalata ko ang ating anak, mahal." Ani ng kaniyang ama. "Lagi siyang pumupunta sa gubat. Ang pinagtataka ko lang ay kung ano ang ginagawa niya roon." "Mahal, kilala mo naman siya baka gusto niya lang talaga ang gubat. Alam mo namang hindi siya makapirmi sa iisang lugar." Ani ng kaniyang ina. "Hindi. Pakiramdam ko ay hindi 'yon ang tunay na dahilan. Minsan ko na siyang sinundan ngunit bigla siyang nawala." "Ano ang ibig mong sabihin, mahal?" May pag-aalalang tanong ng kaniyang ina. "Mahal, pakiramdam ko ay may kakaiba sa gubat. Hindi naman sa nakakatakot ngunit pakiramdam ko ay may kakaiba talaga sa gubat. Ang ating anak, napansin kong may mga nagbago sa kaniya mula ng lagi siyang pumupunta sa gubat." Wika ng ama ni Ephraim. Napangiti si Ephraim. Wala namang dapat ipag-alala ang mga ito dahil ligtas naman ang kagubatan nila. "Hindi kaya totoo ang mga kwento ng mga nakakatanda natin na ang gubat na 'yan ay sagrado at sa gubat na 'yan nakatira si God Archellis." Dagdag pang sabi ng kaniyang ama. Natigilan si Ephraim. Kapagkuwan napailing siya. Walang sinuman ang nakakapasok sa sagradong gubat kung saan nakatira si Goddess Archellis. Sadyang mapalad lang talaga siya at nakapasok siya sa sagrado nitong tahanan at mapalad siya dahil nakakausap at nakikita niya ito. Huminga ng malalim si Ephraim saka naglakad patungo sa kaniyang silid upang magpahinga dahil bukas ay magtutungo na naman sila ni Goddess Archellis sa mundo ng mga tao. Marami siyang mga natutunang habang magkasama sila ni Goddess Archellis lalo na ang tungkol sa mga bampira. Habang nagpapahinga si Ephraim, nahulog siya sa isang panaginip. Nakadamit si Ephraim ng kulay puti at mahabang kasuotan. Naglalakad siya sa gitna ng aisle habang may hawak na bulaklak at nakatakip ng belo ang kaniyang mukha. May mga tao na nakaupo sa magkabilang gilid ng aisle at nakatingin ang mga ito sa kaniya. Naglalakad siya patungo sa isang lalaki na nakadamit rin ng kulay puting kasuotan. Masaya habang naglalakad patungo sa lalaking 'yon at nang marating niya kinaroroonan nito. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan. Sunod nitong hinalikan ang kaniyang nuo. "Mahal na mahal kita." Madamdamin nitong saad. Ngumiti si Ephraim, "mahal na mahal din kita." Napabalikwas ng bangon si Ephraim. Kumunot ang nuo niya. Sino ang binatang nasa panaginip niya? Napakakisig nito. Tinakpan niya ang mukha at muling nahiga. Kusang napangiti si Ephraim at hindi mawala sa isipan niya ang mukha ng binatang nasa panaginip niya. Bumangon siya at naghanda. Muli siyang nagtungo sa tahanan ni Goddess Archellis ngunit wala ito doon at hindi niya alam kung saan ito nagtungo. Napatingin siya sa puno. Gusto niyang makita si Queen Azleia, gusto niya itong makausap tungkol sa mga bampira. Papasok na sana si Ephraim sa puno nang marinig niya ang boses ng kaniyang ama. "Ephraim!" Nagulat siya. "Ama." "Ephraim, anak. Anong ginagawa mo? Pumupunta ka sa mundo ng mga tao!" Galit na saad ng kaniyang ama. "Alam mong labag 'yan sa batas nating mga Forest Nymph!" Yumuko lang si Ephraim. "Sumama ka sa akin sa palasyo!" Naglaho silang dalawa ng kaniyang ama at lumitaw sila sa main hall. Umupo ang ama niya sa trono. "Bakit ka pumupunta sa mundo ng mga tao?" Tanong kaniyang ama. "Alam kong pasaway ka at lagi kang lumalabag ng batas. Ilang beses ka na ring naparusahan ngunit hindi ko akalain na gagawin mo 'to!" Hindi nagsalita si Ephraim at nanatiling nakayuko. Alam niyang kasalanan niya at wala siyang balak na magsinungaling. "Prinsesa Ephraim, alam mo ang batas nating mga Forest Nymph. Ngayon huwag mong sabihin na malupit ako. Ang batas ay batas at kailangan natin itong sundin." "Anong nangyayari?" Pumasok ang reyna sa main hall. "Kailangan kong palayasin si Ephraim dito sa kaharian." Ani ng hari. Nagulat ang reyna. "Bakit? Anong ginawa ng ating anak?" "Nagtutungo siya sa mundo ng mga tao. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa mundo ng mga tao ngunit linabag ni Ephraim kaya kailangan ko siyang parusahan. Siya ay mananatili sa mundo ng mga tao habang buhay." Wika ng ama ni Ephraim. Yumukod si Ephraim. "Tinatanggap ko po ang aking parusa, Ama." "Anak..." Tumingin si Ephraim sa kaniyang ina. Yumukod siya rito. "Patawad po, Ina." Umatras siya saka naglakad palabas ng main hall. Nagtungo siya sa kaniyang silid. Nagulat siya nang makita si Goddess Archilles sa kaniyang silid. "Goddess Archilles." "Handa ka na ba?" Tanong nito. Huminga ng malalim si Ephraim. "Handa na ako." Ngumiti si Goddess Archilles. "Kung ganun ay halika ka na." Tumango si Ephraim. Naglaho sila at lumitaw sa harapan ng puno. "Ephraim! Anak!" Mabilis na nilingon ni Ephraim ang kaniyang ina. Mabilis na naging hangin si Goddess Archilles. "Ina." Naiiyak na naglakad palapit ang ina ni Ephraim palapit sa kaniya. Niyakap siya ng kaniyang ina. "Mag-iingat ka doon." Ngumiti si Ephraim. "Huwag po kayong mag-alaala, Ina. Mag-iingat po ako sa mundo ng mga tao. Hanggang sa muling pagkikita, Ina." "Kakausapin ko ang iyong ama para hindi ka panghabang buhay na nasa mundo ng mga tao." Umiling si Ephraim. "Hindi na po kailangan, Ina. Paalam po. Mahal na mahal ko po kayo." "Mahal na mahal din kita, anak." Ngumiti si Ephraim at huminga ng malalim saka naglakad papasok sa loob ng portal. Kapag nakalabas siya sa portal na ito ay hindi na siya makakabalik pa sa  mundo nilang mga diwata ngunit ito ang kaniyang pinili at kailangan itong tanggapin. Alam niyang darating ang araw na magkikita sila ng kaniyang mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD