Chapter Ten

1577 Words
"IF YOU walk away now, I'll never chase you again, Stone!" Napahinto si Stone nang marinig niya ang pagbabanta ni Kisa. Magkahalong galit at desperasyon ang nahimigan niya sa tinig nito. Napatiim-bagang siya. Ikinuyom niya ang mga kamay hanggang sa maramdaman niya ang pagbaon ng mga kuko niya sa kanyang mga palad. Kinagat din niya ang ibabang labi hanggang sa magdugo na iyon. Hurting himself was the only way to stop himself from running back to her. Damn! Every fiber of his being screamed to be with her. He closed his eyes as he forced himself to walk away from her again. Bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay ang sariling puso ang tinatapakan niya dahil sa tindi ng sakit na nadarama niya. "Stone! 'Huwag mong gawin sa akin 'to!" umiiyak na sigaw ni Kisa. "Promise, hindi na kita kukulitin! Tatanggapin ko kahit magkaibigan na lang tayo! Huwag ka lang lumayo!" Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad. "Stone! I don't want to lose you!" "I don't want to lose you either Kisa," bulong niya sa kanyang sarili. "Come back here, Stone!" "I want to, but I mustn't," pabulong na sagot niya, saka siya tumakbo nang mabilis. Habang tumatakbo ay nagpanggap siya na hindi naririnig ang sigaw ni Kisa. Noon pumatak ang mga luha niya. It's so painful to run away from you, Kisa. It really is. But I have to. This is for your own good. If hurting you now is the only way to save you from getting hurt further in the future, then I'll do it. I can't bear to break your heart any more than I already have. I'm sorry. Sumigaw na siya habang tumatakbo para kahit paano ay mapagaan ang kanyang kalooban. Pakiramdam kasi niya ay may napakabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib. Nahihirapan siyang huminga dahil doon. Malayo na siya sa court nang biglang bumagsak ang malalaking patak ng ulan. Sa pagbuhos niyon ay naalala niya ang pag-uusap nila ng isang mahalagang tao sa buhay niya noong bata pa siya. "Gusto mo ba ang ulan, Stone?" "Yes, Daddy! Wala po kasing pasok kapag umuulan!" Tumawa ito. "Silly boy." "Gusto mo rin ba ang ulan, Daddy?" "Oo naman. But my daughter hates it. Madali kasi siyang magkasipon. Isa pa, lamigin ang batang 'yon." Huminto siya sa pagtakbo. Pero para lang pumihit at tumakbo uli pabalik sa court. Ayaw ni Kisa sa ulan. Pagdating niya sa court ay nalungkot siya sa kinalabasan ng candlelit dinner na inihanda ni Kisa para sa kanya. It looked like a mess now. Nakita niya si Kisa na nakasilong sa isang saradong tindahan malapit sa court. Nakaupo ito habang yakap-yakap ang mga tuhod nito. Nanginginig ang buong katawan nito dala marahil ng lamig. Mukhang nabasa rin ito ng ulan dahil basa ang buhok nito. Nakayuko ito kaya hindi pa siya nito nakikita. Naawa siya rito. Lumapit siya rito habang hinahanap sa backpack niya ang face towel na ibinigay nito sa kanya noon. "Kisa." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. The usual glow in her eyes had been replaced by sadness. Hindi ito nagsalita at sa halip ay nagbaba lang uli ng tingin. Ngayon ay alam na niya ang pakiramdam nito kapag hindi niya ito pinapansin. Tumingkayad siya sa harap nito at marahang pinunasan ang basang mukha nito. "Nilalamig ka ba?" tanong niya rito. "Of course you are. Dala mo ba ang sasakyan mo? May spare shirt ka ba?" Ngayon siya nagsisisi na hindi siya nagdala ng kotse. Ipinahiram kasi niya iyon sa kanyang ama. Nasa talyer kasi ang kotse nito. Kung nadala lang niya ang sasakyan niya, napahiram sana niya ng T-shirt si Kisa. Lagi siyang may spare shirt sa sasakyan. "Kisa." Hindi pa rin ito kumikibo. Parang wala itong naririnig. Napabuntong-hininga siya. "Tatawagan ko ang mama mo. Ipasusundo kita sa kanya. Nasaan ang phone mo?" Iniabot nito sa kanya ang cell phone nito. "You like me, don't you, Stone?" mahinang tanong nito nang hindi nag-aangat ng tingin sa kanya. Siya naman ang hindi nakakibo. Ngayong nakikita niya kung gaano ito kalungkot, nawalan siya ng lakas para magsinungaling at tumanggi. "Alam mo bang mas nasasaktan akong maramdaman na gusto mo rin ako pero itinataboy mo ako?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya. The pain he could see in her eyes broke his heart again. "Bakit ayaw mong aminin na mahal mo ako?" Shit! Hindi niya ito kayang makita na nagkakaganoon. Siguro ay mas mabuting malaman na nito ang katotohanan para matigil na ang pagkagusto nito sa kanya. He didn't deserve her love, anyway. "Handa ka na bang malaman kung bakit?" With one last sigh, he called the person who could surely end Kisa's love for him and asked him to come over. The moment had come for her to stop loving him. *** TAHIMIK lang si Kisa habang nakikipag-usap si Stone sa ama nito sa cell phone. Pagkatapos ng tawag sa ama ay tinawagan din nito ang kanyang ina. Nagpasundo ito sa kanya-kanyang magulang dahil palakas pa nang palakas ang ulan sa halip na tumila iyon. "I called your mom. She's on her way," imporma ni Stone sa kanya. Hindi siya kumibo. Seryoso siya nang sabihin niya kanina na kapag iniwan siya nito ay hindi na niya ito hahabulin. Masyado siyang nasaktan ngayon na parang ba gusto muna niyang lumayo rito pansamantala habang bugbog pa ang kanyang puso. