NAKILALA ni Andres si Trutty Charles Madrigal. He had to admit, he was mildly attractive to the girl. Ginawan ng paraan ng kaibigang si Bea na makilala niya ang kaakit-akit na dalaga. Si Trutty ang tipo ng babae na magandang-maganda sa unang tingin at hindi pagsasawaan kahit matagal na pakatitigan. Her beauty was effortless. Marami na siyang narinig na maganda tungkol sa dalaga mula kay Bea. Dinala ni Trutty mismo sa ospital ang tseke para sa mga batang tinutulungan ni Andres. Nahihiya siya dahil si Trutty pa talaga ang nagsadya sa kanya dahil sa pagiging busy niya sa trabaho. Napatitig sa kanya si Trutty pero hindi mabasa ni Andres ang interes at atraksiyon na karaniwan niyang nakikita sa mga mata ng mga babaeng nakikilala. Sa tingin niya, curious si Trutty at kung magiging tapat siya s