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon magtatagal pero alam niyang hindi rin niya ito matitiis. Ngayon pa nga lang ay humuhupa na ang galit niya rito. Kahit ano pa yata ang gawin nito, mananatiling mahal niya ito. "Umisod ka rito, Kisa. Napapatakan ka ng ulan diyan," sabi nito. Inakbayan siya nito at hinapit palapit sa tabi nito. Hindi na nito inalis ang braso nito sa kanyang mga balikat. Para siguro mahatian siya ng init. Napansin marahil nito na nanginginig na siya sa lamig. Hindi talaga kaya ng katawan niya ang sobrang lamig. Naalala tuloy niya na noong bata pa siya, kapag ganoon ang panahon ay niyayakap siya ng daddy niya. Nagbanta na namang tumulo ang luha niya pero pinigilan niya iyon. "Stone, aware ka bang sa ginagawa mong pag-aasikaso sa akin ay pinapaasa mo ako?" "Hindi ko sinasadyang paasahin ka. Gusto lang kitang protektahan." Nilingon niya ito. Dahil nakaakbay ito sa kanya, iilang dali lang ang layo ng mukha niya sa mukha nito. "Bakit mo 'ko kailangang protektahan? At kanino mo 'ko poprotektahan?" "I need to protect you from myself. Dahil malaki ang kasalanan ko sa 'yo at alam kong madaragdagan at madaragdagan ko iyon. Kaya nangako ako sa sarili ko na hanggang maaari ay hindi na kita hahayaang masaktan uli. Iyon ang rason kaya pinilit kong lumayo sa 'yo. Pero hindi ako nagtagumpay at lalo lang kitang nasaktan." His voice was filled with both anger and sadness. Nagtaka siya sa sinabi nito. Wala rin siyang naintindihan. "Ano'ng ibig mong sabihin, Stone?" Tumingin ito sa kanya. Lalo siyang nagtaka nang mabasa ang pait at guilt sa mga mata nito. "Kisa, ako ang—" "Stone, nakita rin kita sa wakas." Natigilan siya nang marinig ang boses. Nag-angat siya ng tingin sa matandang lalaki sa harap niya. Pakiramdam niya ay nagyelo ang buong katawan niya nang makita ang mukha nito. It was definitely her father's! Tumanda ito pero hindi pa rin nagbabago ang maamo nitong mga mata. Kay Stone ito nakatingin kaya marahil hindi pa siya nito nakikita. Naramdaman niya ang paglayo ni Stone sa kanya. Tumayo ito at in-acknowledge ang presensiya ng kanyang ama. "Daddy." Nagulantang siya sa sinabi ni Stone. Tinawag ba nitong "Daddy" ang kanyang ama? Tumingin si Stone sa kanya. "Tumayo ka riyan, Kisa." "Kisa?" sambit ng kanyang ama. Gumawi ang mga mata nito sa kanya. "I-ikaw nga, anak! Ano'ng ginagawa mo rito? Paano kayo nagkakilala ni Stone?" Hindi siya makapagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay Stone at sa kanyang ama. Pakiramdam niya ay umikot ang paligid nang maunawaan niya ang nangyayari. "You're my father's stepson. Pero 'yong batang..." Hindi sumagot si Stone. Pero sapat na ang nakita niyang sakit at pagsisisi sa mga mata nito upang makumpirma niya na tama siya. "Kisa, anak..." Pinukol niya ng matalim na tingin ang kanyang ama. "Huwag mo 'kong tawaging 'anak.' Nang araw na iwan mo ako para sa babae mo at sa anak niya, iyon ang araw na isinuko mo ang karapatan na maging ama ko," marahas na sabi niya. Bumadha ang matinding pagsisisi sa mukha ng kanyang ama. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Kisa, anak, mag-usap tayo. Please, I want to talk to you." "Bitawan mo 'ko!" Marahas na pinalis niya ang mga kamay nito. "Kisa!" Lumingon siya sa tumawag sa kanya. Tumakbo agad siya palapit sa kanyang ina. "Let's go, 'Ma." "Pero..." Tumingin ang kanyang ina sa kanyang ama at kagyat na gumuhit ang pagkagulat sa mukha nito. "Samuel!" "Klaris," sabi ng kanyang ama. "Paano—" "Stop it!" sigaw niya. "'Ma, let's go home!" Hindi na niya hinintay ang sagot ng kanyang ina. Nakita niyang nakaparada ang kotse nila sa tapat ng court. Mabilis na sumakay siya sa passenger seat. Pagkalipas lang ng ilang saglit ay pumuwesto na rin ang kanyang ina sa driver's seat. "Anak—" "'Ma, just drive. Please..." pakiusap niya sa basag na tinig. Bumuntong-hininga ito at pinaandar na ang sasakyan. Niyakap niya ang kanyang sarili. Kung kanina ay nanginginig ang katawan niya dahil sa lamig, ngayon ay nanginginig iyon dahil sa pag-iyak. She felt so betrayed. Ang masakit pa, si Stone na lalaking pinakamamahal niya ang tumraidor sa kanya sa pagkakataong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD